Chapter 1
Huminga ako ng malalim dahil sa paligid ko. What the hell... Tanging tunog lang ng sapatos ko ang naririnig ko sa pasilyong dinadaanan ko. Kahit ang paghinga ko ng malalim ay narinig ko rin. Parang inabandona ang buong unibersidad dahil walang katao-tao.
Lumiko ako sa kaliwa at ang kaisipang inabandona itong unibersidad ay nawala sa isip ko.
Ngumiti ako nang makita ko ang isang grupo ng mga matatalino at masisipag. Well, hindi ko sila matatawag na nerd or geeks. Iba sila sa mga ganoong tao. Sadyang nasa dugo na siguro ng mga ito ang pagiging matalino.
"Blaire," tawag ko rito na pagbati na rin sana.
Magiliw siyang kumaway sakin at agad na tumayo kaya napatigil pa ko sa paglalakad.
"Hi, Arcane!" anito saka siya lumapit. "Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Was just about to go to my next class, Blaire. Dito lang kayo?" tanong ko.
Tumango siya. "Maaga pa. Free cut kami eh." sagot nito.
"Cool." sagot ko, natango. "Papasok na ko sa klase ko. I'll see you around, Ms. President." sabi ko rito saka ko kinindatan si Blaire.
Kumaway ulit siya sakin bago ko siya tinalikuran. Naiiling ako sa kagiliwan ni Blaire. Hindi mo maintindihan kung may problema sa pag-iisip or sadyang masaya lang talaga siya sa tuwing nakikita ako.
She's Blaire Dimaligalig. I find it weird though. Yung last name niya is Dimaligalig pero opposite ang pinapakita ni Blaire. I really don't know what's wrong with her. Nauntog ata tong babaeng to nang pinanganak.
Well, Blaire is actually not a close friend of mine. We're just acquaintances. Sadyang friendly lang siya na ultimong ako na aloof ay kinulit niya. She's the president of the university's student government kaya natural lang siguro na friendly siya. I expected her as a serious president noong bagong salta pa lang ako rito pero nang makita ko siya, nagkamali ako.
Umakyat ako sa second floor kung saan ang room ko. Room 207, ang classroom na nasa kabilang dulo nitong pasilyo. Nagtataka naman kasi ako kung bakit walang hagdanan na malapit doon. Lagi na lang pahirapan.
Naglalakad na ko papunta sa kabila nang makasalubong ko naman si Danette Yuchengco. My rival.
I don't know what's up with her pero simula nang tumapak ako dito sa university nito ay lagi siyang nakikipag-kompetensya sakin. Maybe she thinks I'm a threat, but a threat to what? Hindi ko rin alam kung saan dahil hindi ko naman siya nakikitang may dinadalang pangalan dito.
Pinasadahan ko ng tingin si Danette. Halos lahat na naman ng suot niya ay itim. Kung ilalagay mo siya sa dilim ay baka hindi mo siya makita pero imposible iyon. Maputi si Danette. Singkit rin dahil sa may lahi itong Tsino. She's also a goth at superstitious rin ang babaeng ito.
Ngumisi ito ng makita ako at napahinto siya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
The Game of Death
HorrorIt started with a game. A game that could kill. The game of Death.