Chapter 2
Ayesha's POV
"I can't believe that their circle of friends are all hotties."
"Tumigil ka nga Ellyse! Yan pa rin iniisip mo? Nakita mo na ngang namatayan sila? My God, hindi ako sanay na makitang ganiyan kadilim yung atmosphere sa table na yan."
Nilingon ko rin yung table na tinutukoy nila at katulad ni Zia ay naninibago rin ako. Nakakapanibago lang kasi palaging maingay yung table na yan. Palagi kong naririnig yung asaran nila pero ngayon, kahit yata yung mga kubyertos nila ayaw gumawa ng ingay.
It's been almost three weeks since Kim died. Siya yung kaibigan nila Naomi na may leukemia. And it's very ..it's very heartbreaking how she died, na nakasuot sa kaniya yung wedding gown at yakap yakap siya ng lalaking iniwan niya, si Xian.
I was there, I saw how everyone cried nung hindi na siya makasagot ng I do. I saw how her friends cried, how her family shattered. Kung paano umiyak si Xian habang yakap siya. I suddenly felt that familiar pain on my chest. Naaalala ko lang kasi, kung paano kami iniwan ni ate Aly nung mga oras na yun.
"Shaa?Okay ka lang ba?" Natauhan ako nang hawakan ni Zia ang kamay ko.I reached out for a smile bago tumingin ulit doon sa kabilang table, kina Naomi at sa mga kaibigan niya na walang kabuhay buhay habang kumakain.
I sighed. Hindi nila kasama si Ken.
Alam kong isa siya sa mga pinaka-apektado sa pagkawala ni Kim. He's inlove with her, alam ko yun. I've been so dedicated about knowing him kaya alam ko na halos ang lahat ng bagay tungkol sa kaniya.
And I hope he's okay.
"Hi guys! Sorry na-late, may problema sa team eh." Earl came at humahangos pa nga ito. Mukhang hindi rin siya magtatagal dahil puspusan din ang practice nila para sa nalalapit na game.
Inabot ko sa kaniya ang bottled water ko since hindi ko pa naman nakakalahati, mukha kasing pagod na pagod pa siya.
"Thanks Ai." Tumango lang ako.
"Anong problema sa team niyo Earl?" tanong ni Fire sa kaniya.
Uminom muna ito ng tubig bago sumagot. "Nagloloko si captain, puro fail ang shoots. Nagagalit na si coach kaso hindi naman namin masisi." Bahagya itong sumulyap sa kabilang table.
"Si Ken? You can't do anything about him right now." Ellyse looked at me afterwards, I just gave her a sad expression.
Apektado kaming lahat because it's the last game for our basketball team. Kailangan nilang matalo yung kabilang school to be able to join the tournament next month. Pero paano sila mananalo kung nagkakaganun ang captain nila? At wala naman silang magawa dahil hindi naman biro yung pinagdadaanan ni Ken.
"You should talk to him, Ayesha." Nagulat ako sa suggestion ni Fire.
Naituro ko ang sarili ko. "Bakit ako? I'm not related to him."
"You're our walking words of wisdom, baka sakaling makausap mo siya ng maayos right?"
Parang gusto ko namang tumutol sa walking words of wisdom na iyon. They call me that way kasi kapag sobrang problemado na kami, I usually do or say things to keep them up dahil ayokong may problema kaming magkakasama. When they have personal problems sa akin din sila lumalapit to ask for advice.
Hindi ko rin alam paano ako nagiging vocal at helpful for their side pero pagdating sa sarili ko, there's no one to help me through. Hindi ko maiapply yung mga words of wisdom na sinasabi ko sa kanila sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise[Dreame]
Teen Fiction"When I forgot the sense of living,you came into my life and started to be my world" - Kenneth Yu