Her

4 0 0
                                    

Her

I just got back two days ago from Paris.

I should feel relaxed and all but all I could feel right now is longing.

I'm deeply hurt and I'm missing someone so badly. It feels like hell.

How dare he? Hindi man lang niya ako tinawagan o hinabol. Hindi niya sinubukan kausapin ako o kitain. What kind of man is he? Ganito na lang ba talaga?

"You're late." Bungad ko sa kanya. Halata naman ang pagod sa kanyang mukha. "Please, not now." Kararating lang niya galing trabaho. O trabaho nga ba talaga? I need to find out.

"Daniel, bakit ganto? Bakit kailangan lagi kitang hintayin? Halos hindi na tayo nagkakausap." Napakamot siya ng ulo. "I'm tired, Arielle. Spare me tonight." And that's it. I've had enough.

"Bullshit! Ako ba hindi pagod? Nagtatrabaho din naman ako pero I make sure na hindi ako nawawalan ng oras sa'yo pero ikaw ano? Naiisip mo pa ba ako?" Halos maiyak na ako pero parang wala lang sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Daniel, tell me the truth. May iba ba?" He grumbled. "Tang ina naman. Arielle. Gabi gabi na lang tayong ganto. Gabi gabi ko din sinasabi sa'yo na maraming ginagawa sa opisina. Gusto ko ng magpahinga. Hindi ba yun pwede?" Pasigaw niyang sabi at pulang pula na rin ang mukha niya. "Sa tingin mo may oras pa kong mambabae? Nakakasawa na."

Napanganga lang ako sa mga sinabi niya. Para akong unti unting dinurog. I tried so hard not to let the tears fall out.

"Fine, Daniel. Pagod ka. Well, pagod na rin ako. Gusto ko na rin magpahinga sa lahat ng stress na ito. I guess hindi ko kaya ipaglaban ang bagay na hindi na talaga puwede." I sighed. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatingala siya at hawak hawak ang kanyang batok. This has been going on for two weeks? Four weeks? I don't know anymore.

"Sawa na rin ako. Ayoko na." Naglakad ako paakyat. Lalagpasan ko na sana siya pero agad niya akong hinatak pabalik sa kanya.

"What the hell do you mean?" Mas lalo siyang galit ngayon at ramdam na ramdam ko yun sa tingin iginagawad niya sa akin. Halos mabutas na ang kaluluwa ko. "You know what I mean, Daniel." Agad ko rin naman binawi ang braso ko.

"Let's get a divorce."

Natawa pa siya ng bahagya but I know he's being sarcastic. "Divorce. Really?" Iiling iling pa siya.

"Good night, soon to be my ex husband." At saka ako tumakbo palayo sa kanya. Pumasok ako sa kwarto at saka agad na ni-lock iyon. And there, I let all the tears that is begging to come out of my eyes the moment he said those hurtful words.

I was just looking outside the window. Nilingon ko ang office table na nasa likuran ko at nakita ko doon ang brown envelope na naglalaman ng divorce papers namin. I sighed. So deep. I already text him last night about the time. He insisted on coming instead of me going to his office. Oh well, siguro may tinatago talaga siya. I don't care anymore. Ayoko ng mag-isip at masama iyon sa akin.

"Hyme." I called my assistant. "Yes, Ms. Arielle?"

"I'm going out. Please hold all my calls and let them leave a message." I said with authority. Tumango naman siya agad. "Noted. Take care, Miss."

Hindi rin naman gaanong busy ngayon sa boutique. Isa pa, ayaw ko na rin patagalin pa ito. I want out and I mean it.

It's 9:52 am and I'm already walking towards the coffee shop. The nearer I get, the more fidgety I become.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon