Nicolo on the side --->
" Congrats Raf! Natupad na din ang pangarap mo! " saad ko
" Nako! Salamat talaga sa'yo tol! Kundi dahil sa'yo wala 'to! "
Nginitian ko na lang siya at saka tumingin sa direksyon kung saan siya nandun.
She flashed a sweet smile and mouthed ' Thank you '
Haaay.. lahat talaga..
Para sa BESTFRIEND ko..
~~~
June 21 20**
Nakatambay kami ni Rafael, bestfriend ko, sa cafeteria. Anong ginagawa namin? Malamang lumalamon. XD Nang bigla siyang sumulpot.
" Hi! " bati niya sa amin.
Napansin kong masama ang tingin niya sa fries ko... Kaya ibinigay ko na sa kanya.
Ngumiti naman siya sakin ng ubod ng tamis at saka nagpaalam na agad..
Langyang babae. -.- Nandekwat lang ng fries. Large pa man din yun! Tsk.
Binalik ko ang tingin kay Rafael.
As usual, nakatakip na naman ng juice ang pagmumukha niya.. Di lang yun. Pinagpapawisan pa. Akala mo nakakita ng madreng walang ulo. Yucks talaga.
" Lam mo sarap mong batukan jan! Muntanga ka tol! " pang-aasar ko sa kanya.
Inilapag niya yung juice at nagkamot ng ulo.
" Kasi naman! Haaaay! Sige na! Batukan mo na ako! Kabatok-batok naman talaga e. " sabi niya sabay lagok ng juice.
Nakakatawa talaga. Alalang-alala ko pa nung una niyang makita si Ryanne, 2 years ago. Magkaiba kasi kami ng section. 1 si Ryanne, 2 kami. Akala mo nanalo sa lotto yung itsura! XD Kulang na lang butasin niya yung pader gamit ang ulo niya nang nalamang bestfriend ko si Ryanne. Tsk tsk. Mga kabataan talaga. XD
Wala e.
Natatanga ang tao kapag nagmamahal.
~~~
July 27, 20**
Naglalakad kami ni Ryanne pauwi. Wala si Rafael. May review. Top 1 e. Hiya naman ako. XD Pero umiiwas lang talaga siya. Alam ko. Bakit? Lalaki to e. XD
Ang galing umakting nun! Kala mo kung sinong masungit kay Ryanne e kulang na nga lang pautangin niya yung mga kaklase namin. Mayaman kasi siya. Sponsor yan ng mga walang baon, gipit-pera gang, at yung mga walang load. Matalino din siya. Kaso tanga lang talaga. Bakit ko nasabi? Ewan. Basta. Natatanga na lang bigla. Hindi siya masungit, suplado o kung ano mang mala-mwahahang ugali. Mabait yan... sobra. Kaya lang yan nagsusungit kay Ryanne e para daw HINDI HALATA. XD
BINABASA MO ANG
OY ! (OneShot)
Teen FictionNo plagiarism. Makakapanot ako. Seryoso. Cover by: @aicaxstyles ©All Rights Reserved 2013 DarylLouiseDalisay
