Sadist 3: Just take me

10.4K 219 2
                                    

AMBER
Kanina pa ako kinakabahan. Nanlalamig yung kamay ko. Kinakabahan talaga ako sa sinabi ni Light na igaganti niya ako. Napapahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko. Oras pa ng klase. Nagtext siya kanina na mauna na akong umuwi kaya nagduda na ako. Napasapo ako sa noo ko. Nanlalamig ako. Baka mamaya mapahamak si Light baka magmental down na ako pagnagkataon. Nang matapos ang klase ay agad akong lumabas ng classroom.

"Amber!" tawag ng kaklase kong si Jacob. Hindi ko na sya pinansin. Nagderederetso na ako ng lakad. Halos takbuhin ko na nga yung building nila light eh. Kahit naka heels ako eh nagtatakbo talaga ako. Natataranta na ako. I mean it. Baka mamaya mapahamak si Light sa gagawin niya. I can't bear to see him hurt. Nang makarating ako sa room nila ay kumatok muna ako "Excuse me po ma'am, ask ko lang po kung nandyan po ba si light?" Tanong ko sa professor niya.

"Si Mr.Wilhelmford?" Tanong nung professor.

"Opo ma'am" Magalang kong sagot dito.

"Wala siya hija, Hindi pa siya pumapasok sa subject ko.." sabi nito. Lalo akong kinabahan.

"S-Sige po..thank you po" sabi ko sabay nagmamadaling tumakbo pababa ng building. Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan ko siyang mapigilan. Nilibot ko ang napakalaking campus. Napatingin ako sa langit. Nagdidilim na. Kaninang alas dos pa ako nagsimula maghanap at mag-a-ala siete na ngayon. Napakagat ako sa kuko ko "Nasaan ka na ba light.." naiiyak na sabi ko sabay sapo sa mukha ko. Napatigil lang ako sa pag iyak ng may marinig akong nag-uusap.

"Girl, kawawa naman yung talaga business department..." Nanghihinayang na ani ng isang babae.

"Oo nga, siya kasi eh. Ano ba naman kasi siya! Bakit naman niya sinira yung sports car ni Ares.."

"Sigurado akong hospital ang bagsak niya"

"Patay siya sa tyrant 7 tsk tsk" sabi nung isang babae. Napako ako sa kinatatayuan ko. Ares?  Hindi kaya..si Light yung sinasabi nila? Nagmamadali akong pumunta sa parking lot. At duon ko natagpuan yung sports car nga na basag ni Ares "Oh my gosh" sabi ko habang sapo ng kamay ko yung bibig ko na napanganga. Basag basag yung salamin na bintana ng kotse at puro gasgas pa may parte pang yupi. Napatigil ako sandali ng may makita ako ng pamilyar na bagay.

Isang I.D. na nalaglag marahil sa tapat ng gulong ng sports car. Nilapitan ko ito saka kinuha. Napaiyak ako ng na kompirma kong kay Light nga. May mga dugo pa ito sa I.D. lace. Tinignan ko din yung paligid. May ilan pang patak ng dugo. Napahagulgol ako. Naiimagine ko na kung anong mangyayari kay Light. Dali dali akong tumkabo papunta sa maaring kinaroroonan ng lugar na maaring pinagdalhan kay Light.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko nang marating ko ang building ng Tyrant 7. Never kong na-imagine na makakatungtong ako dito. At least hindi ganitong dahilan. Kumatok ako ng tatlong beses. Isang lalaki ang nagbukas ng pintuan. Pre-med student ito base na rin sa unipormeng suot nito. Pamilyar ang mukha nito.

"Who are you?" Tanong nito. Akmang magsasalita na ako ng bilang may marinig akong hiyaw.

"AHHHHHHH!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko at kusang tumulo ang luha ko. Napalunok ako. Isang hiyaw pa ang narinig ko. Nangangatog na ako. Kilalang kilala ko ang sigaw na yon.

"Miss? Sino ka ba?" asar na tanong nung lalaki. Napalunok ako. Boses ni Light yun. Alam ko boses yun nang kakambal ko. Imbes na sagutin sya ay tinulak ko siya at dali dali akong pumasok sa loob ng kwarto. Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang kalagayan ni Light.

"LIGHT!" sigaw ko. Napatingin sa akin si Light na nakita kong hirap na hirap na dahil bukod sa puro pasa siya ay may kutsilyo pang nakabaon sa hita niya.

"A-Amber!" Sigaw nito. Napatingin ako sa lalaking may hawak ng kutsilyong nakabaon sa hita ng kapatid ko. Dahan dahan siyang lumingon. May bahid pa siya ng dugo sa mukha niya. Tinignan niya ako ng masama. Habang titig na titig siya sa akin ay dahan dahan niyang idinidiin yung kutsilyo sa hita ni Light "AHHH!" hiyaw ng kapatid ko. Akmang lalapit ako para pigilan sya pero naitulak niya agad ako.

TYRANT 7:The Sadist ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon