Chapter 1 - The Extinction of Virus

7 0 0
                                    

Sarah's POV

Hello! My name is Sarah Delphine.4th year high school. Kasalukuyang nagdi discuss si Ma'am ng lesson pero tamad ako kaya di ako nakikinig. Dahil may pagkasaltik ako pumunit ako ng isang pirasong papel at nilukot.

Binato ko yun kung saan nakaupo ang bff ko. Kaso nakita ako ni Ma'am. Patay.Tsk!

"What are you doing Ms.Delphine?!"

"Ah..eh..Ma'am ano.." Yan kasi ang kulit mo! Terror pa man din ang isang to.

"Alright, itapon mo na yan" kalmado pero galit na sabi ni Maam.

Ayoko kasi ng klase nya,history. Kaya ang boring. Kaya kapag sya na ang teacher naglilikot na ko . Wala lang trip ko lang asarin si Ma'am. Hahaha!

"Oy pulutin mo nga" sabi ko sa lalaking tahimik na katabi ko.

Di ko alam kung psycho to o baliw lang di kasi pasalita. Minsan nga na sign language ko pa sya akala ko kasi pipi haha.

Pinulot naman nya at inabot sakin. Tumayo na ko para itapon ito sa likod ng  room.

Pabalik na sana ako sa upuan ko ng may narinig akong malalakas na kalabog at nakakarinding sigaw sa kabilang room.

Ano ba yun? Eh malapit ako as likod ng pinto dito sa likod ng gilid ng room.

Tiningnan ko muna si Ma'am ,nag-nod lang sya na parang sinasabing tinnan-mo-kung-anong-nangyayari look.Nakatuon din ang pansin ng mga classmate ko sa akin.

Tsk. I hate attentions.

Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa nakaawang na pinto at dahan dahan na naglakad papalapit doon.

Nang nakarating na ko ay sumilip ako sa gilid ng pinto(yung nakasiwang sa gilid ng pinto ngay?gets?)nawala ang panga ko at nanlaki ang mga mata ko.

Totoo ba ito o isang panaginip? Kasi kung panaginip kailangan ko ng magising.

Napalunok ako ng malalim. Okay,eto nakita ko, nakita ko lang naman ung studyante na kinakain nila ang kapwa kaklase nila.

Ang itsura ng mga kumakain ay mga mukang patay na muling nabuhay, puti ang mga mata na walang emosyon,bulok na mga ngipin at naagnas na balat.Yung iba nga kita buto at laman eh. Eww!

Lets call it a ZOMBIE or walker.

Yes tama kayo ng basa zombie ang nakita ko. Akala ko sa palabas at laro ko lang makikita ang mga nilalang na to.Pero di ko inaasahan na mangyayari pala to.

Nagsimula ng lumaro sa isipan ko ang iilang tanong na gusto ng kasagutan.

Sino nagsimula nito?
Paano kumalat ang gantong klase ng sakit?
Bakit sa dinami dami pa ng pag-e eksperimentuhan ay zombie pa?

Anak ng teteng sabi ko na nga ba mangyayari to eh haha.Secret lang to ha? Dahil sa pagka adik ko sa zombie movies isang araw hiniling ko na sana magkatotoo na sila at ini-imagine ko pa na ako mismo ang bida.

Pero imbis na tuwa ang maramdaman ko kasi naging totoo sila iba,nakaramdam ako ng panginginiig ng tuhod at matinding kaba habang pinapanood ang mga studyante na humihingi ng tulong.

Dahil sa takot ko mabilis kong kinuha ang doorknob ng pinto at hinila ng dahan dahan para isara ang pinto.

Pagtingin ko sa harap,bakas sa muka ng mga kaklase ko ang pagtataka pati na rin si Ma'am marahil sa ipinakita kong kilos.

"Isara ang pintuan at bintana" sabi ko pero mahina lang baka kadi marinig kami ng mga walkers.

Tila naintindihan naman nila ang gusto king iparating kaya sinunod nila ang sinabi ko.Nagsimula ng magpanik ang mga kaklase kong babae.

"Hey shut up and calm down!" Pabulong pero pasigaw na sabi ko sa lahat.

Tumingin sila sa akin at iniintay ang susunod kong sasabihin.

"May mga zombie sa kabilang room at kailangan nyong manahimik lahat lahat kayo gumilid dito sa bintana para hindi tayo makita at please lang walang gagawa ng kaluskos at wag muna kayong magpanik. Okay?" bulong kong sabi pero sapat na yun para marinig nila.

Tumango naman sila at sinunid ulit ang sinabi ko.Nakasara na rin ang isa pang pinto at lahat ng bintana at nakasara na rin para maganda binaba din ang mga kurtina para di nila kami makita.

Nagsiksikan kami sa isang tabi since medyo malaki naman ang room namin kasi private ang school kaya nagkasya kaming lahat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bitin ba? Hanggang dito muna ha kasi mahaba baba na rin yung nasulat ko may part 2 pa naman to eh. Haha sorry sa nabitin kayo ah.

Next: Chapter 2

~befanofcakm

Escape ( Zombie Apocalyse )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon