"Okay class, present your work now."sabi ng prof namin saka naupo sa likuran para masuring mabuti ang ginawa namin.
Waaaaaah!
A dahil nga kaming mga girls ang nagpaint,ang mga boys naman ang mag eexplain kung ano ang meaning ng ginawa namin. Sa totoo lang sa kanilang ideya manggagaling kung ano yung ipapaint namin kasi nga sila yung mag eexplain.
Unang nagpresent sina Nylana. Grabe din. Ang laking puso ang pinaint nila na may gloves na pamboxing.
Kailan pa nanuntok ang Love?
Pumunta sa unahan si Jayvee."Good afternoon everyone.Nakikita nyo naman yung malaking puso na pinaint ni kulet diba."
Ay hindi....hindi...sarap keltusan ng lalaking ito.
Tumango naman ang classmates namin.
"Parang yan yung pagmamahalan namin,walang makakatalo."
Korni -_______________________-
"Hugot pa more."sigaw ni Rhobel pero sinaway sya ni Ma'am.
Hahaha ingay pa more.
Tumingin muli kami kay Jayvee
"At nakikita nyo ba yung gloves na yan?"tanong nya saka itinuro yung gloves." Parang si Kulet yang puso na yan......nakakatakot.""HAHAHAHAHAHA."tawanan ng mga classmates namin.
Under the saya ang putek.
Sinamaan sya ng tingin ni Nylana."De joke! parang pagmamahal ko yan, ang lakas ng impact. Boom!"patuloy nito. Nasindak yata kay Barbara este Nylana.
HAHAHAHAHA
Sumunod naman ay sina Bern.
Nagpaint sila ng babae at lalaking magkahawak kamay tapos may orasan sa taas.
"Okay guys,ito yung naisipan namin kasi marami ang nag iintay sa the one nila.Advice ko lang mga parekoy,wag kayong magmadali...lalo na yung mga girls dyan na gusto agad mahanap si Mr. Right nila.Sabi nga nila true love waits kaya uso din naman ang maghintay.If ever na matagpuan mo na ang destiny mo.....hawakan mo lang sya sa leeg este sa kamay....wag kang bibitaw kasi may forever sabi nga sa aldub sa tamang panahon."
"Gago walang forever."sigaw ng isa naming classmate.Sya lang naman yung tinaguriang Mr. bitter sa klase.
"HAHAHAHAHAHA"
Sumunod naman ay ang gawa nila Alex.
Rose ang pinaint nila na maraming tinik sa tangkay.
Pumunta na sa harapan si Alex saka tumingin sakin."Ang love ay parang rose....mahirap makuha....kailangan mong tiisin ang sakit para mabunot mo ito....Kapag nagwagi ka....wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam....dahil makikita mo ang tunay na kagandahan nito."sabi nya habang hindi inaalis ang tingin sakin.
Shemay na pawis na malagkit. Matutunaw na yata ako dito sa kinauupuan ko.
Marami pang nagpresent na classmates namin.Yung iba nakakatuwa ang painting tapos yung iba ang layo sa putukan ng explanation,sa sobrang layo,napunta na yata sa mars HAHAHAHA
"Last,Mr. Reyes."
Pumunta na si Bien sa harap saka tumingin sakin.
(⊙ω⊙) Bakit sya nakatingin sakin?
"We decided na ito ang ipaint kasi ang basong ito ay parang love o relasyon,kapag hindi mo iningatan,masasaktan lang kayo parehas.Tulad nga ng nakikita nyong kamay na ito."sabay tinuro nya ang kamay na puno ng dugo."Sya ang may hawak ng basong ito kaya akala nyo sya ang lubos na napuruhan....pero dyan kayo nagkakamali." Ano daw?"Kung makikita nyo ang kamay na ito."pinoint nya naman ang kamay na nagpupulot sa basag na baso."Ang may ari ng kamay na ito ang tunay na nasaktan.........."Tumingin sya kay Alex."Oo nga't maaaring gumamit ng walis at dustpan." muli ay tumingin sya sakin."pero mas pinili nyang ang kamay na lang nya mismo ang mag pulot ng mga bubog kahit na masakit......... Mas pinili nya parin na hindi ipakita ang mga sugat na natamo........Because love is............full of Sacrifices."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionKapag nagmahal ka dapat handa ka ding masaktan dahil may mga taong dumarating lang sa buhay natin para magbigay aral.