Deja vu.
The moment I opened my eyes, everything seemed familiar. Too familiar.
Male-late ka na naman, Kate. Kaya tawag nila sa iyo The Late Kate eh!
Around the same time last year, ganitong-ganito rin ako. Humahangos, nagmamadali. Nakikipagbalyahan sa MRT para lang makarating sa opisina on time.
Eh kasi naman eh! Ang aga na naman ng call time. First subject scheduled pictorial at 9am. Hulaan n'yo kung sino? Syempre, ang Clark Kent ng buhay ko.
And just like last year, I arrived at 8:30 am so I had to rush to check the set-up. Buti na lang wala akong nakasabay sa elevator with my unkempt hair and no make-up look, literally, no make-up. Buti na rin lang Friday na at last batch na ito ng pictorial.
When I arrived, I saw that the set was ready. Josh is a lifesaver. Shoots and pictorials like these can be nerve-wracking. Buti na lang talaga reliable itong si Josh. Now all I have to do is coordinate with Ms. Tina.
As if on cue, my phone started ringing.
"Ms. Tina, ready na po kami. Pwede na po siyang bumaba. Dito na lang siya magpamake-up sa set."
"Naku, eto na nga. Pasensya ka na. Nagpapa-move siya ng time slot. Ano daw yung last slot mo before lunch?"
"Po? Ay bakit? Sayang naman, ready na kami."
At saka sayang ang pagmamadali ko. Tsk! Ang aga ko gumising. Halos di na ako nakapagsuklay kakamadali. Buti nga nakaligo pa ako eh.
"Ewan ko nga eh. Nandito lang naman siya sa office. Nakaharap sa laptop. Baka may tinatapos na report. May meeting ito sa taas sa Monday eh."
"May naka-sked na po ako ng 11. Pwede po siya ng 11:30. Siya na po yung last na ishu-shoot."
"Oo, ok lang yun. Sabi niya kasi before lunch na lang daw siya. Ewan ko ba dito. Pasensya ka na ha?"
"Ok lang po."
Kahit nahihilo pa ako sa antok dahil ang aga ko gumising.
"Josh...na-move yung first subject natin to 11:30. Sorry ha?"
"Ok, sige, yosi muna ako." Josh left the room and went for a smoke outside the building. Like me, he's obviously not a morning person.
"Ay, na-move? Eh di, wala pa akong aayusan? Ano'ng oras yung susunod?" Si Ate Luring, a veteran make-up artist of the network.
"Ate, wala pa, nagpa-move yung una eh. 10am pa yung kasunod."
"O, eh di, halika dito. Ikaw na lang aayusan ko. Di ba ngayon ang pictorial nung crush mo? Ahahahaha!"
Like Josh, ilang taon ko na ring katrabaho si Ate Luring sa project na ito. Resident make-up artist na nga namin siya for almost all of our projects. We've gotten close through the years kaya alam niya yung mga secrets ko. Medyo madaldal at maingay lang talaga ito.
"Uy, ano ka ba Ate! Huwag kang maingay! Ikaw talaga! Baka may makarinig sa iyo!"
"Sus! E ano naman? Di naman nila alam kung sino. Halika na dito. Aayusan na kita. Blow-dry ko buhok mo tapos konting make-up."
"Kahit blow dry na lang, Ate. Nakakahiya naman."
"Susmaryosep! Ngayon ka pa nahiya! Halika na! Para maganda ka pagdating ng crush mo! Hahahaha!"
BINABASA MO ANG
CEO of My Heart
RomanceEvery girl has a dream guy. For Kate, her dream guy just happens to be the CEO of the company she's working for. Can her "school girl crush" be ever more than what it is? Can dreams really come true? Join Kate in her adventures and misadventures a...