Ilang taon na ang lumipas... Isa..dalawa... Apat? Hindi ko na mabilang.
Ilang pangyayari naba ang naganap? Ilang beses naba nag ka tagpo tagpo mga landas naten?
Ilan na ba ang may mga sariling pamilya na?
Ilan na ba ang nakamit mga pangarap nila?
Ilan na bang masasayang pangyayari ang dumaan? Ilang malulungkot na araw?
Ngaun ito ang kasalukuyan.
Maraming nag bago ,mapa pisikal man, or estado.Si Glayza dati na may sariling mundo, sila parin ng lalaking nagpatibok ngpuso nya nung portyer kami at maniwala kayo sa hindi titser na sya ngaun.
Si lovely na pinakamaganda sa aming klase, nagkatuluyan sila ni bebong at biniyayaan ng dalawang kyut na chikiting.
Si Joan na makulit at astig may dalawa na din na chikiting at wag ka call center ang luka kaya pag katapos ng duty nya ayun anemic ang gaga hihi.
Si kitth na kalog.. Kalog padin sya at mag tatapos na ngaung taon bilang isang titser.
Si Mae nasa ibang bansa nag wowork ..at lalong gumanda at sumexy.
Si Emjhay nag tra-trabaho ngaun sa isang company sa Q.C. at isa sa mga kumare ko na ngaun.
Ang kambal na Ana at Ivy parehas na din may mga anak.
Si A.E. na loko loko hindi ko lubos maisip na magiging seaman. Hihi seaman na sya ngaun at kasalukuyang NASA barko.
Si Cangayo na kasundo ko na ngaun. At napaka loyal sa jowa.
Si Nicxon na emo, aba may pamilya na ngaun at masaya.
Si Faina na na misunderstood namin dati.. Nasa abroad na kasama ang kanyang man of his dreams..at sobrang masaya ako,kami para sa kanya.
Si jefflyn na sexy ayun sexy padin.
Si Dennis na maganda na lalo..haba na hair ni bakla..
Si dhags na English spokenin dollar na.
Si botchok na graduate ng lespu.
Ako may trabaho na din.. Kasal na din ako sa pinakamamahal Kong asawa( kung nagtataka ka bakit wala sya sa kwento ko, kasi nagkakilala kami mag ko-kolehiyo na kasi ako nun) may isa na kaming anak na napakaganda.
Nakakatuwang isipin ang dami na nangyari sa mga buhay namin..madami na nagbago.
Madami-dami narin ang nasa ibang bansa Kong mga kaibigan. Marami na din ang may mga pamilya, meron ding nawala na ng tuluyan.
Habang sinusulat ko ito 2 na sa mga ka batch ko ang nasa piling na ng ating Panginoon, isa na dito ang ka love team ng bespren ko.. Si Bruno. Hindi ko din alam bakit binigla kami ng ganun, kahit papanu naging kaibigan ko din yun at parte ng grupong "wasalak", si Bruno founder nun eh. Kung nasaan ka man alam Kong masaya kana..
Sa mga guro namin "Maraming Salamat" po ulit. Walang humpay at walang hanggang pasasalamat ko sa mga naging kaibigan ko, sa mga guro ko dahil naging pundasyon sila ng pagkatao ko ngaun.
Sa mga magbabasa man nito, ang nais ko lang sabihin.. Ang hayskul hindi lang yan puro lablayp, bubuo ka din ng mga kaibigan at mag kakaroon kayo ng maraming magagandang ala- ala. Mga ala-ala na dadalhin nyo hanggang sa pag tanda nyo. Napakaikli ng buhay, kaya enjoyin mo naman ng may kabuluhan.
Ang oras hindi na natin maibabalik pa kaya habang lumilipas ito, gamitin natin ito para makabuo ng masasayang ala-ala kasama ang mga taong mahahalaga sayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/40378707-288-k949218.jpg)
BINABASA MO ANG
Hayskul layp (Highschool life)
De TodoIto ay istorya ng aking buhay hayskul pawang trip trip lang to, pero may puso. Alay ko ito sa mga kaibigan ko, sa mga nagpaluha at nanakit sa akin, sa makulay kung buhay dahil sa mga kaibigan ko, at para sa mga butihin Kong guro.