Gr. 7
Classmate ko na namn siya. Natutuwa ako na parang hindi, ewan ko ba. Walang seat plan na ginawa si Ms. Cue kaya ayun kami kami nalang yung bahala kung saan kami umupo. Eto ang arrangement ng upuan namin :Pinto Teacher's table
*Aila *Shan *Jane *Lovely
*Myra * Bea *Mae *Dustin
*Olivia *Ako *Jen *Van
*Mai *Des *Resa *Dex Jay
*Dey *Sil --------- -------**
Kasalukuyan kaming naglilinis ngayon sa room namin. Walis dito, walis doon. Eh sa gumana yong pagka baliwko, nagpakitang gilas ako kay Jay.Alam nyo kung ano ang ginawa ko? Umakyat lang naman ako dun sa pinakamataas na bintana ng room namin at nagpupunas-punas na para bang hindi ako nakaramdam man lang ng pagod. Ewan ko, umandar yata yung pagkamalandi ko. Gusto kong magpagood shot sa kanya at nagbabakasakali na matu-turn on siya.
Ang tagal ko ng naglinis dun sa bintana at pabalik-balik na ako pero bakit ganon? Di niya pa rin ako napapansin. Andun lang siya, may kakulitan na babae na si Resa. :(
*Fastforward*
"Itaas ang kamay sa mga gustong sasali ng St. Paul's youth followers o SPYF." Sabi ni Maam Gesan.
Nagsitaasan ang ilan sa mga kaklase ko. Lumingon-lingon ako at nakita kong nakataas ng kamay si Jay.
Sige, sasali nalang ako kasi andun si Jay eh.
Tumaas ako ng kamay at inilista na ni Maam kung sino yong mga sasali.
**
"Cheska, snack tayo." Alok sakin ni Mia.
"Tara."Bumili kami ng snack namin na sandwich at ice candy. Hindi kasi kami mayaman eh. Di katulad ng ibang estudyante, mga mamahalin ang kinakain nila.
Umupo kami dito sa bench at viola! Andun siya.
Kitang-kita at tanaw na tanaw mula dito sa kinauupuan ko na nag saya saya niya kasama ang kanyang mga barkada. Hay. Ang gwapo talaga niya lalo na't nakangi--Naputol ang paghuhumaling ko ng tumingin siya banda dito sa'min at nagkatitigan kami ng mga 2 seconds. Bigla kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
Dugdug dugdug.
Grabe na naman ang pitik ng aking puso.
"Tara na Cheska, pasok na tayo sa room. Tapos na akong makapagreview ehh."
Napatingin bigla ako kay Mia.
Oh my God! Lagot ! May test pala kami ngayon sa Science!