Prologue

63 1 0
                                    

Ang Hirap Mag Move On.
Lalo na kung bawat galaw mo naalala mo sya.
Kahit saan ka pumunta naalala mo lahat ng magagandang memories mo kasama sya.
May ma-play lang na music sa radio umiiyak ka na.
May nag text lang sayo akala mo sya na.

Yung lagi kang nag tatanong kung bakit? Bakit humantong sa ganito.
Yung lagi mong hinihiling na sana ako na lang ulit.
Yung Halos mamatay ka na sa sobra sobrang kalungkutan na nararamdaman mo.
Yung nag kakasakit ka na sa sobrang pag mu-mukmok.
Yung hindi ka na makalabas ng bahay dahil haggang ngayon takot kang malaman ng buong mundo na di mo kaya pag wala sya.

Yung tipong halos bugbugin ka na ng mga kaibigan mo dahil sa katangahan mo. Pero ikaw ayan pa din umaasa at nagpapaka tanga ng sobra. Yung mga kaibigan mo na ang laging bukang bibig "Tama na. Di ka na nya papansinin kahit mag paka matay ka. Wala na sya sayo. Wala ng kayo! DI KA NA NYA MAHAL " tas ang tanging sagot mo ay " Paano kung mahal nya uli bukas o sa makalawa? Sayang naman di ba?"
Yung halos sukuan ka na ng mga kaibigan mo dahil sa katangahan na pinapairal mo!

Pero wala rin namang tu-tulong sayo kundi ang sarili mo. Kung hindi ka mag mo-move on hanggang dyan ka na lang. Kung hindi mo tutulungan ang sarili mo tatawanan ka na lang ng ibang tao dahil sa tinataglay mo na katangahan.
Wala eh napagod na sya. Di ka na nya mahal at hindi ka na nya babalikan. Kahit anong gawin mo di na sya babalik. Wala eh siguro hanggang dun na lang talaga yun. Kailangan mo ng pakawalan ang sarili mo sa pag kakakulong mo sa past. Kailangan mo nang Mag Move On.
Kahit gaano kahirap kailangan mong lakasan ang iyong loob,kailangan mong tiisin at kailangan mong kayanin kasi mas marami pang tao ang naniniwalang kaya mo at nag titiwalang kakayanin mo. Kailangan mo na syang kalimutan at hayaang mabuhay sa paraang gusto nya.

MEMORIES OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon