Umbrella 2

14 1 0
                                    

Simula ng gabing makita ko sya sa convinient store na yun gabi-gabi na din akong tumatambay dun. Hinihintay sya. Nagbabaka sakaling maisukob ko sya sa payong ko. Pero lumipas ang mga araw hindi ko pa din sya nakikita. Ano na kayang nangyari sa kanya? Nagkasakit kaya sya? Nagkasipon?

Tol, sino ba inaabangan natin dito?

Basta tol, antay ka lang dadating na din yun.

Napailing na lang sya sa sagot ko. Naghintay pa din ako kahit na alam kong mukang hindi na talaga kita makikita. Isang oras... dalawa.... tatlong oras wala pa din.

Tol, uwi na ko mukang hindi na dadating yun. Atsaka malakas ang hangin sa labas mukang uulan.

Sige pare salamat sa pagsama sa akin dito. Umuna ka ng umuwi maya lang ako ng konti.

Sige tol, ingat ka. Sana dumating pa yung love of your life.

Ngumiti lang ako sa kanya at tuluyan na syang umalis. Buti na lang maagap na dismiss ang klase namin. Agad akong pumunta dito sa convinient store para muling makita ka. Lumipas pa ang isang oras at alas nuwebe na ng gabi. Makikita pa kaya kita at makakasukob sa payong ko.

When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?

Biglang tumugtog ang theme song ko para sa ating dalawa. Naalala ko tuloy yung una kitang makita.

And, darling, I will be loving you 'til we're 70
And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me-I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am

Napatingin ako sa payong na nasa loob ng bag ko, sana mapakinabangan kita. Biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas.

"Ano kaya kung humingi ako ng sign"

Para akong tanga. Naniniwala ako sa ganon. Pero wala namang mawawala kung susubukan ko di ba?

Pumikit ako. bibilang ako hanggang tatlo kapag nasa harap ko sya ibig sabihin ihahatid ko sya sa bahay nila at sisimulan ko ng manligaw at kelan man hindi ko na sya pakakawalan.

So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are

Huminga ako ng malalim at sinimulan ng magbilang.

1....





2......





3.....

Dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko sya.

sa harapan ko....

Nakangiti.....

Nagpatuloy lang ang tugtog sa convinient store. Pero ako parang tanga na nakatulala sa kanya.

"Ahmm... Jeff pwede ba akong sumabay pauwi? Ang lakas kasi ng ulan wala akong payong... okey lang ba?"

Wow! kilala nya ako. As in! Para akong tanga hindi malaman ang gagawin hinalughog ko na ang bag kong kanina lamang nakahanda na ang payong ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong tanga na parang nagmamadaling magsagot ng quiz na sila nasa number 5 na, ako number 1 pa lang at kasalukuyang naghahanap pa din ng papel at ballpen.

Hinablot ko ang payong ko sa bag. Natawa naman sya sa mga pinaggagawa ko.

Hanep! worth it ang paghihintay ko.

Sabay na kaming lumabas ng convinient store.

Na magkasukob sa payong ko.

END

.................................................

Alam ko boring pero salamat pa din sa nagbasa.

Godbless you :)

UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon