Chapter 3.

165 9 0
                                    

Thea's POV

Nandito kami ngayon sa pampublikong lugar, plaza ata to.

Nakakadiri naman sa lugar na ito. Nagyaya kasi itong si Faye na maggala daw kami. At sa public place pa ang pinili, anong trip nito?

"Faye bakit dito mo naisipang maggala? Himala ata at dito mo napiling pumunta?" tanong ko sa kanya. Maarte kasi ang babaitang yan eh.

"Kaya dito ko napiling pumunta ay dahil naisipan ko lang." pabalang na sagot niya.

"Weeh? Di nga?" pabiro kong sabi.

"Naisipan nga lang daw Thea. Ang daldal nito, ang daming tanong. Kung sabagay madaldal naman talaga ang mga babaeng tulad mo." sabat naman ni Mildred.

"Tumahimik ka Mildred. Kausap ba kita ha? ha?" sabi ko sa kanya. Ito talagang Mildred na to kontrabida much.

"Uy chix!" sabi nung mga tambay na dumaan sa harapan namin.

"Mukha ba kaming mga sisiw ha?" sabi ko sa kanila.

"Taray mo naman miss." sabi nung isa na mukhang tarsier.

"Pahingi naman ng number niyo miss." tanong nung isa na mukhang asong ulol.

"1." Faye.

"Sa akin 3." Mildred

"Me 2." Analie

"7 akin." Roxanne

"10 akin mga kuya." sagot ko sa kanila. *kontrabida laugh*. Alam naman namin kung ano yung tinutukoy nila nuh, hindi kami bobo. Ganyan talaga kami sasagot pag may magtatanong ng number namin. Hah! Ano sila, sinuswerte?

"Pinagloloko niyo ba kami ha?" sabi nung isa.

"Nakakatakot naman dito besh, alis na tayo." sabi ni Analie kay Faye.

"Sows, hindi naman haunted house tong napuntahan natin Analie. Nasa zoo kaya tayo, bakit ka natatakot diyan?" sabi ko sa kanya.

"Thea baka nakalimutan mo nasa public place tayo which is plaza ata to. How come na nasa zoo tayo?" sabat naman ni Roxanne.

"Mga miss hindi to zoo, plaza kasi tong napuntahan niyo." sabi nung kuyang mukhang asong ulol.

"Kuya nasa zoo kami kasi kaharap namin ang ilang mga animals sa zoo." sagot ko.

"Eh nasaan? Bakit hindi namin nakita?" tanong ni kuyang parang owl. *laitera laugh*

"Kuyang owl, ang laki ng mata mo pero hindi mo nakita ang sarili mo?" sabi ni Faye. Hahaha pagdating talaga sa bullyhan, pakner kami ni Faye.

"Aba! Makalait ka ah. Sa gwapo kong ito, tinawag mo akong owl?" tanong niya kay Faye. Tumango naman si Faye tapos nakangiting mala kontrabida. Bitch nga diba? Nagalit tuloy si kuyang owl. Hahaha. *tatlong hahaha para dama*

"Faye pwede na ba akong sumuka? Nasusuka kasi ako sa sinabi niya na gwapo daw siya." paalam ko.

"Go ahead Thea." Mildred said.

"Mga bastos pala tong mga to eh mga pre!" sabi nung isa na parang si Damulag ng Doraemon.

"Mga kuya pasensya na po kayo, naku nagjojoke lang po sila." hinging paumanhin ni Roxanne.

"Pwes! Hindi kami natawa sa joke niyo!" kuyang tarsier said. "Ikaw! Hindi ka ba tinuruan ng magandang asal ng mga magulang mo?" tanong pa niya kay Faye tapos hinawakan niya ang braso ni Faye.

"Let me go! Madami kayang germs yang kamay mo!" Faye

"Bitawan mo nga si Besh kuya!" utos ni Analie sa kanila.

Ang Bidang Kontrabida (On-going)Where stories live. Discover now