Prologue

305 18 3
                                    

Third Person's POV

-September 6,1996 at Mendero's Hospital-

"Ma'am konti na lang po lalabas na ang baby, ere pa po kayo." sabi ng doctor kay Mrs. Irene. Pawis na pawis na ito dahil kanina pa ito ere ng ere. Ang kanyang asawa naman na si Terrence at ang dalawa niyang anak na lalaki ay hindi rin mapakali sa labas ng room. Kinakabahan ito dahil kanina pa nasa loob si Irene.

"Papa, okay lang po ba si Mama sa loob?" tanong ng limang taong gulang na si Lester.

"She's fine Lester." sabi ni Terrence sa anak niya. Habang si Steve naman tahimik lang nakaupo sa gilid.

**After a minutes**

"Mr. Casey?" tawag ng doctor kay Terrence.

"Yes, Doc?"

"Congratulations. It's a girl, pwede niyo na siyang bisitahin sa loob." said the Doctor.

"Sige salamat po." sabi ni Terrence na halatang excited. Kaya dali-dali silang pumasok ng mga anak niya sa kwarto ng kanyang asawa.

"Love, ang ganda naman ng baby natin." sabi ni Terrence sa kanyang asawa.

"Syempre Papa gwapo kayo at maganda si Mama kaya yan ang resulta." sabi ni Steve.

"Ano po ipapangalan natin sa kanya?" asked Lester.

"Faye. Faye Kristine Casey." sagot naman ni Irene sa kanila.

While in the other room. Kakatapos lang din iluwal ni Mrs. Feige ang kanilang unica hija.

"Hon, ano ipapangalan natin sa ating munting prinsesa?" asked Mr. Maxwell to his wife.

"Princess Suzanne Maxwell, that is her name honey." said Mrs. Feige while smiling sweetly.

"Baby Princess, daddy's here oh. Paglaki mo, marami akong ituturo sayo at saka lahat ng gusto mo bibilhin ko." sabi ni Mr. Maxwell habang nilalaro yung daliri ng kanyang anak.

"Haha hon, baby pa lang yan eh. Matagal pa yun." Mrs Feige said habang hinahaplos ang pisngi ng kanilang anak.

At sa kabilang kwarto naman, nag-aagaw buhay rin ang isang ina sa pagluwal ng kanyang anak. Dahil may sakit ito sa puso, at masyadong kumplikado ang sitwasyon. It's either isa sa kanila ang mamamatay kung hindi makayanan ng ina. Lumabas yung isang doktor para kumuha ng iba pang kagamitan.

"Doc, kumusta na po yung pangyayari sa loob? Ayos lang po ba? Yung mag-ina ko?" tanong ng isang lalaki na nasa mga mid 30's.

"I'm sorry, I can't answer that question right now, busy pa po kami Sir. Just pray na lang po para sa kaligtasan ng mag-ina niyo. Masyadong kumplikado ang sitwasyon nila. Sige po mauna na ako." paalam ng doctor sa kanya.

"Gary kumusta daw si Timi at ang apo ko?" tanong ng matanda.

"Ma, manalangin po tayo na sana ligtas ang mag-ina ko. Delikado daw po ang kalagayan nila." naiiyak na sabi ni Gary sa ina ni Timi.

"Diyos ko! Wala sanang mangyaring masama sa kanila." tanging sambit ng ina ni Timi.

Makalipas ang tatlong oras. Nailuwal rin ni Timi ang sanggol pero sa kasamaang palad may nangyaring hindi inaasahan.

"I'm sorry po. Ginawa namin ang lahat para ma revive yung sanggol pero wala na talaga. We're very sorry Sir, Ma'am." paumanhin ng doctor saka lumabas.

"Gary yung a-anak na-natin." sabi ni Timi sa kanyang asawa habang hirap na hirap na sa pagsasalita dahil kanina pa ito umiyak.

"Shhh, tahan na mahal ko. Hindi lang siguro nakayanan ng anak natin. Tumigil ka na sa pag iyak baka mabinat ka pa." pagpapa kalma ni Gary kay Timi. Halos kalahating oras din itong umiyak hanggang sa makatulog.

------------

Someone's POV

"Ma'am ayos na po ang lahat. Nasa infants room na ang mga anak nila." sabi sakin ng isang nurse. I smirked.

"Alright this is my second plan, mamayang pagpatak ng alas dose, ipagpalit mo ang mga anak nila. Make sure na walang makakakita sayo. Dahil kung hindi, alam mo na ang mangyayari. Nagkaintindihan ba tayo?" ma awtoridad kong utos sa kanya. Tumango naman siya at umalis na sa harapan ko.

"It's payback time my dear enemies. Let the game begin." I smiled secretly while leaving the hospital.

-------------

Third Person's POV

Pagpatak ng alas dose, gumawa agad ng hakbang ang nurse. Maingat siya sa kanyang mga galaw, bawat kwarto na dinadaanan niya sinisilipan niya kung may mga gising pa. Para siyang isang ninja. Hindi mo mapaghahalataan na may masamang gagawin.

Nakarating din siya sa Infants Room. Ang hihimbing ng tulog ng mga sanggol. Walang inaksayang oras ang nurse at hinanap niya agad ang pakay dito. Palingon-lingon ito sa paligid at dahan-dahan niyang ipinagpalit ang mga sanggol. Dahil sa halong takot at kaba, hindi namalayan ng nurse na may nakakita pala sa kanyang mga pinaggagawa.

Kanina kasi na papasok ang nurse dito, hindi niya nakita na may nakahiga pa lang yaya sa ilalim ng isa sa mga baby's crib. Nakatulog kasi dun ang yaya sa pagbabantay ng kanyang alaga at nung magising na ito, iyon ang kanyang nasaksihan.

Nagmamadaling umalis ang nurse, hahabulin sana ito ng yaya, sakto namang nagising at nag iiyak ang kanyang alaga kaya ipinagsawalang bahala niya na lang ang paghabol sa nurse.

-itutuloy

A/N: Kaninong mga sanggol kaya yung pinagpalit palit? :-(

Like, vote and comment na rin para masaya. :-)

Ang Bidang Kontrabida (On-going)Where stories live. Discover now