Author's Note:
This is definitely a work of my imagination. The characters are not related to reality. Moreover, I'd like you to know that I'm not a professional writer here and you might encounter grammatical and typo errors. Please do bear with me. Constructive criticism is highly welcome.
Enjoy. Ciao!
*--------------------------------------------------*
Ito na naman ako nagbabalak sumulat ng kwento na di ko naman alam kung paano sisimulan. Ganoon palagi ang nangyayari. Mag-iisip ako. Magsusulat. Kapag nasa kalagitnaan na mauubusan na ako ng isusulat. Buhay nga naman talaga oo. Tulad ngayon. Dahil sa wala na talagang ideyang mapiga sa utak ko makabuo lang ng isang akdang maipapasa na proyekto para sa Creative Writing kaya eto nakatitig lang ako sa kawalan. Di ko mawari kung ano ang nararamdaman ko. Bored ba ako o di kaya naman ay stressed? Di ko alam. Minsan kasi ganoon ako. Alam mo yong bigla ka nalang mawawala sa sarili. Yong wala kang maisip in particular. Biglang magzozone out ka sa mundo.
"LJ! Ano ba. Kanina pa ako kwento ng kwento dito. Di ka naman nakikinig eh."
Yan si Tifanny. Ang kaibigan ko. Ganyan yan. Bigla bigla nalang sumisigaw. Pero mahal ko yan. Magkaibigan kami since fetus palang kami. Hindi ako nagbibiro. Bakit? Pinagbubuntis pa lang kami ng mga mommies namin ay nag-uusap na kami. At syempre joke lang yong nag-uusap na kami. Ang totoo nyan magbestfriend ang mga mommies namin. At bilang pamana, kaya yan magbest of friends din kami. Halos pareho kami ng hilig o interes kaya hanggang college pareho kami ng kinukuhang course, AB English. Third year na kami at isang taon nalang ay gagraduate na. Kasalukuyang nagagawa kami ng project at yon nga ay ang pagsulat ng literary piece. Ako gumagawa ng short story habang si Tif wala pang naiisip na genre. Magreresearch daw muna sya para magka-ideya.
"LJ!!!!" sigaw na naman nya.
"Ano ba kasi yon? Si Zac na naman? May bago na namang girlfriend? Eh ano ngayon? Wala tayong pakialam sa kanya. Hindi naman umiikot ang mundo natin sa kanya. Bakit? Sya na ba ngayon ang nagpapaikot ng universe. Mamamatay tayo pag may bago syang girlfriend?"
"Bakit? Napapaikot ba ang universe? Planeta ang umiikot. Hindi ang universe. Dami mong sinabi. Wala lang. Kinukwento ko lang sayo. Malay ko bang di ka pala interesado eh dating love of your life yon," sagot ni Tif habang nakatingin sakin.
"Ay sorry naman. Nagmalfunction ang brain cells ko. Okay DATI. Past tense. Mga pangyayari sa nakaraan na wala ng kinalaman sa ngayon. Don sya nabibilang. Hay naku. Girlfriend-in nya na lahat ng nakapalda't nakashorty-shorts wala akong pakialam. Pagkatapos nyang paasahin at saktan ang puso ko. Wag na uy," sagot ko sa kanya.
"Pinaasa ka? O assume-ra ka lang talaga?"
"Ouch. Okay. Sabihin na nating assume-ra talaga ako pero ang punto ko binigyan nya ako ng dahilan na mag-assume. Hay naku. Ewan ko ba sa kanya. Bahala na nga sya. Teka, tapos ka na ba sa pagri-research at daldal ka ng daldal dyan?"
"Syempre hindi pa."
"Yan tayo eh. Layas! Kesa pagdadaldal ang inaatupag mo pumunta ka na ng library."
"I'm so hurt. Pinapaalis mo na ako? Nagsasawa ka na ba sakin?" sabi nya with paawa effect.
"Shut up. Get lost!"
"Okay. Okay. Ito na paalis na. See you later," sabi ng kaibigan ko habang nililikom yong gamit nya.
Finally. Mapayapa na ulit ang mundo ko. It's not that I don't want to be with my bestfriend. I just don't like her blabbering about Zac Collins. Why I'm making him a big deal? Well, he's the reason I developed this hate, when I mean hate: the feeling of distrust to the to nth level, among the male population.