"Hoy. Akin na yang bike mo!" sigaw ko dun sa batang nagbabike dito sa park.
"Ah? ati. Atin po tate tong bayk na to ih." aish. Ano bang pinagsasabe ng hinayupak na kutong lupang to? Bulol pa. Tsk.
"Alam mo, wala akong pake sa pingsasabe mo! Akin na yan." naiirita na ko sakanya. Kanina pa sya paikut-ikot dito sa park na to. Bwiset.
"Batet mo po nitutuha tong bayk ko ati? Waya ta po bang pambiye? Taka po mayiit po tong bayk ko. Pambeybi yang." ano daw?!!
"Punyeta! Hindi kaba titigil? Akin na yang letcheng bike na yan." hinablot ko na yung bike na sinasakyan nya dahilan para mapalagapak sya sa lupa.
"Uwaaaaa~ Mamiiiiiii. Uwaaaa~ WAAAAAH~ !" p*ta. ang ingay!
"Hoy manahimik ka nga jan. Nakakabwiset ka!" sigaw ko sakanya.
"Mamiiii. Uwaaaa~ nikuha... yung... waaaah! nikuha yung bayk ko. Uwaaa~ "
"Letche! Sirain ko pa to eh!" pagkasabi ko nun ay ibinalibag ko yung maliit nyang bike. Nagkalasan yung ibang parte nun. Pinagmamalaki ba nitong batang to?! Eh, ang bilis naman pala masira nang bwiset na bike nya.
"Kirby? Kirby baby anjan ka lang pa-- Teka. Bakit ka umiiyak baby?" sabi nung babaeng lumapit dun sa kutong lupa na ngumangawa.
"Mamiii. tate po sha! Niaagaw nya po yung... *hik* yung bayk ko. Uwaaaa~! Taposh po nisira nya pa. WAAAAH~ " pagsusumbong nya. Tumingin naman saken yung babae.
"Hoy ikaw! Ano bang problema mo hah? Bakit pati bata pinapatulan mo? Ano bang ginawa sayo ng bata hah?! May sayad kaba ha? Nananahimik yung anak ko tapos aagawan mo ng bike? Hindi mo ba alam na mahal yang bike nya na yan? Tapos sisirain mo lang? Ano bang trip mo ha? Ganyan kaba pinalaki ng mga magulang mo? Pano mo ngayon papalitan yang bike ng anak ko? Tsaka tingnan mo nga, nagkasugat pa ang baby ko. Walang hiya kang babae ka! Hindi mo pinapalamon ang anak ko!" tinignan ko sya. Nakatingin narin samin yung ibang tao rito. Tss. Eh ano naman? Subdivision to ng pamilya ko. Amin tong park na to kaya wala akong pake.
"Ok na? Tapos kana dumakdak?" mahinahon kong sabi.
"Aba't-- "
"Alam mo manang, wala akong pake sa nararamdaman mo. Kaya pwede? Manahimik kana. Wala akong oras para pakinggan yang pagtalak mo." pagpapatuloy ko saka tumalikod at iniwan sila at ang pesteng bike na yun.
Naglakad na ko pauwi. Kahit naman ayoko pang umuwi sa impyernong bahay na yun, wala na. Nasira na ang araw ko. Salamat sa pesteng bata, sa bunganga ng magaling nyang nanay at sa bike nya. Tss.
"Iriz ano nanaman bang ginawa mo?" salubong sakin ng magaling kong ama.
"What? Ive done nothing. yet." mahina nalang ang pagkakasabi ko sa huling salita.
"Tumawag sakin ang leader ng HOA. May pinaiyak ka nanamang bata sa park?" tsk. Tignan mo nga naman. Ang bilis ng balita. Malamang nagsumbong na yung impaktang nanay ng kutong lupang bata yun.
"So? wag mo sabihing naninibago ka pa dun?" sabi ko habang naglalakad patungong mini bar namin.
Sinundan nya ko at umupo sa tabi ko.
"Its not that iha. But.. that's a child Iriz. For pete's sake! Pati ba naman bata? Why'd you do that?" mahahalata mo na na naiinis na sya. Haha. Buti naman.
"Pakelam mo ba ha? Sa pagkaka alala ko, wala ka namang pake sa mga ginagawa ko. Eh bat ganyan ka maka react? Ang OA mong matanda ka ah." sagot ko naman at kumuha ng isang bote ng tequilla. Pinigilan nya ko nang isasalin ko na ito sa shot glass.