Chapter 4

49 3 2
                                    

Chapter 4

Greg's POV


Maagang natapos ang praktis dahil sa nangyari kay Graciela kaya napagdesisyunan na lang naming mga kalalakihan na maglaro ng basketball dahil boring naman kung uuwi agad. 


"Pare, mukhang wala ka yatang babaeng dala ngayon ah?" Tanong ko kay Pete. Humalakhak lamang ang huli sa aking sinabi.


"Hintay lang, Pare. May pupunta dito mamaya para sunduin ako," pagmamalaki niya.


Marahang sinapak siya ng isa sa kasama namin na si Taylor, "Tangina Pare! Akala ko nalaos na yang pagiging gago mo eh!" Nagsitawanan naman sila habang nag-aasaran. Patuloy kaming naglalakad patungong basketball court.


"Nakakapagtaka pala yung Graciela, no?" tanong ni Adam. 


"Oh, bakit anong meron sa kanya?" tanong ni Taylor.


"Medyo weirdo rin pala ang babaeng yun, no? May nakikitang hindi natin nakikita," saka sila nagsihalakhakan. Mga gago.


"Baka naman may nakita talaga siya," pagtatanggol ko. Tsaka mukhang natakot at nagulat siya sa lalaking nakaencounter namin kanina. 


"Anong nakita niya, Greg? Multo?" Pang-aasar ni Pete.


"Naniniwala ka sa ganon?" Tanong ni Taylor.


"Punyeta Pare! Kabakla!" dagdag ni Adam.


"Mga ulol! Hindi naman natin alam kung ano nakita niya kaya wag kayong bobo! Magsimula na lang tayo sa paglalaro!" saad ko tsaka nagdribble ng bola. 


Ilang minuto rin kami naglalaro nang napansin na naming nagdidilim na. May dumating na rin na babae na biglaang hinalikan ni Pete kaya nalaman naming iyon ang taste of the week niya. Punyetang lalaki talaga, hindi kaya magka-aids to? 


Nang matapos silang maglaplapan sa harap namin ay nagkantyawan ang mga kasamahan namin. Nagyaya naman agad ang babae na umalis na sila kasi nagdidilim na kaya hindi na namin siya napigilan. 


Naglaro lang kami ng konti tsaka namin napagpasyahang umalis na sa school dahil madilim na at maraming creeps sa lugar na ito. 


"Oy, Pare! Ang cellphone ni Pete naiwan niya!" Saad ni Taylor habang hawak hawak pa ang telepono ni Pete.


"Yan talagang si Pete kapag may babae nakakalimutang may gamit siya," reklamo ni Adam.


"Tawag ng laman na kasi Pare!" Tanging sagot ni Taylor na nagpatawa sa amin.


 "Ako nalang magbibigay kay Pete. Magkaklase naman kami sa isang subject," saad ko tsaka kinuha ang cellphone. 


"Sige Pare. Tara uwi na tayo! Mag-gagabi na!" Anyaya ni Taylor.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Game of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon