"Hoy Dangwa,ano na naman yang iniisip mo hah?!"bulong ni Nylana.
Hay! ito na naman po ang kaibigan kong tsismosa.
Nagpout ako."Kasi si Alex."sabi ko sabay tingin sa prof namin na pandalas ang daldal,wala namang nakikinig.
"Oh! Anong meron kay Alex?"tanong nya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at pinakita ang text ni Alex.
"Oh my God girl! Haba ng hair mo."impit na sabi nito.
Binalukos ko ang mukha ko."Ano bang dapat kong gawin? Ayoko naman syang masaktan."mahinang sabi ko baka kasi marinig ng prof namin,palabasin pa kami.
"Ganern? Namomoblema ka pa nyan girl? Diba crush mo yan."
Oo. Crush ko si Alex NOON pero hindi na NGAYON.
Hays! Nakakainis nga, kasi kapag nagkagusto sakin ang crush ko nawawala na yung pagkagusto ko sa kanya..Ang weird talaga.
"Hindi ako tumatalo ng tropa."pagdadahilan ko.
Yan naman talaga ang isa sa katwiran ko e. Kapag tropa...dapat tropa lang.Hanggang dun na lang yun.
"Ows talaga? Kaya pala crush mo si Bien ayieh!." panunudyo nya.
Waaaaah! Oo na...
Crush lang naman...Pwede namang magkacrush sa tropa HAHAHAHAHA."Okay! See you tomorrow goodbye class."
?.?
"Goodbye sir."sabay sabay na wika ng mga classmates ko.
Tingnan mo nga naman ang bilis ng oras,ni wala man lang ako naintindihan sa discussion.
W-wait! So uwian na? Waaaaaah! On the way na nga pala si Alex dito ಥ_ಥ Ayoko pa naman sya makita....Kailangan kong magmadali.
Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko...kailangan hindi nya ko maabutan.
"pffft Girl! easy lang,para kang hinahabol ng kabayo nyan."pigil na tawa ni Nylana.
Sana nga kabayo na lang ang humabol sakin kaso hindi.....Gusto akong makausap ni Alex.....nagcut sila ng class para mag inuman at magkaroon ng lakas ng loob para makapagtapat sakin ng nararamdaman.
Ayoko ng ganito (T.T) Makapunta na nga sa parlor para mapacut na yung long hair ko.HAHAHAHA
"Ayan na pala sila Alex."
N-Nandyan na sila?
Waaaaaaaaaah!Agad akong lumabas ng room nang......makita nila ako.Agad na lumapit sakin si Alex na animo nga'y may tama na.
"Rose....may gusto sana akong sabihin sayo."panimula nya habang nakatitig sakin.
Waaaaaaaaaaah! Wag kang tumitig sakin.
Umiwas ako ng tingin."Ahm...A-Ano ka-kasi....Pinapauwi na ko n-ni mama."pautal utal na sabi ko.
Hinawakan nya naman ako sa dalawang balikat."Gusto ko lang naman na sabihin sayo na gusto kita.....gustong gusto kita."
OMG! Juice na orange.Siguro kung crush ko pa sya,nangisay na ko sa kilig.
Lumayo ako sa kanya."S-Sorry Alex."sabi ko saka lumayo at nagsimula ng maglakad.
Sorry talaga pero ito na yung makakabuti satin bilang magkaibigan.
Nang makalayo layo,sinilip ko ng bahagya ang kinaroroonan nya. Nakatayo padin sya dun...
Nakakakonsensya pero ito ang tama.
Sana makahanap sya ng babaeng nababagay sa kanya....
-----
Nandito na ako sa bahay. Hay! Hindi ko nakeri yung pagtatapat ni Alex. Alam kong mahirap sa mga boys na magtapat sa isang babae pero mahirap din naman saming babae ang mambusted.
Umakyat ako sa kwarto at inopen ang laptop.Nag log in muna ako sa facebook,matagal tagal ko na din itong hindi nabubuksan.
30 friend request
50 notif
4 messages
Inopen ko na muna yung message baka may importanteng tao ang nagchat sakin HAHAHA.
From: Nylana Fajardo
Girl! Ang hard ng nangyari huh?! Ang bad mo po.Grabe din,hindi ko nga gustong mangyari yun.
From: Jenny Castro
Yebs balita ko binusted mo daw si Alex.Grabe ang lakas ng power ni Bien sa puso mo natututo ka ng mambusted.HAHAHAHA. Nga pala si Jenny ang bff ko,absent kasi sya kanina,tinatamad daw syang pumasok.Lakas makabalita nito.
From: Alex Sander
dug dug dug
Bakit kaya sya nagmessage?
Napapikit ako bago ko binasa ang message nya.
Ang sarap sa feeling kasi nasabi ko nadin sayo.Sana friends parin tayo kahit na ganun ang nagyari...basta tandaan mo na mah---- Nevermind.
Mah?
Ano yun?
Maharot?
So, Maharot ako ? Ganern?
Ewan ko sa kanya.At ang last na message ay galing kay......Tantananan...
From: Bien Reyes
Waaaaaaah! Kikiligin naba ako?
(≧∇≦)/
Binuksan ko ang message nya.
Bakit mo ginawa kay Alex yun?
(T^T) Naknang tokwa. Akala ko pa naman sasabihin nyang Crush nya din ako.
Hay! Ano bang pakialam nya kung ayoko na kay Alex. Tsk. Magbestfriend nga pala sila.
'Walang talo talo' yan ang pumasok bigla sa isip ko.
So,hindi din naman kami pwede ni Bien kasi tropa ko din sya HAHAHAHAHA Saklap lang.
Nag out na ko nang walang nirereplyan kahit isa sa kanila.
Gusto ko munang makapag isip ng mabuti dahil iba na talaga ang nararamdaman ko kay Bien.Feeling ko unti unti na kong nahuhulog sa kanya <|3
❤❤❤
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionKapag nagmahal ka dapat handa ka ding masaktan dahil may mga taong dumarating lang sa buhay natin para magbigay aral.