Chapter 3: Getting Closer

6 1 1
                                    

Nasa school na ako. Inagahan ko ng konti. 7:00AM.

Kung mamalasin ka nga naman, nandito na rin si Wayne. Kaming dalawa pa lang, wala ding dumadaan ni isa. Nice, Tadhana.

"Hi, asdfghjkl." paninimula niya sa pang-aasar sa'kin.

"Hello, asungot." normal lang eh noh? Hahaha!

"By the way, tapos na yung pictures, eto oh." inabot niya yun parang album. Ang laki naman, apat na pictures lang. I mean, eight.

Tinignan ko bawat pages, isang family, back to back. Sa harap normal pose, sa likod wacky pose. Inisa-isa ko, hanggang marating ko yung picture ng family ni Wayne. Tinignan ko ulit yung pagkakakuha ko, maganda naman. Pasado sa masa. Hahaha! Tinignan ko si Zayne, tapos tinignan ko na rin si Wayne. Ang gwapo niya, in fairness. Hehe. "Tapos mo na bang pagpantasiyahan yung mukha ko?" tanong niya. Ay, nakatingin parin ba ako sa picture niya? Sorry naman. Hahaha! Ang gwapo lang. No malisya!

"Huh? Si Zayne kaya ang tinitignan ko. Ang cute cute niya kasi." with kilig effect and matching smile pa yan ah. Hahaha! Naaasar pa yung asungot. Umalis siya.

"Hi, Bes." bati ni Bes Claire, hindi kasama yung boyfriend niya. Sabi na eh, walang forever! Wahaha! "Ang sweet niyo ah?" kilig effect ang lola niyo. Anong sweet? Ew!

"Hmp!" yan na lamang naging tugon ko. Ano pang laban ko? Bara ka sa bestfriend kong yan, maldita pa.

"Aminin mo na kasi na gusto mo si Wayne." hindi pa man ako nakapagreact, meron ng sumabat.

"Ayiiiie! Oo nga, aminin mo na." si Bes kong Sam. Ang galing nila eh, kapag ako ang pinagtutulungan. "Kamusta pala ang project ng love birds?" nangaasar ang tono niya. Well, naaasar naman ako.

"Grabe kayo, ang galing niyo 'pag ako ang pinagtutulungan." nagpout pa ako. Cute naman ako eh, pero maganda talaga.

"Hala. Nagpout ang lola mo." sabi ni Claire tapos humalakhal ang dalawang baliw. Good, tawa pa.

"Huy, nandyan na si Wayne." tapos napalingon kami sa direksyon niya. Ang gwapo niya, why?

Katapat ko na siya at umupo siya sa tabi ko, anong ginagawa niya?! Chansing? Nanlaki ang mata ko, yung dalawang bestfriend ko kinikilig. Waaa! Help! Mamamatay ako, may hot sa tabi ko. Nakakapaso! "Bes!" mahina lang ang pagkakasabi ko, sila pero kinikilig parin. Nakakatawa sila, parang unggoy na kinikilig. Aaargh! Help! Napapaso ako! "Bes!" tawag ko ulit. This time, nagsalita na sila.

"Bes, aalis na kami. Baka nakakaistorbo kami." umalis sila na kinikilig ang buong katawan. Astig eh noh? Parang di ko sila besty. Kawawa naman ako.

"I love you, Kiana." sambit ni Wayne habang nakahiga ang ulo niya sa balikat ko. Ako naman tong bato, hindi makagalaw. Freeze. I love you na naman? Hindi naman siya lasing?

"May sakit ka ba?" tanong ko. Hinawakan ko yung leeg niya. Aww! Ang init. Nakakapaso, kaya pala parang ang hot niya, i mean ang init niya. Yun! "Oo nga, iuwi na kita sa inyo." heto na naman ako, nagiging saviour ng enemy ko. Ang galing, wala dapat akong pake dyan eh, pasalamat siya kind-hearted ako.

Napaisip ako, sa clinic na lang. Alangan namang iuuwi ko pa sa bahay nila. Ang layo nun noh! "Sa clinic na lang." sabi ko. Parang nagising siya.

"Sa bahay na lang." sabi naman ni Wayne. What?! Ang layo naman!

No choice, dumiretso ako sa kotse ko at inihagis siya sa back seat. Ang himbing ng tulog niya, parang tuta. Hahaha! Asungot.

Loving my Enemy [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon