"Sana nagrereply di ba?" bulalas ni Yas habang paulit ulit na nilalock at unlock celphone nyang naluluma na sa silicon casing nito. Halos tatlong oras na syang naghihinatay sa kaibigan nyang magbabalik ng hiniram ng costume na ginamit sa Christmas party sa opisina. Masakit na rin ang paa nya kakalakad sa loob ng mall na napagusapan ng meet-up.
Te, susunduin ko pa anak ko :(
Limang beses nyang sinend ang iisang message na yun.
Magpapasko na noon at huling araw ng pasukan sa eskwela ni Charlie, at nakapangako sya dito na mamasyal sila bago umuwi. Pero mukang hindi nanaman nya ito matutupad. Alam nyang hindi naman syang pwedeng magleave sa trabaho sa mismong araw ng pasko dahil sa double pay, at kailangan rin nya ng pera.
30 mins pls. traffic, sorry
"Hala, manunundo pa ako, ano ba naman to!"
Walang nagawa si Yas kundi ipasuyo sa kanyang nanay ang panunundo sa anak nya. Nasa kindergarten na si Charlie. Matalinong bata ang anak nya, isang bagay na labis na ipanagpapasalamat ni Yas dahil sa kabila ng pagiwan sa kanila ng ama nito, nakikita naman ni Yas na lumalaking maayos si Charlie.
"Yas?"
Hindi agad nakilala ni Yas ang binatang tumawag sa kanya dahil sa lahat ng pagkakataon bakit ngayon pa nya makakaharap ang lalaking isa sa mga nagpatibok ng puso nya noon. Hindi nya maintindihan pero para syang hinika sa sobrang gulat. Bukod pa dun e mukhang ewan pa itong si Yas na nakapambahay lang umalis.
"Archie??... anong—oh my go"
"kamusta ka na?" tumambad sa kanya ang magandang ngiti nito. Ang ngiting hinding hindi nya makakalimutan. Nanumbalik kay Yas ang lahat ng ala-ala nya kay Archie na karamihan ay masasaya. Hindi man sila naging magkasintahan, masaya naman si Yas sa pagkakaibigan nila. At wari'y nagging dalaga muli ang pakiramdam ni Yas, ni hindi nga nya napansing kinakausap pala sya ni Archie
"Uy, kamusta ka na sabi ko"
"ay!... ok naman... ok na ok" lalo atang nanlambot si Yas ng matawa sa kanya si Archie dahil kung ang ngiti palang nito ay 100% na, pano pa kaya yung naniningkit na sya dahil sa pagtawa, at ano nga ba naman ang nagagawa ng pagiging chinito ni Archie sa isang tulad ni Yas na mahilig sa mga artistang Koryano? Ngunit higit pa man sa natatanging kagwapuhan ni Archie, ay napakabuting nyang kaibigan kay Yas. Noong pumutok ang balitang buntis si Yas, isa si Archie sa mga sumuporta emotionally at financially dito. Kaya, obviously ninong sya ni Charlie, naku, dapat lang noh, e father figure ata itong si Archie, maalalahanin, maalaga, masipag at gwapo pa. Minsan naiisip ni Yas, na sana palarin sya isang araw at maging sila nalang ni Archie, pero hanggang pangarap nalang ito, dahil malapit nang ikasal si Archie at ang girlfriend nito. On and off ang dalawa at si Yas ang isa sa mga takbuha ni Archie noon. Tinatanong sya ni Archie kung bakit ganun ang mga babae tuwing may pinagaawayan sila ng girlfriend nya. Syempre ito naming si Yas, todo paliwanag, na at one point pinagsisisihan nya rin dahil kung hindi dahil sa mga 'realtalks' nila edi sana sila na ni Archie, pero wala, Supportive Friend Lifetime Achievement Awardee ata itong si Yas at never nyang inattempt na mapasakanya si Archie.
[a/n: angkate mo! Maligo ka! Hahahaha]
"Kamusta na ang anak ko?" pabirong sabi ni Archie. Na kung tutuusin lagi naman nyang ginagawa mula nung manganak si Yas.
"Ayun, may honors ulit, hehehe" may konting hiya habang nakangiti si Yas, na sa loob loob nya, sana nga si Archie nalang ang ama ni Charlie, dahil bilang isang ina gusto nyang lumaking may ama ang anak nya.
"kanino pa ba magmamana? Hehe"
"hehe talaga lang ha? Hahaha, bakit ka pala nandito? Christmas shopping?"
"Di naman, pahangin lang"
"Pahangin? Matagal ka nang mahangin ah, kulang pa ba? Hahaha!"
"aah! Ikaw, inaalaska mo nanaman ako, namiss tuloy kitang kulitin... teka, kumain ka na ba? Lunch naman tayo, treat ko"
Sa mga oras na yun bumalik na sa katotohanan si Yas, hinihintay pala nya yung costume na inarkila sa kanya at kikitain pa nya ang anak nya.
"ay.. archie, ano kasi. Madami pa akong gagawin ngayon e. actually may hinihintay akong magbabalik ng damit. Hindi na rin ako makaalis sa pwesto ko, dito kasi usapan namin, e lowbat na rin phone ko, baka magkasalisi pa kami pag umalis ako"
"naku sayang naman, pero sa susunod pwede naman siguro. Kunin ko nalang number mo, nawala kasi yung phone ko last week, kaya bumili ako ng magagamit pansamantala... tsaka maalala ko, antagal ko na palang walang contact sayo"
Nagpalitan sila ng number at nagkwentuhan pa konti. Bago sila maglayo ng landas ay binilhan sya ni Archie ng donut, total hindi na rin sila makakapagtanghalian. Ganun naman lagi si Archie, saksakan ng bait. Tinatanaw ni Yas si Archie habang naglalakad ito papalayo sa kanya. Tinitanaw nya yung dating pag-asa nya na magkaroon ng taong matatawag nyang 'ideal guy'. Pero naisip ni Yas na hanggang ideal guy lang talaga si Archie dahil alam nyang nakatakda na ito para sa ibang tao, at hindi na rin nya kayang maghintay dahil may mas dapat na syang pagtuunan nang pagmamahal at atensyon, yun ay walang iba kundi ang anak nyang si Charlie.
[to be continued...]
"
BINABASA MO ANG
Even If
RandomIt's been awhile! I'm back to writing again! This is just random, not following any trends or what. Please enjoy reading. Good vibes only **PS: Iba talaga nagagawa pagisang linggong walang internet :)