Gabi-gabi, tuwing ala syete ng gabi oras na ng uwian galing sa mga klase. Maulan ng gabing yun kaya nilabas ko ang payong ko.
Ganoon na lang ang routine ko. Nagtataka nga ako kung bakit sa tuwing mag-uuwian biglang bubuhos ang malakas na ulan. Pero nararamdaman kong kakaiba ang gabing ito.
Napagdesisyonan kong tumambay muna sa isang convinient store. Napapatila ng ulan. Basa na din ang sapatos at slacks, pati na din ang uniform kong pampasok. Walang silbi ang dala kong payong sa lakas ng ulan.
Teka. may bagyo ba?
Hindi ko alam eh. Wala naman balita kanina tungkol sa bagyo.
Usapan ng kapwa ko mag-aaral sa loob ng convenience store na tinatambatan ko. Lumipas ang trenta minutos, ganon pa din ang panahon. Magtricycle na lang kaya ako? Lumingon ako sa glass wall at nakita kita. Tumatakbo ka sa isang convinient store kung saan nandun din ako. Nakaka-bakla mang pakinggan parang nagslow-mo lahat ng nasa paligid ko tanging sayo lang nakatuon ang atensyon ko.
Lumabas ako at nandoon ka. Ilang dipa lang ang layo nating dalawa at wala akong magawa kundi ang titigan ka. Bawat kurap at pagkibot ng labi mo slow motion lahat. Lumingon ka sa dereksyon ko at ang saya ko dahil napansin mo ako. Lumakad ka palapit. Putcha! para akong nasa isang music video isabay mo pa ang tugtog dito sa convinient store na ang theme song ay thingking out loud ni Edsheeran.
'So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud'
That maybe we found love right where we are....Ayan na malapit ka na. Natotorete ako hindi ko alam ang gagawin ko pero lumampas ka. Pumasok ka sa loob at duon naupo. Nak ng! assuming much ako dun ah! Pumasok ulit ako tumabi malapit sayo baka sakali din na lingunin mo ako. Pero lumipas ang minuto, oras at segundo abala ka lang sa librong hawak mo.
Tumingin ka sa labas. Napangiti ka sabay tayo at ako nakatitig pa din sayo.