If I Was The One

121 6 7
                                        


AN: Approximately 100 times ko nang pliniplay ang kantang IF I WAS THE ONE. Hindi ako makaget-over and I think bagay na bagay kina Karl at Mabel! Play mo 'yung song! Mas ma-iinlove ka kay Karl!


x____________________x


Halos liparin niya papuntang SM para makita lang siya. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung ano na naman ang nangyari sa babaeng 'yun. Puro hikbi lang ang narinig niya nang tawagan siya nito. Buti nalang narinig pa niya nang malinaw ang salitang Starbucks-SM sa pagitan ng mga hikbi niya.

Ayun. Nasa pinakasulok na upuan siya ng coffeeshop. Kinakagat-kagat ang straw ng frap niya. Hindi niya maiwasang mapangiti. Bakit frap ang inorder niya? Sasakit na naman ang tiyan niyan mamaya. Tapos siya na naman ang sisisihin niya kahit wala naman siyang kinalaman dun. Bakit nga ba uli niya pinagtiya-tiyagaan ang babaeng ito? Ah, mahal niya kasi. Kahit may pagkabaliw minsan (madalas). Mahal na mahal pa rin niya.

"Karl, napanood mo ba 'yung One More Chance?" Ayan ang bungad niya pagkaupong-pagkaupo niya sa tabi nito. Ano na naman kaya ang pakulo ng babaeng ito?

"5 times. 4 times with you. Once kasama ko si ate." Ganyan niya kamahal ang babaeng ito na kahit anong pang-babaeng movie at kahit paulit-ulit, sige ... okay lang. Basta para sa kanya.

"May time ba na kasama natin si Brian na nanood nun?" tanong niya.

Napabuntunghininga siya. Nabanggit na naman ang pangalan ng gagong best friend niya. Tumango na lang siya. "Once, noong nag-overnight tayo sa bahay nila Kaye."

"Eh, bakit hindi niya alam ang three-months rule? Di ba ang linaw dun sa movie ng three-months rule?" Medyo tumitinis at napapalakas na ang boses ni Mabel. Mukhang alam na niya ang dahilan ng pagsisentimental ng babaeng ito.

"Shhhh ... Mabel, hinaan mo naman ang boses mo. Pinagtitinginan na tayo dito." Sita niya.

"Nakita ko sila, Karl. Ang sweet nila. Kaya pala ganun nalang makatingin si Sandra kay Brian tuwing magkasama kami. Putang-ina! 6 weeks palang. Dapat three months, di ba? Hindi ba sila makapaghintay? Nakakagago naman, eh. Hindi pa ako tapos sa pagdradrama ko. Di pa ako nakakamove-on tapos ganun na agad?" Hindi pa rin humina ang boses ni Mabel. Dumami pa ang customers na nakinig at na-curious sa drama ni Mabel.

Ano nga ba ang sasabihin niya kay Mabel? Kung tutuusin hindi lang ang three months rule ang nilabag ni Brian. Bago pa man sila mag-break ni Mabel, nagkikita na talaga sila Brian at Sandra. Pero sasabihin niya ba iyon sa kanya? Kilala niya si Mabel. Walang pinipiling lugar 'yan. Mas lalong ngangawa iyan kapag nalaman niyang pinagsabay silang dalawa ni Sandra ng gagong Brian na 'yun.

"Tama na iyang drama mo. Not worth it. Hayaan mo na sila. Ano bang ineexpect mo sa tatlong buwan na yan? May basis ba talaga na dapat three months? Kung magiging sila ba after three months, hindi ka na ngangawa d'yan? Do you think tama na 'yung three months para maka move on ka kay Brian?"

Natahimik siya. Napatitig kay Karl. "Holy shit, Karl."

"What?"

"What if hindi na ako maka-get over kay Brian? What if forever na ito?"

"Forever bitter? Ano bang meron ang Brian na 'yan at sa tingin mo, eh, hindi ka na makaka move on sa kanya? Hindi lang siya ang lalake, Mabel." Pinalaki pa niya ang mga singkit niyang mga mata. Naiinis na siya sa katangahan ng babaeng nasa harap niya.

"Paano kung wala nang magkagusto sa akin? Tatanda na akong dalaga! Karl, mag-isa nalang ako ... Tapos si Brian at Sandra ... ikakasal sila, magiging masaya sila together pero ako mag-isa lang."

"OA ka na, Mabel. Masyado ka na atang maraming cream na nakain. Masama talaga ang epekto ng frap sa'yo. Hindi ka mag-iisa. Andito ako. Sasamahan kita."

"Promise mo 'yan, ha. Kung tatanda akong dalaga, huwag ka na ring mag-asawa, ha. Para tayong dalawa ang tatandang magkasama."

Ang manhid talaga ng babaeng mahal niya. Pero natuwa siya sa sinabi nito. "Oo, tatanda tayong magkasama. Promise 'yan."











SnippetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon