I think I love him

7 0 0
                                    

October 2013 hindi siya nakauwi kahit pa bakasyon na niya dun. Hiniling kasi ni tita na wag na muna daw siya umuwi dito. Malungkot oo pero okay lang naman kasi parang kasama ko na din naman siya.

Sa buong bakasyon nga niya dun palagi kaming magkachat may klase man o wala. Tapos sa gabi skype naman. At kahit nasa ibang bansa siya hindi niya nakakaligtaan ang gisingin ako sa umaga. Mga 5am tatawag na siya para gisinging ako.

December same year umalis ako ng bansa. Pumunta ako kina mommy kasi gusto nilang doon ako magbirthday pati christmas at new year.

Gala dito gala doon. Tulog, kain, skype, kain, tulog. Yan lang yung ginagawa ko dun. Nakakabagot. Bihira ko din naman kasi makasama si mommy at daddy dun kasi kailangan sila sa office.

After 4 days na puro ganun lang ang ginagawa ko sinabi sakin ni Peter na christmas vacation na din nila. Thanks god at hindi na ako maiinip. So after nun hindi na ako lumalabas ng bahay palagi na lang kaming mag kachat or mag ka skype. Tapos isang beses pumunta dun si Patrick yung anak ng kaibigan nina mommy. Nagbabakasyon din siya. Pinapunta daw siya dito nina daddy para ayain akong lumabas para naman daw makapag-enjoy ako. At nasakto pa na ka skype ko siya nun.

Ayoko mag-assume pero feeling ko talaga nun nagseselos siya. Bigla ba naman kasi nawala tapos nag message lang na " Sige na. Sumama ka na muna sa kanya. Nakakahiya naman kasi pinapunta pa siya ni tita diyan. Ingat ka ha. Message me kung may problema or kung may gawing masama yan sayo. " Sobrang nakakakilig di ba. Pero isa lang talaga siyang shunga. Hindi ba niya alam na mas nag-eenjoy naman ako na kausap siya. Wal na nga ako nagawa kundi sumama kay Patrick. Nakauwi siguro kami nun 4pm na.

That night hindi siya nagmessage or kahit reply man lang sa mga messages ko wala. Tapos hindi din siya nag-oonline simula kanina nung umalis ako. Kaya inisip ko na lang na baka busy siya.

The next day paggising ko palang ineexpect ko na agad yung message niya. Pero wala din. Hindi pa din siya nag-oonline simula kahapon. Sobrang nag-intay ako. Nakailang missed call na ako sa kanya. Ilang messages na din. Sobrang nag-aalala na ako kaya naman nung 3pm na hindi na ako nakatiis at tinawagan ko na si tita kahit nahihiya ako. Alam ko kasing gabi na sa kanila nun.

" Hi po tita, good evening po. Itatanong ko lang po sana kung andiyan si Peter, hindi ko po kasi siya macontact kahapon pa."

" Napakakulit talaga nun batang yun. Sinabi ko na sa kanya na sabihan ka muna bago siya umalis." Mommy niya

"Bakit po san po ba siya nagpunta?" Kinakabahan ako, baka kasi nagalit talaga siya sa akin eh. Kaya siya umalis

" Tamang tama, pumunta kasi siya diyan. Sobrang pagpipilit ang ginawa niya sakin kaya namn pinayagan ko na. Mabuti at tumawag ka din kasi mga 6pm ang dating niya diyan. Ikaw na lang bahala sa kanya diyan iha ha. Natawagan ko na din naman si mommy mo bago siya umalis dito kanina. Pumayag naman siya na diyan muna magstay si Peter sa bahay niyo"

Sobrang saya. Ay mali pala. Sobra sa sobra pa yung saya ko. Hindi ko yun ineexpect.

"Totoo po ba yan tita, as in pupunta siya dito? Ngayon na?" Hindi makapaniwang tanong ko

" Oo. Nagpumilit kasi siya. Ang sabi pa nga niya Ma kailangan ko kasing pumunta dun, kailangan ako dun kasi may umaaligid na kalaban. Baka makuha pa ang akin na sana" sabi ni tita na ginagaya pa yung boses ni peter

Kilig, saya, at excitement. Naghalo halo na. Kaya hindi ko na alam gagawin ko.

" Ah ganun po ba. Sige po thank you po tita. Thanks po kasi pinyagan niyo siya"

" Wala yun. Basta ikaw na bahala sa makulit kong anak ha. Alam ko namang under mo yun kaya alam kong hindi siya gagawa ng kung ano ano diyan. So sige na ha. Ingat kayo diyan"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do I Love Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon