Twelve

2 0 0
                                    

3am pa lang ay nagising na si Savannah may kinailangan kasi syang puntahan
Papunta sya ng Baguio dahil kailangan nyang e-meet ang may ari ng lupang bibilhin nya dun.

Matagal nya nang pinangarap ang makabili ng lupa dun upang gawing Traveller's Inn, ang Baguio ngayon ay umunlad na rin at madalas na itong dinadayo ng mga Foreigners

Marami kang pwedeng puntahan sa Baguio dahil sa mga maraming Hotspots nito ngunit kulang ito ng mga matutuluyan kaya ng may nabasa syang binibentang lupa doon ay agad nya ito tinawagan at heto sya ngayon
Bumyahe na papuntang Baguio

May layong 247km ang Baguio at kailangan nya bumyahe ng tatlong oras kaya alas tres pa lang ay umabot na sya rito at iwas traffic na rin.

Ang meeting time nila ay 8:30 kaya saktong may konting oras pa itong makapagpahinga

Ilang oras nlang ay andun na sya at saktong 6:00 ay dumating na sya
Mukhang napapadali ang byahe nya dahil hindi ito traffic tulad nlang ng inaakala nya
Sa mga oras na yon ay ramdam na ramdam nya ang lamig at kahit may dalawang jacket na syang naisuot at isang naglagay rin sya ng gloves sa kamay nya.

May nakita syang cafe at agad sya pumasok ron, at nag order.
Ni namnam nya ang init upang patayin nito ang lamig na naramdaman nang katawan nya

Isang oras rin ang nagdaan at tumunog ang cellphone nya

"Hello, Good morning po..
Opo andito na po ako sa Baguio. Opo, opo hintayin ko po kayo dito sa Under The Tree Cafe po! Sge po sge, thank you po!" Sabay putol nito ng linya

Agad nyang inayos ang sarili, at hinintay ng ilang minuto ang taong kanyang makakausap

At di kalaunan ay dumating na nga ito
Agad syang tumayo at nginitian ito
Lalaking may edad na at maputi na ang buhok nito

"Magandang umaga sayo ija!" Bati nito sa kanya

"Magandang umaga rin ho!" sinuklian ron nya ito ng ngiti

"Alam mo ija, marami na ang gustong bumili ng lupa ko kaso nung tumawag sila sa akin e nung kinita nila ako ay hindi ko sila nagustuhan at ganon na nga umayaw ako hindi nman sa baka hindi nila ako bayaran e ang gusto ko lang ay bigyan nila ng halaga ang lupang yon gaya ng halagang ibinuhos ko ron." Saysay ng matanda

"Ahh, ehh ngayong ako ho ang gustong bumili e baka aayawan nyo rin ho ako pero wag ho kayo mag-alala okay lang nman ho e!" Sabi nya rito

Kunwari okay lang pero ang totoo ay nasayang ang oras nya, pero hindi pa sila tapos
Hintayin na natin ang huling desisyon ng matanda

"Ay, hindi. Hindi nman sa ganon alam mo ija hindi madali ang binyahe mo galing Maynila ka pa at pumunta rito para lang makausap ako. Hindi masasayang ang oras mo, ah teka ako si Hernando Loalde tawagin mo nlang akong Tatang Nando.
At alam mo nung narinig kita sa telepono ay nasabi kong baka ikaw na ang huling taong makakausap ko. Naramdaman ko ija na mabuti ka at isinapuso mo ang gusto mo. Alam mo ija hanga ako sayo katulad mo ang apo ko na si Jessey" mahabang pagkasabi nito

Nakangiti si Savannah sa mga oras na yon, hindi nya inakalang ang lalaking tingin nyang matanda na ay may kaya pang maki salamuha sa tao

Marami silang napag usapan
Nalaman nyang ang lupaing yon pala ay sa kanilang dalawa ng asawa nya ngunit ng mamatay ito ay nawalan sya ng pag-asa
May anak syang babae ngunit ng lumaki ito ay nakatagpo ng mapapangasawa at nag buklod na ito
May isa syang apo ngunit sa pagkaka alam nya ay nasa Canada ito at dun na naninirahan
Naisipan ng matanda na ibenta nlang ito
May isang bahay rin nman daw ito, hindi gaanong kalaki at di ganun kaliit. Kasama nya dun ang kapatid nyang lalaki at ang pamilya nito
Ibig sabihin ay apo nya na rin ang kasama nya at nag-aalaga sa kanya

Umuwi si Savannah na may ngiti ang mga labi.
Tama ang matanda, hindi nya nga ito pinauwing sawi

Nang umuwi sya ay nagpahinga sya, ni nino man ay hindi nya sinabi ang tungkol dun

At agad nya na sinimulan ang mga plano nya rito

Love That LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon