Chapter One

0 0 0
                                    

Simula na ng pasukan pero kakaenroll pa lang ni Corrine sa school na nilipatan niya. Paano ba naman kasi, and daming kailangan asikasuhin ang mga transferees.  Second year college na siya sa kursong Business Administration at ngayong taon kailangan niyang lumipat sa ibang school na mas malapit sa bago nilang tinitirahan.

And because she's new, hindi niya alam kung saan ang room niya.

"Excuse me, miss. Pwede po magtanong?" Wala namang ibang paraan diba? Syempre nagtanong na siya sa isang babae na mukhang mabait at sasagutin ang tanong niya.

"Yes. Ano yun?" Sagot naman sa kanya ng mabait na babae at nginitian pa siya.

"Saan po ba ang B309?"

"Ah! Sa main building pa to! Wait, what time ang first class mo?" Tanong nito sa kanya kaya nagtaka na siya. 'Bakit hindi niya na lang sabihin kung saan mismo?' She thought.

"8:30 malelate na nga po ako eh. Malayo ba dito?"

"Business Admin ka din?! Block D?" The girl looked excited kaya naman mas lalong nagtaka si Corrine.

"Ahm, yes. Why? Magkaklase po ba tayo?" Corrine hoped na sana magkaklase nga sila. Kasi kung nagkataon, may kaclose na agad siya.

"Hindi eh. Pero magkaklase kayo ni Alex! If you want we can wait Alex here tapos sabay na lang kayo sa first class niyo!" The girl smiled at her.

"Wow! Sige sige! Salamat naman at may kakilala na ako. Hehe. Ay! Ako nga po pala si Corrine." Nilahad niya ang kamay niya sa babae at tinanggap naman nito agad.

"Jessica. Saan ka nga palang school galing?"

"Sa Bicol University pa po eh." Nginitian niya ito at ganun naman si Jessica. Magsasalita pa sana ito ng may natanaw ito sa likuran niya.

"Alex!!" Napatingin si Corrine sa likuran niya at doon niya nasilayan ang napakagwapong nilalang sa kanyang mundo.

Mala-model na naglakad ang lalaki palapit sa kanila, nakangiti ito na animoy nasa commercial ng toothpaste at ang buhok nito'y hinahangin-hangin pa na para bang nasa commercial naman ng shampoo. 'Yan ang nasa isip ni Corrine palibhasa tinamaan siya sa lalaki.

Nasa harap na ni Corrine ang lalaki pero nakatitig pa rin siya dito. At hindi lang basta titig, kundi nakangaga pa habang nakangiti na parang baliw. Winagayway na ni Jessica ang kamay niya sa harap ni
Corrine kaya naman natauhan na ito.

"Okay ka lang Corrine? May sakit ka ba?"  Nag-aalalang tanong sa kanya ni Jessica.

"Uhm o—oo o—okay l—ang po ako. Hehe. S—Sorry." She stuttered. Napatingin siya sa lalaking kaharap niya, nakatingin din ito sa kanya at halatang nababagot na.

"Mabuti naman. Ah eto si Alex, bestfriend ko. Alex, si Corrine, new found friend ko at kaklase mo siya! Hihi." Jessica smiled to them at kinuha pa nito ang kanilang mga kamay at ipinatong sa isa't-isa. "Oh ayan, magkakilala na kayo! Taralets!"

Naunang naglakad si Jessica at sinundan naman ito ni Alex. Tumayo na rin si Corrine at sumunod sa kanila.

Dahil mahiyain si Corrine, nasa likuran lang siya nila Jessica at Alex habang nakatungo. Ayaw niya kasing makita ang pag-akbay ni Alex kay Jessica na pilit din namang inaalis ng huli pero mapilit pa rin si Alex.

"Dito na ako. Babye Alex, Corrine. Hoy Alex! H'wag mong iwan yang si Corrine ah! Bago lang yan dito." Bilin pa ni Jessica bago ito pumasok sa classroom.

Nagsimula nang maglakad sila Corrine at Alex. Wala silang imikan at natatakot si Corrine na magsalita dahil baka kung ano ang masabi niya at mapahiya niya pa ang sarili sa harap mismo ni Alex.

"Ahm m—malayo pa po ba t—tayo?" Corrine sighed. Sa wakas nakapagsalita din siya! Ani ng isip niya.

"Malapit na. Isang floor na lang ang aakyatin natin." He said at ikinatuwa naman ito ni Corrine. First conversation kasi nila ito.

Hindi na sumagot pa si Corrine dahil hindi niya naman alam ang sasabihin. She's not the type of person who speaks much at mahilig mag-open ng panibagong comversation.

"Were here." She heared him said kaya napatingala siya.

B309. Yan ang nakasulat sa taas ng pinto. 'Eto na nga ang classroom namin. Hay. This is it! Aja!'

Pumasok na siya at nakita niyang nakaupo na si Alex sa dulong ikaapat na row na upuan. Dahil wala naman siyang kakilala, hindi na siya nagdalawang isip pa na lumapit kay Alex at umupo sa katabing upuan nito.

"Ahm. D—Dito na lang ako ah. Ikaw lang kasi ang kakilala ko dito." Sabi niya kay Alex na may hinahanap sa kanyang bag kaya naman tumango na lamang ito.

Nasa sampung minuto na ang nakalipas bago dumating ang prof nila. Nagpakilala ito, kinuha ang kanilang mga class cards at nagbigay ng introduction about sa subject nila na Economics. Pagkatapos nito, dissmissed na sila.

Tumayo na ang mga kablockmates ni Corrine at maging si Alex ay nag-aayos na ng gamit. Nataranta siya dahil hindi niya alam kung saan pupunta at kung saan ang sunod na klase. Kaya naman hinarang niya si Alex bago pa ito makalabas ng pinto.

"A—Alex saan kana pupunta? H—Hindi ko kasi alam kung saan ang susunod na klase natin."

"B304 right? Nasa tapat lang nitong room." Sagot naman nito sa kanya nagsimula nang maglakad. Ngunit bago pa man siya makalabas ng room, lumingon ulit ito sa kanya at sinabing, "Call me Xander, not Alex." He said cooly and leave Corrine confused.
.
.
.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon