Two

4 0 0
                                    

"Aphrodite pakibuksan mo yung pinto wala akong susi."

Napatayo ako bigla nang narinig ko ang katok ni Jhara.
I opened the door at tinignan ko ang orasan. 10:37.

"Anong oras na ha? Akala ko ba nagsimba ka lang? Saan ka galing?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Rei." matipid niyang sagot

Napataas ang kilay ko.
"What about your boyfriend?"

"Afrin, n-nakipagbreak siya sa akin" matapos niyang magsalita ay isa isa nang pumatak ang luha niya at yumakap sa akin.

"I told you. Walang forever." Then i rolled my eyes.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at nilagay ang bag niya sa kama.

"AFRIN SEVEN YEARS! SEVEN YEARS ANG SINAYANG NIYA! NAKIPAGBREAK SIYA SA AKIN PARA SA ISANG BABAENG NAKIKILALA NIYA LANG KUNG SAAN! Alam ko naman eh, pero pinabayaan ko. Di ko pinakealaman kahit nasasaktan ako kasi mahal ko siya, kasi sayang yung pitong taon. Ewan ko ba pero tanggap ko na yung katangahan ko. Tanggap ko nang bobo ako para magmakaawa at lumuhod sa harap niya para balikan niya ako. Pero alam mo kung ano ang di ko tanggap? Yung iniwan niya ako pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya. Afrin mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya. Im so stupid. I hate myself." Lalong lumakas ang hagulgol ni Jhara. Di man ako naniniwala sa love love na yan, naiiintindihan ko siya. Alam ko yung pinagdaraanan niya.

"Shh. Jhara, dont hate yourself. Hate HIM. Pinakawalan niya ang isang tulad mo. Someday you'll find someone better. Someday. For now. Matulog ka muna sa ngayon, may 7 AM class tayo bukas, remember?"

"Ill not go to school tomorrow. I need to take a rest."

"If that's what you want." I stood up and turn on the night light. Pinatay ko na din yung ilaw at pumunta sa kama ko.

"Sleep tight, Jhara."

***

The next day, halos lumipad ako papunt sa school dahil late na ako. Di rin naman kasi ako nakatulog kagabi dahil sa iyak ni Jhara eh.

Ganyan naman lagi ang ending ng "love" eh. LUHA. SAKIT. LUNGKOT.

Kasi wala naman talagang "Love"
Love is a plain myth. Parang himala, gawa lang ng tao. Naexperience "daw" ng iba at nagustuhan natin ang idea kaya pinaniwalaan, kaya nagsigayahan.

Ang walang scientific explanation, hindi totoo. ISANG PURE KATANGAHAN AT KABABAWAN NG TAO.

Nakarating ako sa gate nang 7:36 AM. Late na late na ako. I rolled my eyes.

Di nalang ako papasok sa first sa subject.

Pumunta ako sa garden at humiga sa damuhan. Inaantok ako.

***
"Meow"
Napamulat ang mata ko at nakita ang isang itim na pusa sa ibabaw ng tiyan ko.

"Oh, It's you again. Nasaan na ba yung hinayupak mong amo na lagi kang pinapabayaan?" I sat down tapos I pet her.

"Pusa! Chu chu! Where the hell are you?"

"HAHAHAHAHAHAHA." Napahagalpak ako ng tawa nung tinawag niya yung pusa na chuchu.

"What's funny?"

"You called a cat Chuchu! That was funny!"

"Shut up." Lumapit siya sa pusa para kunin ito pero nagtago ito sa likod ko"

"I don't think she likes you. Ano bang pangalan niya?"

"Wala."

"Cool. Gusto ko siyang pangalanan." I love naming animals! super cute kasi eh.

"No thanks." Hindi ko siya pinansin at nagisip ng pangalan kaso na mental block ata ako sa puyat haay.

Pumunta yung pusa sa stack ng libro ko at kinuha yung physics reviewer ko. Binigay niya sa akin ang isang index card gamit ang bibig niya tapos kinuha ko naman iyon.

INERTIA

"Eto ba ang gusto mong pangalan?"

"Meow"

"OKAAAY! MAY PANGALAN KA NA!!!! HOY LALAKING PABAYA SA ALAGA, MEET INERTIA" sigaw ko sa lalaki.

"Thats super unique."

Napangiti ako sa sinabi niya. Thanks for the appreciation.

"Pero ang pangit." BINABAWI KO NA YUNG SINABI KO.

"BASTA INERTIA PANGALAN NIYA! TAPOS."

"Whatever. Hi Inertia, Im Jeisan."
Kinuha niya na si Inertia at umalis.

***





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InertiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon