Chapter 1

49 1 0
                                    

"Julia!!' si mama na tinatawg ako.

"Po?!" pasigaw na sagot ko

"Maghugas ka nga ng pinggan! Hindi mo ba nakikita itong husasin?! Nakatamdak na oh!!!"

"Opo! Sandali lang po.." Nagbabasa kasi ako ng pocketbook this time sa kwarto ko.. mahilig kasi ako eh.. lalo na yung nakakarelate ako..

"Dalian mo! Pocketbook na naman yang hawak mo! Mabuti pa kung tinatapos mo muna yung gawain mo dito sa bahay!

Hindi na ako nakasagot. Galit na kasi si mama kaya nagmamadali na akong nagpunta sa lababo.. Baka kasi pagsinabayan ko pa ito sa init ng ulo eh hindi na ako tantanan.. baka matamaan pa.. Kapag ganito kainit ang ulo ni mama ay may problema ito sa cafeteria.

Nagmamay-ari kasi ang pamilya ko ng cafeteria kaya't hindi na kailangang magluto dito sa bahay.. lahat kasi na kinakain namin simula umaga hanggang gabi eh galing dun sa cafeteria.. Oops wag niyong isiping na tira tira yung kinikain namin ah.. malinis naman ito kahit PAPANO!! XD Pagkatapos kong mag-urong ay nagpunta na agad ako sa kwarto ko para ipagpatuloy yung pagbabasa ng pocketbook..

Ako nga pala si Julia Mae Francisco, Julia or JM for short. 14 years old pa lang ako pero 3rd year highscool na ako. Maaga kasi akong nagkinder eh..

"Julia!" Si mama na naman

"Po?!"

'Nagawa mo na ba yung assignment mo?! Pocketbok na naman yang hawak mo!" Medyo malamig na yung ulo ni mama. BTW, siya nga pala ang mama Julie ko. Isinunod niya yung pangalan namin nung kapatid ko na si Julian sa pangalan niya. Siya na lang yung kasama namin nang kapatid ko na magulang namin.. patay na kasi si papa since last year pa T^T.. pero masaya naman kami ngayon kahit wala na siya.. Teka nga lang, ano yung sinabi ni mama kanina?

"Shemay!!" Napamura ako in a gay way. Hindi ko pa kasi nagagawa yung assignment ko.

Dali-dali akong nagbuklat ng notebook para malaman kung ano yon. Nanahimik ako nung mabasa ko yung assignment namen sa E.P. Paste the picture of your crush and why. Shit! Ilalagay ko ba talaga yung picture niya dito?

KINABUKASAN ay nagpunta agad ako ng computer shop para magpaprint. Wala kasi kaming printer sa bahay, computer lang. Kakatapos ko lang mag-almusal n'on bago ako umalis ng bahay.

"Pa-print po?"

Kimuha nung babaeng may-ari yung USB na hawak ko na pinagsave-an ko ng document o picture ng crush ko. Nakita ko na lang na kinikilig yung may-ari ng computer shop. Si Mario Maurer kasi yung ipapaprint ko. Yung picture niya lang ah. Hindi sya mismo. Pero kung kiligin naman yung may-ari eh parang personal na nakita sa concert.

"Ang landi pala nito.." sabi ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?"  Narinig yata yung sinabi ko.. Uh.. Oh..

"Ah.. Wala po.. Ang sabi ko po paprint.."

Nagmamasaling ipinirint nung may-ari yung picture ni Mario. Mukhang nagalit ata..

"Magkano po?"

"Siyete lang.."

Ibinigay ko agad yung pera then nagmamadali akong umalis sa comp. shop. Nakakahiya yung ginawa ko sa may-ari eh. And the fact that minsan na nga lang ako magpaprint eh ganun pa ang ginawa ko.. Ahhh, nakakahiya talaga..

Pagkauwi ko sa bahay inayos ko na yung pinaprint ko para hindi ko mawala. At pagkatapos din nun ay naligo na ako para makapagready na ako for school. Habang naliligo ay naisip ko yung crush ko in real life. Kinikilig na naman ako =^-^= Ang cute kasi niya eh. Matangkad pa with matching light conflection. And take note! SINGLE siya.. Hindi nga lang kami close. Yes, mabait siya pero... lalaki pa rin siya. Nakakhiya naman kasi kung magpapakilala pa kao sa kanya. Kaya hinahayaan ko yung mga friends ko para kapag close na sila ng friends ko edi ipapakilala na lang nila ako sa kanya as friend na para hindi nakakahiya. Gets niyo ko? Napapalayo na ako eh. Kakatapos ko lang maligo nang umuwi si Mama sa bahay para dalhan ako ng ulam galing cafeteria.

"Julia, oh... eto na yung ulam mo.."

"Pakilagay na po dyan Ma.. Magbibihis lang po ako."

Umalis na si Mama pagkatapos. Sa cafeteria kasi siya kumakain ng tanghaian. Pumasok naman ako sa kwarto para magbihis. Then pumunta na ako ng kusina para kumain. Pagkatapos ay inurungan ko na yung mga pinagkainan ko at pumasok na. Bago pumuntang school ay dumaan muna ako ng cafeteria para humingi ng baon. For 1 week na lagi ang hinihingi ko para hindi na ako makaistorbo araw-araw. Hinalughog ko yung bag ko at tinggal yung ibang gamit. Nasa kaloob looban kasi yung wallet ko. Dok ko sana ilalagay yung 1 week baon ko. Nung nakita ko yung orasan sa cafeteria. Agad agad kong pinagpapasok sa bag ko yung mga gamit na ipinaglalabas kokanina. At nagmamadali akong sumakay ng tricycle para makapasok na ako. Narinig kong tinawag ako ni Mama pero hindi ko na pinansin dahil nagmamadali na nga ako.

PAGKAPASOK kos a room ay agad-agad akong tinawag ng mga kaibigan ko. Si Karen, Queen, Irene at Salvia.

"Julia!" tawag sakin ni Karen. Agad agad naman akong tumugon sa kanya ng lingon at ngiti.

"May assignment ka na?"

"Syempre! Ako pa?!"

"Patingin naman ako?" Si Queen.

"Sige wait lang." Hinalughog ko agad yung bag ko para ipakita yung assignment ko sa kanila.."

"Shit." mahinang sabi ko sa sarili ko.

"Naiwan ko!"

"Ha?!" sabay sabay nilang sabi.

"Hala ka! Isa isa pa naman magpepresent nun sa harap!" sabi ni Salvia.

"Si Ivan nalang yung ipresent mo..." sabi ni Irene..

~AUTHOR'S NOTE

Hello!! :D Panget Ba? Sorry ah.. Beginner lang kasi XD Vote and Comment plsss. XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Crush Never Ends... Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon