[Lucy's Note:
Gawa yan ni Anya ah!
Listen to the song at the side ---->]
Fans 101
Steph’s POV
Sabi nga ng Idol kong si ate Anya “mangilan lang sa mundo ang MALDITA, pero ang MABAIT? madame, kaya naman I'm UNIQUE being mean”. Tama naman siya diba? Unique ako dahilI’m mean ako like her. Pero duh!! May tatalo pa ba sa pagka mean nilang tatlo? Mukang wala na ata.
I really do love the way they bitch around.
“yow Steph, why are you alone? Where’s Tania?” tanong sakin ni Hannah ng makaUpo siya sa tabi ko
“bibili lang daw ng food e, alam mo naman yun”
“ano nga palang meron? Bakit ang lalim ata ng iniisip mo?”
“wala lang, napapaisip lang ako”
“about?”
“ate Anya”
“at talagang prinoblema mo siya ha? Anong meron?”
“you know, about her and kuya Ethan, pano kaya sila magiging okay nu?”
“naku! Sorry ka MiNya ko”
“MiNya din ako nu, pero kasi diba? sayang yung effort niya. Biruin mo inapi niya si ate Fretzie para lang makuha atensyon ni kuya Ethan. Lahat ginagawa niya para kay kuya Ethan, kaso ano? Si ate Fretzie lang ng si ate Fretzie ang nakikita ni kuya Ethan”
“wala naman tayong magagawa doon e”
“alam ko, I just want them to be okay. Kasi para sakin, kahit ano pang sabihin nilang masasama laban kay ate Anya, love ko parin siya at naniniwala akong she’s only doing those crazy thing because of love”
“I know, yun din naman ang naiisip ko e, sobrang mahal lang talaga ni ate Anya si Kuya Ethan. Kung tutuusin ang swerte ni kuya Ethan kay Ate Anya nu?”
“bakit naman?”
“dahil lahat gagawin ni ate Anya para sakanya, kahit pa ang magmukang masama sa paningin ng lahat ng tao sa paligid niya okay lang. ang mahalaga sakanya ay si kuya Ethan”
“tama ka dyan sis”
“HANNAH!! STEPH!!!” isang napaka lakas na sigaw ni Tania sa pangalan naming ni Hannah.
“Tania, lower your voice will you?” naiiritang sabi ni Hannah kay Tania. Ysk! Hyper kasi lagi, ingay ingay pa
“sorry my bad” agad naman siyang tumabi sa gitna naming ni Hannah at inabutan kami ng pagkain.
Hannah and Tania are my two good friends, kahit pa sabihin ng madame na maldita ko etong dalawang to hindi ako iniwan nito bagkos ay nagpaka maldita din para makasabay sakin. Imbes na iwan nila ko dahil sa lagi akong napapasabak sa gulo dahil nga sa katarayan ko, etong dalawang maliligalig na babaeng to ang dumamay sakin. Sabi nga minsan samin para daw kami yung Evil Three ng Hartford sa kamalditahan e. Ang sagot na nga lang namin sakanila kapag sinasabi nila samin yun “oo kagaya nila kami, kagaya nila kaming magaganda” tas tatalikuran na naming yung kung sino mang nagkukumpara samin sa Evil Three.
“uy alam niyo” biglang sabi ni Tania kaya napatingin kami ni Hannah sakanya
“bumalik na si Carla”
“so?” walang ganang tanong ni Hannah kay Tania
“wala lang, may aawayin na naman tayo”
Tsk! Ewan ko ba ditto sa ania na to, kung tutuusin wala sa itsura niya ang pagiginga mataray, talagang napaka bubbly ng features ng babaeng to, pero ewan ko ba pagdating sa usapan na tungkol sa idol niyang si ate Trixie e nagiging halimaw na siya.
Speaking of Carla, siya lang naman ang president ng SExi CLUB dito sa campus, kaya galit na galit si Tania sakanya. Syampre Scott Trixie siya e, kaya normal lang na ayaw niya sa mga maka SExi
Bali iba-iba kasi kami ng bias na tatlo sa Evil Three ako maka Ate Anya talaga ko, tas si Hannah naman ate Lucy tas si Tania ay diehard fan ni Ate Trixie.
“hindi naman halatang galit na galit ka sakanya ha?” sabi ko ng matapos ko ang kinakain ko
“hindi naman ako galit na galit sakanya e. Kinamumuhian ko lang naman siya. Humanda talaga siya sakin. Sisiguraduhin kong ngayon mabubuwag na ang SExi club!” sabay tayo niya tas parang timang na nagsuntok suntok pa sa ere.
“Tania, ilang beses mo na bang tinray buwagin ang SExi Club dito sa campus ha?” tanong ni Hannah sakanya sabay higit sakanya para mapaupo. Pinagtitinginan na kasi kami, muka kasi siyang kakampanya. Tas ang lakas pa ng boses niya.
“I’ll do everything to ruin that club! Tutulungan niyo naman ako diba?” sabay puppy eyes with pouty lips pa ang loka.
“ano pa nga ba?” sabay na sagot namin ni Hannah sakanya
“YES!!” sabay tayo niya ulit at nagsasasayaw na parang nanalo sa lotto
Ang kulet lang talaga nitong babaeng to e. Ruin the SExi Club? Hmmm . . . magandang ideya yan ha. Mababawasan na ang boredom ko.
Haters 101
Carla’s POV
And I’m back!!! Grabeeeee!! Namiss ko tong school!! Si mommy naman kasi e, ang kulet kulet isama daw ba ko sa business trip niya? Nawala tuloy ako ng halos isang buwan.
“CARLAAAAAA!!!” masayang sigaw nina Giezel at Jessica sa pangalan ko ng makarating ako sa tambayan naming. Waaahh!! I miss these girls
“Jess!! Giez!!!” sabay akap naming tatlo sa isa’t isa
“I miss you girls”
“kami din” sabay na sabi nilang dalawa
“kaya pala maingay andito ang president, vice at secretary ng SExi club” mataray na sabi ni Camil saming tatlo
“I miss you too Cam”
“tss”
“how’s life being President of FreThan club?” tanong ko sakanya ng makalapit ako sakanya
“eto okay lang naman” sabat beso niya sakin
“any news?”
“ayun, bumuo lang naman ng club ang mga bruha” mga bruha pertaining to those girls who do idolize the Evil Three
“club? What kind of club naman?”
“EBT its Evil Three’s fans club”
“buti may member?”
“yun na nga e, ang dame nila bhe”
“geez!! They really hitting on my nerves”
“so what’s the plan?”
“call Jasstin and Rica , we will combine the four clubs together” four clubs meaning SExi, FrEthan, MonYn, at AshIan club. Ako ang President ng SExi club, si Camil sa FrEthan, MonYn naman ay si Jasstin at AshIan si Rica.
“what do you mean?” medyo nalilitong tanong ni Jessica
“we’re gonna fuse the four club to make an anti EBT club or whatever the name of their stupid club is”
“then?” sabay sabay na tanong nilang tatlo sakin
“I still don’t know, I’m still thinking of something, basta bubuo tayo ng bagong club”
“pano na yung apat na club kung bubuo tayo ng bago?” tanong ni Camil
“walang magbabago, the four club will be there gagawa lang tayo ng bago, kung dati union lang ng officers ng apat na club ang ginawa natin, ngayon pati members ay isasama natin” paliwanag ko sakanila. Tumango naman sila bilang sagot.
Geez!! Those EBT or whatever their name is, I hate them!! Mali sila ng kinakampihan, yung mga baliw na Evil Three na yun pa ang kinampihan nila samantalang wala namang magandang ginawa yung mga yun. Inaaway lang nila ang Queens ng Walden. Hindi sila dapat maging Queens, masasama ang ugali
. . . . . . . . . .
----QueenAnyaMaldita's note:
Sorry magulo to at medyo lame, wala talaga kong maisip dito. sorry talaga