Goosebumps

37 0 0
                                    

AN: To those who read the first version of the story, I'd like you to know that there was a change with regards to the ending of Chapter 1.I hope it won't be a problem.

Ngayon ko lang narealize na ang hirap pala talagang maging writer. Kaya ipagpaumanhin kung may pagkakamali man. You can be a critic of my work. You comment on the grammatical lapses or so.
Anyway, this part is still LJ's narration of what happened before.

Enjoy reading.

Ciao!
*****************************************************************************
One week na mula noong may pa mysterious I-wanna-play-with-you spiel si Zac sa'kin. Grabe din ang epekto nun sa'kin. Pinag-isip nya ako. Grabehan lang. Daig ko pa ang lawyer na may sino-solve na kaso. Hindi ko naman makwento kay Tif at alam kong hindi n'ya feel si Zac kaya sinarili ko nalang. After naman that thing ay hindi naman na kami nagpang-abot dito sa school grounds. More of iniiwasan ko na rin. Ayoko ko lang din ng gulo. You know, the ever so fond of me na si Tara. Buti nalang talaga at malaki 'tong campus namin at sa loob ng isang linggo ay nagawa kong iwasan ang mga taong dapat kong iwasan. Nagfe-feeling fugitive tuloy ako.

Well, as of the moment, nandito ako sa library. Balak ko kasing manghiram ng libro. Aside from the literatures na pinapabasa samin ng professors namin, nakahiligan ko na ring basahin ang mga books dito sa library at isa sa mga favorite na hinihiram kong book ay ang Goosebumps Series ni R. L. Stine. Iba ang appeal sa'kin ng mga book n'ya. Nakakahook talaga. I may be biased on this but still his works are really page turners. Minsan nakakadalawang book ako sa isang gabi. Iba eh. Pag nabasa mo kasi ang Goosebumps na kahit literal na may goosebumps sa bawat pangyayari sa kwento hindi mo gugustuhing bitiwan yong book kasi maganda.


Nakita ko na yong section kung saan nakalagay yong mga books ng Goosebumps. Medyo may kataasan 'yong pwesto ng susunod na libro na babasahin ko kaya kailangan ko pa talagang mag-tiptoe para maabot 'yong book nang bigla nalang may umagaw nito mula sa'kin.


"Sorry. Got it first," sabi ng taong least expected kung bumisita ng library kasi alam kong puro gym at sa quad lang ang mga lugar na pinupuntahan nito. Sa ngisi n'yang nakakaloko ay nagso-sorry s'ya sa lagay na 'yan ha. Kaloka. Kung di ko lang s'ya crush abay kanina ko pa 'to nasipa.


"Ayan ka na naman Jade, distracted ka na naman sa kapogian ko. Di ka na nakapagsalita d'yan," dagdag pa n'ya.


Pigil na pigil ang inis ko at kinausap s'ya.


"Alam mo, ikaw, ayos ka rin 'no. Kung anong ikinapal ng librong 'yan ay s'ya ring ikinapal ng pagmumukha mo. Kung makapang-agaw ka ng libro d'yan. Akin na nga 'yan." Aktong aagawin ko sa kanya 'yong libro kaso naunahan n'ya akong ilayo ito sa'kin.


"Chill, Jade. I got it first. So finders keepers." Sabay kindat sa'kin.


Nagpatalon-talon ako to get the book from him. At ang loko, talagang itinaas n'ya ang libro. Ngayon ko lang kinaiinisan ang height n'ya.


"Anong finders keepers na pinagsasabi mo? Nauna akong pumunta dito. That means ako ang nauna sa Goosebumps na 'yan. So, it's legit to say na ako ang may karapatang manghiram sa librong 'yan." Inis kong sabi sa kanya. Aba, kahit na Ultimate , with the capital U, crush ko s'ya ay hindi bebenta sa'kin ang mga pakulong 'yan. Ayaw na ayaw ko pa naman na inaagawan ako ng libro. One time nga noonng bumili ako ng book sa NBS, noong nakahiligan kong kolektahin ang percy Jackson Series ni Rick Riordan, ay nakipag-away ako doon sa babaeng sinasabing s'ya raw ang unang nakakuha ng book. Medyo nagkakaubusan na kasi ng copies ng book na 'yon. Bawat bisita ko sa NBS 'yon agad ang hinahanap ko. At 'yon nga, I was about to get the book from the shelf ng bigla nalang itong naglaho sa harapan ko. Paglingon ko, nakita ko 'yong girl na kumuha ng book. She was smiling at me. 'Yong ngitng mapang-asar. Well, patatalo ba naman ako. Syempre hindi. Katakot-takot na death glare ang binigay ko sa kanya. Well, buti nalang effective 'yong death glares ko at nagconcede s'ya. When it comes to books that I love, don't you dare get into my way.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Casanova's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon