Kiana's POV
*alarm clock rings*
"Aaah. Ayoko pa." inabot ko yung alarm clock habang nakadapa ako sa kama. Waaa! "Aaah, tigil." nahawakan ko kaya pinatihil ko na. Kalahating oras pa.
**
"Waaa!" tumingin ako sa alarm clock para sa oras, nakita ko 8:30 na. Waaa! Lagot ako nito.
Binilisan kong maligo at agad kumain, di na ko nag ayos. Alam ko naman na maganda ako.
Wala pang kalahating oras nasa school na ako. As usual, yung mga ibang boys binabati ako.
"Good Morning, Miss Beautiful."
"Hi, Kiana."
Palagi na lang nasasanay na ako. Ganun ba ako kaganda? Hindi naman. Hahaha!
"Hi, asdfghjkl." Argh! Kilala ko na kung sino yun eh! Yung nakakainis na creature na yun. Pwede naman siyang mag-hello or hi, eh di okay. Kailangan pang sabihin, asdfghjkl. Aaargh!
Hindi ko siya pinansin, ang aga aga. Ayokong ma-high blood dahil lang sa Wayne na yan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nagpatuloy naman yung mga lalaki sa pagbati sa'kin.
Hi, Kiana."
"Hello, your so beautiful."
"Hi Kiana. I'm Jeric by the way." inabot niya yung kamay niya. I shook his hand.
"Ahem." singit ni engot. Kasama ko palang naglakad. Let me clear it, sumama sa'kin na naglakad. Yan.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Who's that guy?" tanong nung Jeric.
Sumagot naman ang buiset. "Boyfriend niya ako, may angal ka?" What?! Kainis ka talaga, Wayne! Ew.
"Hin--" Argh! Hindi ako pinatapos.
"Sige." parang nalilito si Jeric na umalis. Gwapo siya, kenekeleg ako. Waaa! Hahaha! Parang gwapong anghel, sizzling hot.
"Huy! Pinagpapantasyahan mo ba ako?" tanong nung asungot. Ang ganda ng iniisip ko eh. Nakakainis.
"Ew! H'wag ka ngang assuming! Hinding-hindi kita papatulan." sigaw ko sa kanya. Naisip ko na late na pala ako kaya naglakad ako ng mabilis. Bawal kasi tumakbo sa hallway.
"We'll see." sabi niya. Alam kong seryoso yung mukha niya, boses palang seryoso na. Ang hot niya kapag ganun. Pwe!
Waaa! Parang seryoso talaga siya dun ah? Hindi ako magpapa apekto. Hindi ko siya magugustuhan, hindi ko siya magugustuhan. Okay Kiana? Ok.
Nakarating na rin ako sa room ko. "Oh, Ms. Asd-- i mean Ms. Lazarte." ayan na naman yung mapanuksong asdfghjkl na yan! Argh!
"Hi, Ma'am." sabi ko ng walang emosyon. Dumiretso agad ako sa proper seat ko.
Wala pang ilang segundo, nandyan na si Wayne. Hindi na sana pumasok. "Hi, Ma'am." bati ni Wayne na buiset. Ba't ang init ng dugo ko sa lalaking yan?
Yun na nga, sa tabi ko na siya pinaupo. PERMANENTLY. "Thanks." sabi niya. Thanks? For what?
"For what?" hindi pa naman nagdidiscuss si Ma'am. Daldal muna.
"Yung kahapon." sabi niya. Okay, wala yun! Buiset ka eh! May kahalikan pa. "Ang gwapo ko ba?" pagpapatuloy niya. Wow! Hiyang hiya ako sayo!
"Huh?! Hindi ah! Ew!" umiwas ako ng tingin at ibinaling ang tingin ko kay Sam na halatang mamamatay na, sa kulig. Isa din to eh, kung di ko lang talaga bestfriend to. Tinignan ko yung isa, ayun! Busy na naman sa boyfriend niya. "Claire!" lumingon siya. Hahaha! "Walang forever!" pagpapatuloy ko. Naiinis na yung mukha niya. Narinig ko yung mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy [On-Hold]
Teen FictionNapatunayan nila ang, "The more you hate, the more you love". Kiana Margaret Lazarte and Wayne Gray Aragon's Story.