Prologue

54 2 0
                                    


Mabilis, mabagsik, madiskarte, magaling, at GWAPO. Ganyan ilarawan ang Ace player ng Blazing Phoenix Basketball Team. 

Reddin Kaede, siya ang nagpanalo sa karamihang laban ng BPT. Mabagsik sa loob ng court, walang makakapantay sa kanyang bilis; Bilis ng kamay, paa, at ng kanyang pag-iisip. Siya ay binansagang "King of the Courts", kinababaliwan ng lahat ng babae sa loob at labas ng school.

Unfortunately, siya yung tipong dedicated na sa larong Basketball... He has no time for girls; every confession he receives ends up being rejected.

Sa lahat ng babaeng nasa school, ako ang unti-unting naging malapit sa kanya kaya't naman maraming nagseselos. Unfortunately, galit ako sa kanya, ayoko sa kanya, naiirita ako at naiinis ako sa ugali niya.

Hindi sila magkasundo ni kuya. Lagi silang nag-aaway. Minsan nga parang siya ang number ONE enemy ni kuya eh.

Baguhan lang sa basketball si kuya, pero madali naman siyang matuto, mataas siyang tumalon, mas mataas kaysa kay Red. Minsan nga dapat pasalamatan nila si kuya, marami mang palpak sa court, napakalaki naman ng naitutulong niya sa team. Siya madalas ang nakakakuha ng mga rebounds. Hindi man magaling pero mahirap basahin, yung bang hindi mo alam kung ano ang susunod niyang gagawin, masusurpresa ka nalang na nandyan siya, ginawa nya to at ginawa nya yun.

Basagulero dati si kuya, hanggang ngayun nga ay madalas parin syang makipag-away pero natutuwa ako kasi kahit paano ay napasali siya sa Basketall team.

Ang egoistic at arrogante na si Kaede, matagal ko na siyang kilala. Syempre lagi kung pinapanood ang laban nina kuya kaya halos kilala ko na lahat sila. Tuwing uwian, iniimbitahan ako ng mga kaklase kung manood ng practice. Fan silang lahat ni KAEDE, syempre ako naman ay Fan ni kuya. Nakakainis nga eh kasi tuwing nag-aaway sina Kuya at Red, laging si Red nalang may kakampi. Pero si kuya rin naman kasi, ayaw paawat.

Paano ko nga ba nagustuhan ang Reddin Kaede na ito?

Noon pa man kasi, kahit na madalas akong nanonood ng practice game nila, kahit na madalas kung kasama ang team sa pag-uwi, wala ni minsang naganap na pagpansin sa akin ni Red. Nakausap ko na lahat ng Team Members ng BLAZING PHOENIX TEAM... ALL except him.

He's not the type who talks too much, kung nakikipag-usap man siya ay sa members lang nang team, sa manager, sa Coach, and some Few chosen people. Though wala rin naman akong balak makipag-usap sa kanya.

As if I will ever talk to him... but I was wrong.









The Ace PlayerWhere stories live. Discover now