Two: Stranger.

20 1 0
                                    

Azhiano University.

Napabuntong hininga ako. So this is it. Eto na talaga to. No turning back.

Teka nga..! Bakit ba ang OA ko makareact? Parang lumipat lang ng school eh. Putcha naman oh! Nahahawa na ko sa ka OAyan ni Bianca.

Well.. speaking of the witch, kamusta na kaya yun? Ok lang naman sya siguro kahit lumipat na ko diba? Madami naman syang ibang kaclose dun. She is friendly. Kaya nya yun. Pero nakakalungkot pala. Walang nangungulit na bruha sa tabi ko na may nakakarinding matinis na bose-- Ay Letche talaga! Nagdadrama nanaman ako. Ang baduy punyemas na yan. Makapasok na nga lang.

"Oy. Nasan admin's office dito?!" tanong ko sa lalaking nakasalubong ko. I may sound rude, pero duh? paki ko ba?

"Oy ka din." ayt. anong sabi neto?!

"Mas oy ka. Nasan ba yung admin's office hah?!" medyo naiirita ko nang tanong. Pano, ang init na nga dito sa lugar namin, ang tagal pa nyang sagutin yung tanong ko. Bwiset lang!

"Tanong mo sa bwan." sagot nya sabay alis. Ay gago yun ah! Bwiset!

Pero sa halip na sundan pa sya at bigyan ng malutong na uppercut sa pangit nyang pagmumukha, umalis nalang din ako at nagpatuloy sa paghahanap ng letseng opisinang yun.

Ang init init pa naman! Peste naman oh! Nasan ba kasi yun?!

"Hey miss." hindi ko na napansin na nasa main building na pala ko ng paaralang to at may lalaking tumawag sakin.

Tinaasan ko sya ng kilay. Is he talking to me? Nilingon ko pa ang likod ko bago sumagot sakanya. Mamaya di naman pala ako kausap neto, edi napahiya pa ko.

"Yes you." so ako nga. hindi parin ako sumagot at tinignan lang sya. Kailangan nito? Nagmamadali ako eh. Tsk.

"Bago ka dito right? Seems like your lost." sabi nya. So napansin nya pala.

"So?" pagsusungit ko.

"Taray. I was just planning to offer you some help. Kaya lang ang sungit mo. Hindi mo na siguro kailangan. Bye." then tumalikod na sya at naglakad paalis. Pero. What? 'offer some help' daw?

"Hey stranger!" sigaw ko sa corridor. At ang nakakatawa pa, andaming lumingon. Malamang Iriz. Stranger ba naman kasi ang isigaw mo eh? Boba ko talaga.

"Tatawagin mo ko tapos tutulala ka." hindi ko nanaman napansin, andito na sya sa harap ko.

"Uhm. Tinawag kita? sa pagkaka alam ko, stranger ang sabi ko right? So pangalan mo pala stranger?" pataray kong tanong. Sorry. cant help it.

"Tss. Ikaw na nga lang tong mag papatulong, nagtataray ka pa." aba to!

"Kelan pa nawalan ng karapatang magtaray ang isang tao kapag nag papatulong sya?" pamimilosopo ko naman.

"Uh.. a few seconds ago?" oh god. Talagang sumagot pa sya? Gusto nya ba talagang pahabain pa ang usapang to?

"Joke lang." habol nya. "So ano? Anong maitutulong ko sa magandang binibing kagaya mo?" he asked half smiling.

"Corny mo. Anyway. San admin's office dito?" tanong ko at agad naman nya kong hinila. Pero srsly. I feel already close with him. Ang gaan nya sa loob kasama. I think I should consider him as a friend na? He'll help me after all.

The bell rang habang naglalakad kame.

"Start na ng class. Late ka na." sabi ko sakanya.

"Ok lang malate atleast, natulungan kita." A smile automatically formed on my lips nang sabihin nya yun. Ang bait naman nya. He is too friendly para sa isang lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 reasons to dieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon