Posted: January 2, 2016✧ ✧ ✧
Hala, ang galing!!
Upgraded ang peg ng facebook ah!
May mga reaksyon na at hindi na like button na lang, grabe!! Ang saya saya!
May nakita akong isang post, at boom! Nag react ako, hihi, ang galing talaga!
At abaa may love button na din, hihi, napangiti ako.
I love ko kaya ang profile ng crush ko nu?
Aaaaay. Wag na! Kinikilig ako! Enebe itey!
Pero...
oo sige na, i-lolove ko na, hindi sa gusto ko talagang i love ha! Pinipilit niyo ako eh. >.>
Sinearch ko ang facebook ni Baby.
Xavier Pan T. Laglag
Aaaay jusme, ang gwapo ng pangalan ni Baby, nakakalaglag panty!
Pero bago ako mag react sa profile ni Baby, nagpost muna ako sa wall nya.
" Baby, i miss you ♡ "
Kinikilig naman ako sa ginawa ko! Aba, wag malisyosa ha?
HINDI kami ni Baby, crush ko lang siya..
Oo na love ko siya, slight lang.
Pero torpe si Baby eh, ayaw umamin na love niya din ako. Kainis, pero nakakilig!
Kaya ako na lang ang aakyat ng ligaw, o diba? Ang galing ko!
Napatitig na lang ako sa screen ng cellphone ko dahil, pucha naman!
Kingina ng sagad! Ang gwapo ng Baby ko!
Ipaprint ko kaya itong profile niya nu? Ang gwapo, enebe itey!
Nakatitig lang naman siya sa cam at nagsmirk habang naka black v-neck shirt, at gulong-gulo ang buhok na para bang I-just-woke-up-and-I-look-hella-hot look.
Iyong caption pa ni Baby, hindi sa nag-assume ha, pero halatang ako ang pinapatamaan eh.
"Damn, Baby, I can't wait to wake up and see your face right next to mine."
O diba? Ako talaga eh! BABY pa!
Napagulong-gulong muna ako sa kama, dahil potek anak ng tupa naman, kinikilig ang kili kili ko!
At ito na, i-lolove ko na, naeexcite ako!!
I-lolove ko na sana pero binawi ko muna daliri ko, pathrill muna!
Ituturo ko na sa love button, bawi, turo, bawi..
Turo tapos click.
WAAAHH! Kinikilig ako!!
Magcocomment din ako, para masaya! At kikiligin ng todo si Baby.
Sus, kung alam ko lang, nagpagulong gulong na siya sa kama niya.
"Me too, Baby, I can't wait. Soon, Baby, soon."
Tiningnan ko ang notifications ko at ang daming nagcomment, nagreact at nag like sa post ko sa wall ni Baby na 'I miss you.'
Pero ito talaga ang comment ng mga walang hiyang tao na ito.
Girlie: You go, Mika Buang soon-to-be Laglag! Haha!
Drake: Sige lang Ms. Akyat Ligaw, sumusuporta kaming barkada ni Xavier! Haha!
Sirena: Desperate mats, ateng? Hahahahah!
BINABASA MO ANG
Someone Reacted On Your Post
Historia CortaI-lolove ko kaya ang profile picture ni crush? - Mika Buang