DRIA POV:
Humihikab akong tumayo sa sofa at pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain na memeryendahin namin. Sosyal nila db? Ke-aga-aga kami agad ang binubulabog!
"Ang haba pala ng tulog natin." sabi ni Eya habang umiinom ng tubig.
"Oo nga eh! Feeling ko fully charged na ulit ako girls." sabi naman ni Ericka habang nakaupo sa upuan namin. Ready na sila para sa pagkain eh no? Mga sugapa!
"Adik. Kahit nga ako eh, ang sarap ng tulog kooo." sabi ni Erin na parang kinikilig pa. Abnormal din 'to eh no?
"Tara na't kumain at magpakabusog." sabi ko sakanila at umupo sa tabi ni Eya. Hindi ko pinansin yung mga pinagsasasabi nila. Mga adik nga po kasi sila! Dejk.
Habang kumakain kami ay bigla na lang may sumigaw.
"Wow girls! Ang sarap naman nyan. Pahinge!" sabi ni Zake habang may hawak na drumsticks sa kabilang kamay.
"No! Magluto ka ng para sainyo." sabi ko at dinilaan siya kaya inirapan ako. Jusko! Ke-lalaking tao eh!
"Damot mo naman! Pahinge na kasi ng spaghetti." parang batang isip na sabi ni Zake.
"Oy! Ano yan ah?" sigaw naman samen ni Blake na nakikigulo na din.
"Oy! Oy! Oy! Oy!" mukhang tangang sabi ni Kenneth. Abnormal po siya!
"TEKAA NGA!" sigaw ni Eya. Sabay-sabay naman kaming napatakip ng tenga, ang tining eh :3
"PWEDE BANG WAG KAYONG MALIGALIG HA? AYAN! Oh. KUMUHA KAYO NG SPAGHETTI KUNG GUSTO NIYO! ANG GULO NYO KASI." sigaw na naman ni Eya kaya kanya-kanya kaming takbuhan palabas ng kusina, at gago 'tong si Zake. Dinala niya yung kalderong may laman ng spag tapos 'tong si Blake may dalang plato, si Kenneth naman yung tinidor tapos 'tong kambal ko yung pitchel na may lamang juice.
Seriously? Yung bahay namin magigiba sa ingay at gulo nila. Anobey!
"Dyusko kayong mga bata kayo! Magsitahimik nga kayo. Sus! Maryosep." sita samen ni Yaya Flor kaya nagsitahimikan din kami.
Habang kumakain ay nag-gagaguhan 'tong mga boys. Sus! Corny nila. Hahaha!
"Oy." sigaw samen ni Blake kaya napatingin kaming lahat sakanya.
"Ano? Istorbo ka eh." sabi ni Kenneth sakanya and again? The gaguhan starts.
Kenneth: "Hahaha! Ang panget mo."
Blake: "Para namang ang pogi mo."
Kenneth: "Oo! Inggit ka? Yuck! Bakla ka na pre?"
Blake: "Gagu! Asa, baka umiyak si Dria pag naging bakla ako."
Jusko! Dinamay pa nila ako sa kagaguhan nila.
"Kapal mo naman." sabi ko sabay subo ng spag.
"Di. Pero seryoso na pare! Ano kasi, may sasabihin ako sainyo. Gusto k----"
"ANOO? Pare naman! Sayang kagwapuhan mo kung mag-momonghe ka." sabi ni Kenneth kaya lahat kami nagtawanan.
"HAHAHAHAHAHA!"
"Hindi ah? Kapal talaga ng mukha nito ni Kenneth. Ikaw ata may balak eh." sagot naman ni Blake kay Kenneth.
"Tahimik nga muna kayo pwede? May sasabihin ngang importante si Blake." sabi ni Zake na nakangisi at lahat naman kami napatawa kasi alam na namin yung ibig sabihin nya dun. Baka bakla 'tong si Blake ah? Haha! Sayang.
"Ehem! Game na. Db? May resort kami."
"Oh ano gagawin namin dun?" sabat ni Kenneth.
"Pucha! Wag kang excited, nagsisimula pa lang akong sabihin db?" sabi ni Blake at nagtuloy na siya.
"Tutal, may 3 months tayo para sulitin ang summer. Bakit kaya di tayo magbakasyon dun db? Nakapagpaalam na din ako sa parents ko, at nag-agree naman sila. So? Kayo nalang kulang. It is a yes or no?" sabi ni Blake pero ni isa samen ay nakatingin lang sakanya hanggang sa isa-isa ng nasalita.
Ericka: "Sounds exciting."
Eya: "YES na YES."
Erin: "Papahuli ba ko?"
Zake: "Sureee."
Kenneth: "Oo naman!"
Xander: "Syempre! Kung nasan kayo, nandun kami ni Rae db?"
Nag-nod naman ako sa sinabi ni Xander. Naks! This summer year will be so memorable. Think so? Well. I bet.
**
"Okay guys! Sa Saturday. 8am, sa bahay na tayo magkita-kita." sabi ni Blake kaya nag-nod kaming lahat. Thursday palang kaya may 2 days pa kami para maghanda.
"Magdala kayo ng mga damit nyo ah? We'll be staying there for 1 month." napatalon naman sa tuwa 'tong si Ericka ng marinig na mag-sstay kami dun ng isang buwan.
Okay lang naman sa amin kasi wala naman kaming magawa sa bahay, tsaka isa pa. Nakapagpaalam na din kami sa mga parents namin and they all agreed. Knowing na busy sila sa ibang bansa para sa company nila. Tss!
"Pangbahay. Pangaalis. Pangtulog. Swimsuit. Twopiece. Lingeries. ARAY!" sigaw ni Blake dahil nabatukan siya nila Xander, Zake at Kenneth. Gago talaga!
"Joke lang. Yun na ah? Basta ready nalang kayo. Bye na!" sabi niya at tumakbo na palabas ng bahay kasabay si Zake and Kenneth.
"Hey twins. Una na kami ah?" sabi ng girls at bineso ako at si Xander. Nag-babye lang kami at nilock na niya yung gate.
"Hey! Bro. Im so excited." sabi ko sa kambal ko.
"Just control yourself okay?" sabi niya and kiss my forehead at umakyat na siya sa taas.
Yung ibig sabihin niya dun ay, okay lang maging masaya basta pagkatapos nung kasiyahan na yun ay saya pa rin. Wag mong hayaang malungkot ka, nakamamatay.
In other words. Don't stress yourself. Specially your brain and heart.
**
BINABASA MO ANG
Summer Love ♥
Teen FictionOnce in a while, right in the middle of an ordinary life. Love gives us a fairytale.