Base on my experiences

9 0 0
                                    

Paano no malalaman na mahal no na ang isang tao? Nasusukat ba yun kung guano no siya katagal hinangaan or naging crush? Paano kapag pina paramdam na niya sayo na mahalaga ka sa kanya?

Meron akong kilalang isang guy. Actually nakilala ko lang siya kasi pinsan siya nung classmate ko. Nung una ko siyang nakita,2012 nun, na- weirduhan agad ako sa kanya, sobrang gara kasi ng buhok niya nun. So nung una ko siya nakita hindi ko siya pinapansin.

By the way sa ibang bansa siya nakatira pero pure Pilipino siya nagbabakasyon lang talaga siya dito kapag natritripan niya.

So yun nga nung nagbakasyon siya dito nung 2012 yun yung first time na nakita ko siya. 1st high school ako nun at siya naman mag 2nd year high school na nun. Oct. Kasi nun kaya bakasyon dun sa school nila sa ibang bansa. Madalas na namin siyang nakakasama nun kasi nga sumama siya dun sa cousin niya na classmate ko sa tuwing may Lakad kami.

Nagkataon pa na nung panahon na yun may play kaming kailangan ipresent by section kaya medyo busy talaga kami nun na kahit weekend may practice pa din kami. And as the president of or section nagdecide yung lahat na sa bahay na lang yung practice everyweekend and palagi siya sumasama dun. And one time lumapit siya sakin nagpakilala siya, nagkakwentuhan kami tapos naging sobrang close namin.

Sobrang close na yung tipong tuwing hapon siyang pumupunta sa bahay kasi malapif lang naman yun kanila. Tapos naging close na din siya sa family ko at ganun din naman ako sa family niya. Every weekend nasa bahay din siya minsan nga dun pa siya tumutulog eh.

Dahil nga sa sobrang close na namin nakilala ko n talaga siya. Siya yung tipo ng tao na sobrang clingy yung tipong palagi siyang nakaakbay sakin. Palagi siya yumayakap. Basta yung tipong kung ikaw yun na sa lugar ko nung mga panahon na yun wala kang magagawa kundi ang maiblove sa kanya. Pero ayoko mag-assume eh, kaya namab kahit anong sweet niya palagi ko lang iniisip na ganun lang talaga siya pero ang totoo kaibigan lang talaga.

Yung mga taong mga nakapalgid samin sinasabing baka kami na daw, na sobrang sweet daw namin. Pero ayoko magpadala eh. Natatakot kasi ako na baka pati yung friendship mawala.

One day lumapit sakin yun pinsan niya na classmate ko. Tinatanong daw kasi sa kanya ni Peter (name ni guy) kung may nanliligaw ba daw sakin or kung may pat-asa ba daw siya sa akin. Ang sagit naman daw niya "Wala nanliligaw sa kanya pero malabo ang chance na magkaroon siya ng time sa lovelife kasi sobrang priority niya ang pag-aaral niya" at that time nalungkot daw si boy. Hindi ko alam peri kinikilig talaga ako nung mga panahon na yun. Nasabi din sakin nun mga pinsan ko na tianong din daw sa kanila yun ni Peter.

After nun mas dumalas pa lalo siya sa bahay. Pati yung mga pinsan ko halos dito na din tumira sa bahay namin. Pero okay naman yun, wala din namab kasi akong kasama dito kundi yung Isa naming maid. Minsan nagsuswimming sila pero Kadalasan tambay lang sa sala. Manood ng movies or maglalaro ng board games.

Sobrang close din kasi ako s mga pinsan ko kasi nga siguro dahil bukod naman sa mga tita at lola ko sila lang yun pamilya ko dito sa pinas. Si mommy at si daddy kasi nasa ibang bansa tapos only child naman ako. Pero every year naman silang umuuwi.

Sobrang naging comfortable na ako sa kanya na yung tipong akbay, yakap, halik sa noo, at kahit yung pagtatabi namin wala nang malisya. Na kahit anong oras nakakapasok siya sa kwarto ko kahit tulog pa ako or what. Halos hindi nadin nga kami mapaghiwalay nun mga panahon na yun.

Natritripan namin magbar magpipinsan palagi siyang andiyan sa tabi ko para pagbawalan ako. At kung papayagan man niya akong uminom dapat siya ang maghahatid sakin pauwi. Ganyan siya. Ganyan siya kasweet. Pati nga mga classmate ko sinasabi sakin na sobrang swerte ko daw.

Pero dahil nga sa bakasyon lang niya, after my birthday and before christmas umalis na siya. Alam niyo bang a week before yung alis niya dito na talaga siya nagstay sa bahay. Yung ibang gamit nga niya andito na talaga sa guest room eh. Minsan siya pa nagluluto ng breakfast at palaging siya yung gumigising sakin sa umaga.

Nung hinatid namin suya sa airport buong byahe siya nakaakbay sakin tapos nasa balikat naman niya yung ulo ko. Sobrang perfect sana nung moment na yun kung wala lang sana yun fact na aalis na siya at wala pang kasiguraduhan kung kailan siya babalik.

After siya makaalis sobrang hirap. Sinanay kasi niya ako na palagi siyang andiyan. Oo hindi kami. Nakakatakot kasing isaalang alang yung friendship namin sa isang relationship. Nakakatakot kasi baka masayang lang. Atleast kapag katulaf nun samin mas okay pa.

So yun nga, sobrang hirap nun umalis siya. Ang masaklap pa naging busy nadin siya kasi bukod sa siya ang number one sa class nila may training din siya ng judo kasi siya lang naman ang champion sa school nila. At alam niyo bang gold medalist yan! Hahahahha sobrang galing di ba!

Sobrang nakakamiss siya. Yung mga akbay, kiss sa noo, yung nga panahong natutulog siya balikat ko, yung pagiging sweet niya. Lahat lahat sa kanya nakakamiss. Pero palagi pa din siya tumatawag sakin tuwing gabi kahit na madaling araw na dun sa kanila. Tapos kapag namab hindi siya makakatawag sinasabihan niya so tita (mommy niya) na tawagan ako para sabihin na hindi siya makakatawag. Or para kamustahin ako kaya naman pati kami ni tita sobrang naging close na. Nabanggit din nga sakin ni tita nun na gustong gusto na daw umuwi ni peter nun kaya naman napag-usapan nila na dito na daw siya magcocollege. Sobrang saya ko nun na kulang na lang hilahin ko yung araw para college na agar siya.

Buong february 2013 wala kaming communication yun kasi yung month ng competition and bawal sa kanilang athlete ang gadgets kaya naman si tita yung messenger namin dalawa.

Pero after nun balik na ulit sa dati yung communication namin. Pinabantayan pa nga niya ako sa mga pinsan ko at mga pinsan niya eh. Protective na KAIBIGAN di ba.

Do I Love Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon