~Chapter 6~

397 13 0
                                    

*Aira's POV*

Nasa harap kami ngayon ng 'Furor Agency Inc.' na pagmamay-ari ng mga Waterson, papasok kasi kami as office workers pero ang totoo hinire na kami bilang bodyguards ni Mr. Waterson para sa mga anak niya, kasi natatakot na daw kasi siyang maulit ang nangyari sa isa niyang anak.

"Let's go.." - Si Eros

Naglakad na kami papasok ng building at may nakasalubong na lalaki na nakasuot ng blacksuit at kasing laki ata ni Bigshow...

"Are you Farrah Holmes, and Ethan Ferrer?" - tanong ni Mr. Waterson

Yun kasi ang mga pangalan na nilagay namin sa resume namin nung pinadala namin yun dito.

"Yes sir." - sagot namin

"Ok, follow me, pinapasundo kayo ni Mr. Waterson." - sabi niya at nauna nang maglakad kaya sumunod naman kami

Sumakay kami sa elevator at pinindot nung lalaki ang button na may nakalagay na 'top floor' habang kami ni Eros eh tahimik lang na nakatayo.

*ting...* (kapos sa sound effects si author pasensya!)

Bumukas ang elevator at bumulaga sa amin ang isang kwarto/opisina na parang private lounge, may dalawang red couches, may glass table pa na may mga librong naka-file sa taas sa left side naman eh rectangular glass conference table

"Sumunod kayo.." - sabi nung lalaki at nauna nang lumabas ng elevator at naglakad patungo sa isang pinto na malaki

Kumatok ang lalaki at agad namang bumukas ang pinto

'Tsyotal' - comment ng utak ko

"Pumasok kayo.." - sabi nang isang boses ng lalaki na sa tansya ko nasa mid 40s na

Iminuwestra nang lalaki na pumasok kami kaya naglakad kami papunta sa loob

Pagkapasok namin sumara ang pinto at kaharap na namin ngayon ang isang lalaking kamukha ni mhaygolaaay!! Taylor Lautner! Nasa langit na ba ako???? Kamukha ng crush ko si Mr. Waterson!!

"Good your here, take a sit." - sabi ni Mr. Waterson

Umupo naman kami sa dalawang upuan na nasa harap ni Mr. Waterson

"You're Farrah Holmes, and Ethan Ferrer right?" - tanong ni Mr. Waterson

"Yes Sir." - sagot namin

"My sons will be coming here in a short while, pinapunta ko sila dito para makilala niyo na rin, but still you're working for me ok?" - sabi ni Sir David at ngumiti

Shyeeet! Ang gwapo nang boss namin! Pwedeng tumili?

Wala pang ilang sandali bumukas ulit ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na sa tingin ko nasa mid 20s na rin

Tumayo kami ni Eros at humarap sa kanila

"Good morning po."

Ngumiti naman sa amin yung tatlo na pinaupo ni Sir David sa couch

"Boys, these are Ethan and Farrah our new bodyguards and my new secretaries." - Mr. Waterson

"Dad why do we need body guards? Di na namin kelangan yan." - sabat nung pangatlong anak,si Jameson

Jameson Troy Waterson, an Architect, a so called chick magnet, and a bad boy

"Shut up Jameson, wag ka na nga lang kumontra... It's for our own good." - sagot naman ni Ryle ang panganay

Ryle Angelo Waterson, a Lawyer, ang panganay at ang pinaka-matured mag-isip sa apat

"Kuya's right Jameson, gusto mo bang matulad kay Kuya Drake?" - sabat rin nang Bunso nila, Luke Matthew Waterson a Doctor at isa,sa pinakaseryoso sa magkakapatid

"Ehem..." - Mr. Waterson cleared his throat

"Are you done arguing?" - tanong ni Sir David

Natahimik naman ang tatlo kaya binaling ni Sir David ang atensyon niya sa amin ni Eros/Ethan na tahimik lang na nakikinig sa kanila

"Ethan, Farrah, that door there is your office, wala naman kayong masyadong trabaho, just see me if I need you ok?" - Sir David

"Yes Sir." - sagot namin

"Sige, settle yourselves there at kakausapin ko lang silang tatlo." - pangde-dismiss sa'min ni Sir David

Tumayo naman kami ni Eros at nagtungo sa pintong tinuro kanina ni Sir David

Bumungad sa amin ang isang opisina na merong dalawang lamesa na may kanya-kanya ring swivel chairs, sa left side may tall steel cabinet, binuksan ko yon at tumambad sa akin ang gabundok na papeles,meron ring maliit na refrigerator na punong-puno ng drinks

Cool!!!

"Mukhang di na tayo uuhawin dito ah.." - singit ni Eros

Agree ako sa kanya... ang galante nang pamilyang to.

"Andiyan pa ba sila?" - tanong ni Eros

Naglakad ako papalapit sa pinto at maingat na pinihit ang doorknob

"Yah... their gone." - sagot ko

"Let's start." - Eros

I went to my table then opened my suitecase, may pinindot akong button sa may gilid ng handle at bumaligtad ang isang compartment ng case at nagsilabasan ang iba't-ibang uri ng devices at cameras

May kinuha akong button like device sa ziplock ng case, it's called 'descry' a surveillance camera na kasing liit ng butones

"Ilagay mo yan sa entrance ng office ni Mr. Waterson ako na ang bahala dito sa loob." - sabi ni Eros

"Aknowledge." - sagot ko

Lumabas ako sa office namin at dumiretso sa office ni Sir David at naabutan na nakaupo sa couch si Jameson na may nakaplaster na pilyong ngiti sa labi niya

Uh-oh, I don't like this... he's just like Eros....

I silently walked towards the door and grabbed a chair and lifted myself up

"What are you doing?" - Jameson asked

"Aayusin ko lang ang wall clock ng Daddy mo Sir." - magalang na sagot ko pagkatapos kinuha ang wall clock at patagong pinadikit sa gilid nito ang surveillance camera

Bababa na sana ako ng biglang umuga ang upuan na tinutungtungan ko

Wala pang ilang sandali I felt myself falling, I closed my eyes and waited for myself to fall hard and flat on the floor

Pero ilang segundo na ang nakalipas eh hindi ako lumagapak sa sahig

I opened my eyes..... just to see myself in the arms of Jameson Waterson who is smiling at me now

"I didn't know your pretty." - he said

"U-uh...... S-sir you c-can put me d-down now.." - nauutal kong sabi

Ang lapit na kasi nang mukha niya sa mukha ko, as in two inch apart nalang ang pagitan namin

Binaba naman niya ako nang dahan-dahan

Inayos ko ang salamin kong naalog nang konti

I'm wearing a business suit kasi while my hair is in a ponytail na higpit at walang hulog tapos naka eye-glass pa ako.

"You're still beautiful even with your glasses on Ms. Holmes." - he said then left

Ok, just what the hell was that??

"Aira? Tapos ka na ba?" - biglang sulpot ni Eros

"A-ah.. O-oo.." - sagot ko

"Ok ka lang ba? Bat maputla ka?" - tanong ni Eros

"Huh? Ah-eh gutom lang siguro ako. Kain nalang tayo sa baba?" - palusot ko

"You sure? Ok, tara gutom na rin naman ako eh." - sagot ni Eros atsaka hinila ako sa kamay palabas ng office

*bzzt...bzzt*

What the eff was that?

*End of POV*

(A/N: ano kaya ang magiging role ni Jameson sa storyang to? Bwahaha sana di ako topakin...pfft..)

BPSO II: He's a Secret Agent Playboy [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon