Chapter 1

1.1K 16 0
                                    

“Look Rachel! It’s so cute!” anang bestfriend niyang si Alice. Itinaas pa nito ang dalawang pares ng baby booties. “Ano ang mas maganda? Pink or yellow?”

Hinawakan niya ang pink na booties. “Ito. Bagay sa baby girl,” sabi niya.

Nasa baby section sila ng department store at nagwi-window-shopping. Matagal na rin silang hindi nagkikitang  magkaibigan. Busy ito sa pag-aasikaso sa pamilya nito. Kasal ito sa kaibigan niyang si Paul at my limang taong gulang na anak na lalaki. Plain housewife ito at pamilya nito ang priority.

Habang siya naman ay busy sa trabaho. Stay-in siya bilang bagong manager ng Enchanted Cafe sa SnowBells Ville kaya hindi na siya nakakaluwas sa Manila. Halos hindi na rin siya nakakapagshopping. Mabuti na lang at nagtugma ang schedule nilang magkaibigan kaya nakalabas sila.

“Exactly!” Bitbit ang booties ay pumunta ito sa mga crib. Pinaikot nito ang musical chime at pumailanlang ang kantang “Mary had a Little Lamb.” “Ito ang bagay sa nursery room ni Dianne.”

“Sinong Dianne?” tanong niya.

“Ang baby girl ko.”

“Baby girl?” bulalas niya. “Buntis ka ba? Masusundan na si Nathan?”

“Hindi pa pero matagal ko nang gusting magkababy girl.”

“Sabagay ilang taon na si Nathan pwede na siyang sundan.”

“Kailangan na siguro niya ng kapatid. Sa tingin ko,kaya niya na ang responsibilidad para maging kuya.”

“Sobrang bibo naman ng anak mo. Matalino pa. Di ba top 1 siya sa school?”

“Oo. Kaya nga tuwang-tuwa kami ni Paul.”

Hindi tuloy niya maiwasang mainggit ditto. College sweethearts ang mga ito. Classmate niya si Alice. Parehong management ang course nila at si Paul naman ay Engineering. Nasa isang university lang sila. Siya ang nagpakilala sa dalawa. Hindi naglaon nagkagustuhan ang mga ito.

Hindi pa man tapos ang college ay nagpakasal na ang mga ito. Nag-aalala pa nga siya noon dahil sobrang bata pa ng dalawa at baka hindi pa handing mag asawa. Subalit sa nakikita niya ay mas nagiging matatag ang relasyon ng mga ito sa paglipas ng panahon. Hindi gaya ng ibang mag-asawa na naghihihwalay din agad.

“I wish my baby girl na akayo. Para naman may mabibilhan na ako ng mga girlish na baby dress at may maayusan na ako. Di naman kasi pwede si Nathan.,” wika niya,saka kinuha mula rito ang pink booties. “Ako nang magbabayad.”

“Mas excited ka pa yata sa akin,” anito nang pumunta sila sa Thai Restaurant na matagal na nilang gusting subukan.

“I love your son and you know that. Pero iba pa rin pag baby girl. Madaling ayusan,madaling ihanap ng regalo at masarap damitan. Saka mas malambing ang girls. Iyong binata mo,hindi mapantayang ang pagiging active. Nauubos ang lakas ko. ‘Tapos ayaw pang pang magpahalik dahil binata na raw siya.”

Kapag nga humahalik siya sa pisngi ni Nathan ay palagi nito pinapaling ang mukha palayo. Hindi na ito ang batang pwede niyang lamog-lamugin dahil wala pa itong kalaban laban.

“Mas gusto niyang kasama ang daddy niya. Iniwan ko ngang naglalaro ng computer games. Naglalaban silang mag ama ng games. Hindi na nga siya natatakot sa akin. Lagi na siyang nakadepende sa daddy niya.”

Nakangiting pinagmasdan niya ito.”Time flies fast. Dati,parang mga batang paslit pa lang tayo. Palagi pa tayong kinakantiyawan ng mga guwardiya sa university dahil mukha pa raw tayong high school kaya bawal pumasok.’ Tapos parang wala pa sa isip natin ang boyfriend-boyfriend na iyan.”

Signed,Sealed,Delivered I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon