CHAPTER ONE.3: THE FANGIRL

11 1 0
                                    

Swindlehurst Academy - Mary_The_Dreamer

>> JHIN <<

Im Jhin Gabutero,16 years old and 4th year

Pagpasok ko sa loob ng campus dere-deretso akong naglalakad habang may bitbit na regalo papunta sa locker room

Kanino ko naman to ireregalo? Sa aking Crush na si Joaquin! Isa sya sa Campus Heartrob! Na Crush na Crush ko simula pa 1st year!

Tuwing pagkatapos ng bakasyon or occasion like christmas,new year! Marami kaming mga fangirl na nagreregalo sakanila! At tuwang-tuwa naman kami dahil ginagamit at kinakain naman nila yung mga gift namin at lalo na sa tuwing nagte-thank you sila saamin! Grabeh! Parang sasabog ka na sa saya! Ganyan kaming mga fangirl!baliw na kung baliw!
Pake nyo ba!

Pero ako, ako yung fangirl na hindi mo mahahalata na fan nila, patago akong magregalo sakanila lalo na sakanya! Ewan ko ba! Nahihiya ako eh! Lalo na't since 1st year, classmate ko na sila!

Hayy naku! Tama na nga yang daldal!

Nang makapasok ako sa locker room

Dumeretso agad ako sa locker ni crush!
At pinatong yung gift ko sa ibabaw ng locker nya

Sana,magustuhan nya!

Hahakbang na sana ako paalis nang may marinig akong yabag

"Grabeh! Pero kahit na nerd yung girl, ang cute nya pa rin!"

Teka, boses ni grae yun ah!

"Ang korni mo tol!"

Boses naman yun ni Crush!

At narinig kong nagtatawanan sila!

Gosh! Andito sila! Andito ang mga heartrob!

Lumingon-lingon ako,naghahanap ng matataguan!

At ang tangi ko lang nakita ay yung maliit na space sa dulo ng mga locker

At saktong nandyan na sila nang makatago na ko! Siksik pa more! Para lang hindi makita!

Sumilip ako..

Nagpunta sila sa kanya-kanya nilang locker

Napansin ni joaquin yung gift ko sa taas ng locker nya at kinuha nya ito

Nakita yun ni John

"Uy! Ano yan?" Tanong ni john

Nilingon naman sila ni Grae,Brace at ni Nash

"Gift! Di mo ba nakikita?" Sagot ni Grae

"Uyyy! Niregaluhan ulit sya ni secret admirer!"pang-asar na sabi ni Nash

Binuksan ni Joaquin yung gift ko sakanya at matagal nya itong tinignan

'Sana magustuhan mo!' bulong ko sa sarili

"WOW! CUPCAKES! PENGE!!" Sabay-sabay na sabi ng apat at kukuha na sana nang pagtatapikin ni joaquin yung mga kamay nila

"Ano,pagkatapos nyo kong asar-asarin! Ngayon hehenge-henge kayo!" Sabi ni Joaquin sabay layo ng mga cupcakes sakanila

Hindi ko mapigilang mapangiti sa kakulitan nila!

"Eto naman di mabiro!" Nash

"Oo nga!" Grae

"Angdamot mo naman!" Brace

"Parang isa lang eh," John

"Heh! Magsitigil nga kayo! AKIN.LANG.ITO!" Pagdadamot na sabi ni Crush

Pero parang nakaramdam ata ako ng selos sa cupcake na ginawa ko! (Oo, Own baked yun!)

Nakaramdam ako ng selos kasi...

Buti pa yung cupcake, pinakatitigtigan ni crush, pinagkaguluhan ng mga heartrob,pinagdamot sa iba ni crush at higit sa lahat, sinabihan nya pa ng AKIN LANG TO!
TT^TT

Sana ako nalang yung cupcake noh!

pero wag nalang rin pala!

Malulusaw rin kasi ako pagkinain nila! =_=

Sumilip ulit ako sakanila kasooo..

Paalis na sila!

At nang makaalis na talaga sila ng tuluyan,

Tsaka na ako lumabas ng pinagtataguan ko...

Kinuha ni Joaquin yung Gift ko, ibig sabihin...

Nagustuhan nya yung Gift ko!

Ano ba yung gift ko?

7 cupcakes na bawat isa ay may letter
J-O-A-Q-U-I-N!!

Whaaaa~~~ sana masarapan sya!! ^__^

~~

Swindlehurst Academy (Gimme5 Fanfiction)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ