DECEMBER 31 2015..
Ilang oras na lang mag papalit na ang kalendaryo.. Panibagong taon, Panibagong Buhay, -Panibagong Pag-asa...
Pero bago matapos ang taon, gusto ko munang balikan lahat, alalahanin lahat ng sakit, saya at lungkot na naramdaman ko sa mga nakalipas na taon...
Para san??
Para sa pag pasok ng panibagong taon, Hindi ko na baon ang lahat ng yon... Kelangan ko na, mag MOVE ON....
************************************************
April 20 2008 to May 2011
Three years... antagal no??
Eto yung panahong nakilala, nakasama at nakarelasyon ko yung taong akala ko sya na yung laan para sakin...
Minahal ko ng husto...
Pinag aksayahan ng panahon at oras.. Pero hindi ko yun pinagsisisihan, kasi sa kanya ko unang natutunan kung pano umibig.. magmahal ng sobra..
Pero, Sa kanya ko din natutunan na hindi porke mahal ka, kaya ka ng ipag laban, kaya kang ipag malaki, at ipag sigawan..
Sakanya ko unang naranasan ang pinaka matinding sakit...
Pero umasa pa din ako..
Umasa kong darating ang panahon, maipagyayabang din yang mahal niya ako... Lalo na sa magulang niya..
Pero wala, hanggang sa sumuko na kami pareho...
*******************************
August 04 2011 to July 21 2014
Almost three years...
Tinangka ko ulit mag mahal..
kasi akala ko handa na ko..
Sa kanya ko naramdaman na sa kabila ng nakaraang relationship ko, may taong handa pa ring tumanggap sayo.. Ng buong buo..
Yung mamahalin ka ng walang hinihinging kapalit..
Yung taong kaya ka ipag malaki, ipagsigawan at ipaglaban sa buong angkan at mga kaibigan niya...
Siya yung taong nagparamdam sakin na deserving ako mahalin.. Siya yung taong bumuo ulit ng pagkatao ko...
Mabait sya, oo, sobra..
Siya yung tipo ng taong gagawin lahat para mapasaya ka sa simpleng paraan..
Sakanya ko naramdaman na ang pag ibig, walang restrictions.. At higit sa lahat, ang pag ibig hindi lang basta salita,, nararamdaman....
Kaso wala eh.. kinailangan na niya sumama sa piling ni Lord..
Akala ko talaga, siya na...
**************************************
September 27 2015....
Isang taon na mahigit ang lumipas...
Siguro handa na ko..
Sana handa na ko..
Muli.... Pumasok ako sa isang relasyon...
Hindi sya yung tipong isisigaw sa buong social media na iyo sya, kanya ka...
Pero, sya yung tipo ng taong ihaharap ka sa buong angkan niya ng taas no..
Mahal ko sya??
oo..
Sa loob ng tatlong buwan, mahal na mahal ko na agad siya..
at sana siya na talaga..
-------
DECEMBER 31 2015...
Ilang oras na lang, mag papalit na ang kalendaryo...
at handa na akong iwanan lahat ng mga alaala ko noon para sa pagharap ko sa panibagong taon,, mas maibibigay ko na ng buong buo yung sarili ko sa kaniya..
Mas makakaya ko na siyang pagkatiwalaan...
Mas makakaya ko na syang ipaglaban..
At mas mag papaka mature na ko sa lahat ng aspeto ng buhay para hindi niya ko iwan...
-fin
YOU ARE READING
A LOOK BACK
Короткий рассказANOTHER RANDOM THOUGHTS OF A GIRL TRYING TO MOVE ON WITH THE PAST AND STEP IN TO A NEW LIFE AWAITING FOR HER..