His

8 0 0
                                    

His

I was wearing my three piece Armani suit, sitting like a lost dog.. waiting for someone.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko sa pagsimsim ng Caffe Machiatto na nasa harapan ko ngayon pero sa palagay ko mas lalo lang akong kinabahan.

Nervous.. excited.. whatever you call it. I'm currently having the worst roller coaster ride of emotions now.

I actually cancelled all my meetings this afternoon to meet her.

May mga tinatapos pa kong trabaho kagabi nang tumunog ang cellphone ko. Noong una nagulat din ako nang nakita ang pangngalan niya sa screen pero agad din naman akong nakabawi para sagutin ang tawag.

"Hello?" I wasn't really sure what to say.

"Daniel, glad you picked up. I just got back from vacation and I wanted to meet you. I already have the papers and I just need you to sign it." She said with full of enthusiasm. Hindi naman siya atat, ano?

"Oh really? That's good to hear then." I answered back with a hint of sarcasm. Ayoko rin naman talaga ipahalata yun sa kanya pero nakakabwiset.

"I know you're busy so I'll just drop by at your office." I can feel she's beaming while uttering every word.

"Nah, I don't think that will work. Let's meet at the coffee shop right in front your boutique instead."

"Sure. No problem. Thanks. See you tomorrow then."

"Yes. Tomorrow."

At ito ang dahilan kung bakit ako ngayon nandito... naghihintay sa kanya. Kailan ba hindi? I may be the biggest jerk in the world right now pero mahal na mahal ko siya.

Mas pinili kong sadyain ito kesa siya pa ang mahirapan bumiyahe papunta sa office. Isa pa, ayokong pagpantasyahan siya ng mga empleyado ko.

Hindi ko alam kung saan at ano ang pagkukulang ko dahil pakiramdam ko binigay ko naman ang lahat sa kanya pero hindi pa rin sapat.... at hindi na ata sasapat pa.

She texted me last night right after the phone call to let me know she's available at 10'o clock in the morning pero ako itong si gago hindi makapaghintay kaya alas nuwebe pa lang andito na ako. Masisisi niyo ba ko? Sobrang miss ko na siya. Six weeks. Six weeks siyang wala para sa bakasyon niya sa Paris pero bakit pakiramdam ko anim na taon ang katumbas noon?

I was still in my thoughts when I saw her entering the area. Nakalugay lang ang mahaba at itim niyang buhok and she's wearing a simple yet alluring white shoulder off dress. Mas lalo lang siyang gumanda. Ganoon ba talaga siya kalungkot noong nasa piling ko pa siya?

"Hi." Bati niya habang dahan dahan umupo sa harapan ko.

"Anything you like? Kumain ka na ba? Coffee?" Alok ko sa kanya. Iba ang aura niya ngayon sa malapitan. Maganda talaga ang asawa ko walang duda pero halata rin nangayayat siya. May sakit ba siya? Parang namumutla din siya ng bahagya.

Ano bang nangyari sa kanya sa loob ng anim linggo? Kumakain ba siya sa oras? At akala ko ba galing siya sa bakasyon at pahinga pero bakit ganito. Nag-aalala ako ng husto sa kanya.

Ang totoo, gusto ko siya makausap ng masinsinan. Gusto ko rin siya hawakan. Mayakap. Halikan.

Gustong gusto ko pang pahabain ang saglit na puwede ko siyang makasama ngayon.

"No. Let's make this quick." Pagtanggi niya sabay lapag ng brown envelope na hawak hawak niya. "So, ito na pala yung papers. May pirma ko na ito. Yung sa'yo na lang ang kulang. Pag natapos 'to puwede na natin ipasa agad."

"Seriously?!" Tinignan ko siya maigi. Hindi ko mapigilan hindi mairita. "Ganoon ka na ba ka-atat na hiwalayan ako?" Medyo napataas na ang boses ko. Halata naman ang gulat sa maliit niyang mukha.

Ito ko ngayon parang tanga iniisip kung gaano ko na siya ka-miss samantala siya eto nagmamadali at halos parang ayaw na niya makita ang pagmumukha ko o ni anino man lang.

"Well, kaya tayo nandito para sa divorce papers na 'to. It's been long overdue. We were supposed to do this three weeks ago. Don't you remember?"

"I never asked for divorce." mahinang sambit ko nang hindi pa rin inaalis ang titig sa kanya.

"I know. I am and that is why I'm here. Utang na loob, Daniel. Huwag na natin patagalin pa. Huwag na natin sakalin ang isa't isa. Let's accept it. Hindi tayo para sa isa't isa. We will never work."

Wala akong masagot na kahit ano. I'm fucking speechless. Hindi 'to puwede. Hindi kami puwedeng maghiwalay.

"You know what.. I'll just leave these papers here and I hope you sign it and accept that we're not meant to be. The love we had can never make up for the big difference we have. So please, don't make it hard for the both of us. Just sign it." Huminga siya ng malalim. "I'm leaving." Tumayo siya at mabilis na lumakad palayo.

Love we had? Napailing na lang ako.

Wala na rin akong nagawa at ang hayaan siya. Like shit. She is really serious about this. Simpleng pagtatalo lang naman ang puno't dulo ng lahat ng ito pero kailangan humantong pa kami sa ganito. Huminga ako ng malalim. Susundan ko siya at kailangan namin mag-usap ng maayos.

Patayo na sana ako nang lapitan ako ng isa sa mga waitress dito. Hingal na hingal.

"Excuse me, Sir. Pero ikaw yung kasama nung babae na nakaupo dito kanina. Diba?"

"Oo, ako nga bakit? May problema ba?" Medyo nakaramdam ako ng kaba.

"Hindi namin alam kung ano ang nangyari pero nawalan siya ng malay."

What the actual fuck?!

-----Hospital-----

I was pacing back and forth. Sobrang nagaalala ako sa asawa ko ngayon. She's in the emergency room and the nurses are currently attending to her.

Ano ba ang pinag gagagawa niya?

Natatakot ako. Hindi ko alam pero paano kung may sakit pala siya na hindi ko alam?

Damn, pinabayaan ko siyang mag-isa sa Paris for fucking six weeks. I can't believe myself. I can't believe how fucking irresponsible I am.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at umupo sa isa sa silya dito sa pasilyo ng ospital.

I hope she's okay.

She should be okay. She's okay. Sinasaksak kong pilit sa ulo ko.

Nakayuko lang ako nang may doktor na lumabas galing sa kinaroroonan ng asawa ko. "Mr. Rilva?" Tumayo ako agad at lumapit sa kanya. "Yes, Doc. Kumusta na po ang asawa ko?"

"Ayos lang siya. Na-over fatigue lang and I think she lacks sleep." Tinapik niya ang balikat ko. "I'm really not sure if I should tell you this or you might already know." Medyo naguguluhan ako sa sinsabi niya.

"You should really take care of her right now especially now that she's on her first trimester."

First trimester? What does that mean?

"Pasensya na, Doc. Pero ano po bang ibig niyong sabihin?"

Ngumiti siya. "Hindi mo alam? Baka naman balak itong isorpresa ng asawa mo. I really don't mean to ruin it pero kailangan mo malaman na sensitive ang kalagayan niya ngayon. Your wife is pregnant, Mr. Rilva. Congratulations!!!"

"Ano nga po uli ang sinabi niyo Doc? Pregnant?" Tumango siya. "Buntis ang asawa ko?"

Shit.

"YES YES YES!!!" Naisigaw ko habang yakap yakap si Doc. Hindi ako makapaniwala. I'll be a father soon...




...and it just gave me another reason not to let her go.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon