Mahirap magtiwala sa mga taong nakapaligid sa iyo dahil hindi mo alam kung sino sa kanila ang kakampi mo o sadyang lumalapit lang sayo para masira ka.
Dapat magpakatatag ka para sa bandang huli hindi ikaw ang kawawa at maipakita mo sa kanila kung sino ang sinira nila.
Sa mundong ating kinatatayuan hindi natin alam kung may mga tao bang may malasakit sa atin o sadyang masyado lang tayong mabait at bulag sa katotohanan.
Kung ang pagbabago lang ang makakatulong sa iyo upang hindi maging kaawa-awa dapat mo itong gawin ng walang hinihinging tulong sa iba.
Hindi nila alam kung sino ang sinisira nila.
Maging matalino sa lahat ng oras.
Maging mapanuri sa bawat taong kasama.
Maging bukas ang isipan sa mga ginagawa.At ipakita mo kung SINO ka!
MAGBAGO KUNG KINAKAILANGAN!
Be the change and let's do the METAMORPHOSIS........