CHAPTER ONE.1: THE NERDY

18 1 0
                                    

Swindlehurst Academy - Mary_The_Dreamer

>> ARLENE <<

Hellow po! Ako po si Arlene Dalisay, Im 16 years old and 4th year na ngayong pasukan!

Pagbaba ko sa Van, sinarado ko na yung door!

Napansin ko lang, marami-rami yatang estudyanteng babae ang nandito sa parking lot ? Hmm.. ah! Alam ko na! Hinihintay nila panigurado ang mga Limang Campus Heartrob! Ewan ko ba sakanila kung bakit sila ganyan! Well, hindi ko rin naman sila masisisi ang gagagwapo kaya nila! Hayst, makapasok na nga lang!

Nakakalimang hakbang palang ako nang biglang magsipagtilian ang mga kababaihang nandito sa parking lot na halos nag-e-echo na dito! Nakakabingi!

One,Two,Three,Four,Five! Limang sasakyan ang pumasok dito sa loob ng Parking Lot! Siguro ayan na yung mga Heartrob!

Nang huminto na yung mga sasakyan tsaka namang nagtakbuhan papalapit dun ang mga estudyanteng babae na yung iba ay may dala pang regalo at yung iba naman ay sa tingin ko,kanina pa naghihintay!

May bigla akong naisip, tinignan ko yung relo ko... Maaga pa naman! Hindi naman siguro ako malelate kung sisilip lang naman ako ng ilang minuto sakanila diba? Tama! Sisilip lang naman!

Tumakbo rin ako papalapit dun at nakipagsiksikan sa mga estudyante

Unang bumaba ng sasakyan si Nash, pangalawa si Brace,pangatlo si john,pang-apat si joaquin at kada may bababa sakanila ay nakakabinging tilian at sigawan ang naririnig ko kaya ako eto,nakatakip ng dalawang kamay ang dalawang tenga,feeling ko kasi mababasag ng walang sa oras yung eardrums ko netong katabi ko, Sigaw ng sigaw! Pero teka muna wait! Bakit apat lang ata yung bumababa? Nasan yung isa?

Pinilit kong silipin yung isang sasakyan! Ayy! Ayun pababa palang pala! Si Grae! At nang makababa na sya,, Nagtilian at nagsigawan ulit yung mga babae habang ako ay napatitig lang kay grae, at isa lang ang masasabi ko sakanilang lima,

"ANG GAGAGWAPOOOO NYOO TALAGAAA!!!" Bigla kong sigaw! Wait,naisigaw ko ba talaga yun?

Shucks! Nakakahiyaaa >>___<<

Nag-echo yung boses ko sa parking lot at lahat ng babae ay napalingon at napatingin saakin,isama na rin natin ang Limang Campus Heartrob! Gosh! Gusto kong bumuka na yung lupa at lamunin ako ng buo sa kahihiyan!

Napatingin ulit ako kay grae, feeling ko malulusaw ako ng makita kong nakatingin sya saakin at bigla nya akong kinindatan!

Oh my!!

Yung atensyon ng mga girls kanina ay bumalik ulit sa lima at kung matatanong nyo ako?

Eto,napatunganga at di makapaniwala! Totoong kinindatan nya ko? O nag-iilusyon nanaman ako?

Sinampal ko yung sarili ko!

Aray ko po! Totoo ngaa !! Kyaaaa!! >/////<

~~

Swindlehurst Academy (Gimme5 Fanfiction)Onde histórias criam vida. Descubra agora