I was still dreaming of an alien invasion in Paris when I suddenly felt a thing poking me, causing my senses to wake up. As all humans do, I yawned then opened my left eye to check whatever the poking thing was. I saw Mr. Mumbles beside me. Of course. It's my little cute kitty. Ang gay lang a. Nanonose bleed na ko sa sarili ko. Makapagtagalog na.
Sa tagiliran, nakaamoy ako ng kape. Naramdaman kong kumatok ang mga alaga ko sa tyan ko kaya nagdesisyon akong bumangon na. Tumalon naman si Mr. Mumbles mula sa kama at nagsimulang maglakad. Sinundan ko sya pababa ng hagdan. Medyo blurry pa din ang paningin ko pero nakikita ko pa naman ang grey fur nya na nauuna saking bumaba. Sumunod ako sa kanya hanggang kitchen. He was standing next to a chair, so I sat on it. I saw bacon and eggs na bagong luto. Nakakapaglaway naman yung amoy neto. Pero hindi ito yung hinahanap ko e.. yung kape. Yung kape talaga yun e.
A hand laid on my shoulder and she gave me a kiss on the cheek. "Hey. Hanap mo to?" She said while holding 2 cups of coffee. I smiled at her then she sat down next to me, putting the two cups on the table. "Hanap ko nga yan pero mas hinanap kita." This sentence produced by my vocal chords made her smile.
Naaalala ko pa lahat. Kasing linaw ng Pasig River.. noong unang panahon.
****
"So it's not gonna be easy. It's going to be really hard; we're gonna have to work at this everyday, but I want to do that because I want you. I want all of you, forever, everyday. You and me... everyday.” Panay singhot na ko dito habang binabasa ko to. Mukha akong tanga dito. Im in the library and konting konti na lang, bibigay na ang luha ko sa libro ni Nicholas Sparks. Buti wala masyadong tao.
Uulan na sana ang mga mata ko nang may sumingit. A guy sat in front me. Oh geez. Its him.
" Oy." Ang galang nya. Sobra. Bakit ba lagi na lang syang nag aappear every single time I'm reading the good part of the book? Seriously? What's wrong with this person? Tiningnan ko sya ng masama. Hindi ko na pinansin ang mamasa masa kong mga mata.
" Oh? Teka. Wag ka naman ganyan. Takot ako o." And he smiled. I just don't get him. He keeps coming here, sitting in front of me and teasing me all day because I read all these romantic but sad novels. He's been doing this for a couple of months. I do know him. Yet not that much. I just know he's the smartest one in the second section and that my friends know him. I also know that he's pretty nice. And uhh. his name. Basically, thats all I know.
"Bakit na naman ba? Are you here to make fun of me again?" At nagpoker face ako. Ewan ko ba. Ayoko lang magsayang ng emotions para sa lalaking to. It's not like he cares. Matapos ang malalim na paghinga nya, muli syang nagsalita.
"Nope. Not today. Say.. matalino ka dba?" I just nodded as an answer. Why is he asking me this all of a sudden? Im guessing na alam nya na kung sino ako kaya niya ako binabother dito. Tsss. Ewan ko ba kung feeling close lang to e. He smiled at me then he wrote something on a small sheet of paper.
"Since ikaw ang basically top one ng buong year level natin, can you solve this for me?" He said then gave me the paper. Inaasahan kong hindi ganun kahirap ang nakasulat dito sa papel na to. Pero nung nakita ko..
"What in the world is this?" Pinakita ko sa kanya kung ano ang isinulat nya. Tumawa lang ng tumawa si KingKong. Pinilit ko syang palitan yung question na pinapasagutan nya kasi unanswerable yun. Pero pinilit pa din nya. Sinabihan ko na sya ng lasing pero pinilit pa din. Tinanong ko kung anong mapapala ko sa pagsagot neto, he just gave me a dumb answer.
BINABASA MO ANG
OY ! (OneShot)
Ficção AdolescenteNo plagiarism. Makakapanot ako. Seryoso. Cover by: @aicaxstyles ©All Rights Reserved 2013 DarylLouiseDalisay
