Chi, mukang di muna kami tutuloy sa sabado. Nasa ospital kami ni now. Trinatrangkaso si Charlie, yas to
Text ni Yas kay Archie bandang alas otso ng umaga. Tanghali na nagreply si Archie
Sorry to hear bt ur son, ill tell archie. Maggie hir
Bahagyang nagulat si Yas sa nabasang reply mula sa number ni Archie, marahil ito ang girlfriend nya.
Hindi na nya ito nireplayan, ano ba naman ang dapat nyang sabihin sa girlfriend ng lalaking gusto nya noon. Hindi rin naman nya 'bet' makipagkaibigan dito kahit pa halos kilalang kilala na nya ito mula sa mga kwento ni Archie sa kanya. Hindi pa man nya ito namimeet in person at puro sa pictures lang nya ito nakikita, naiimagine na nya na mala Alessandra de Rossi ito sa ganda at katarayan. Yung tipong kontrabida levels pero very pretty. Ano nga ba naming binatbat ng Carla Abellana 'fez' nya e kung muka naman syang grown-up version ni Ryza matapos nyang manganak. Sa puntong yun, naisip nyang, bakit hindi nya subukang sumayaw ulit para pumayat. Pero naisip nya ring baka pagtawanan lang sya dahil kawangis na nya si Jollibee kung sasayaw pa sya.
**ring ring**
NINONG ARCHIE POGI CALLING
"Hello?"
"uy Yas, nabasa ko text mo... at nabasa na rin ni Maggie, sorry"
"o bakit ka nagsosorry? Ok lang naman yun, may karapatan naman sya sa phone mo kung ikakasal na kayo"
"di naman, baka lang... nailang ka... wala lang"
"ha? Ewan ko sayo... o ayun, pasensya na ha. Sa susunod mo nalang kami ilibre ng inaanak mo"
"may kailangan ba kayo dyan? Pwede ba ako dumalaw?"
"oo naman, wala naman kaming masyadong kailangan ngayon hehe. Thank you"
"ikaw, baka may gusto ka?"
"wala nga, angkulet"
"baka lang ako gusto mo"
"tangina mo, hokage! Hahaha!"
"hahaha! Baka marinig kang nagmumura ng anak mo hahaha!"
"nasa labas ako! O sya, magtext ka kapag malapit ka na. bye"
"haha, bye"
[a/n: ang salitang Hokage ay ginamit sa sitwasyong ito bilang tawag sa taong dumiskarte ng mabilis sa babae, 'galawang breezy' o 'ninja moves' kumabaga]
Wala nalang kay Archie ang ganitong ugali ni Yas, bihira lang naman syang magkaroon ng kaibigang babae na medyo garapal at walang pakundangan sa pagmumura. Mas nararamdaman kasi nyang totoo ang isa tao kung bukod sa pagiging mabait e mabilis rin itong magreact sa mga nakakatuwa o nakakainis na bagay. Sana lang mas nabigyan pa nya ng pagkakataon si Yas na malaman nito ang nararamdaman nya noon sa kanya.
Ika nga nila 'jokes are half meant', yun ang naiisip noon ni Archie sa tuwing bibiruin nya si Yas na gusto nya ito. Pero maraming nagbago, at marami na ring nangyari. Hindi malaman ni Archie kung bakit isang araw paggising nya, wala na syang nararamdaman para kay Yas kundi isang kaibigan. Paminsan minsan naiisip ni Archie na paano kung sya nalang ang umako kay Charlie, o higit pa dun. Na sana sya nalang ang ama ni Charlie. Paano kung hindi sya binigyan ni Maggie ng second chance, malamang tatakbo uli sya kay Yas para maglabas ng sama ng loob at humingi ng advice. Di namamalayan ni Archie na sa twing nagrerealtalk sila ni Yas ay unti-unti na palang nahuhulog ang loob nya rito. Dun nya mas nakilala ang tunay na ugali ni Yas, hindi dahil alam nyang ipapaintindi sa kanya nito ang ugali ng mga babae, kundi dahil alam ni Archie, na sa isang relasyon, walang nakakalamang. Lalaki man o babae, o kahit pareho pa kayong lalaki. Dapat pantay sa lahat ng bagay. Yun naman ang pagmamahal di ba? Walang dapat mahigitan at walang dapat pagdamutan. Kung masyado ka nang nagsakripisyo nakakalimutan mo na ang sarili mo, hindi na pagmamahal yun, katangahan yun. At kung masyado mo nang inaangkin ang lahat, hindi rin pagmamahal yun, kasakiman yun.
[ Bossing Vic: ay grabe sya]
[Wala rin akong maisip kung bakit napagtripan kong ayaw na ni Archie kay Yas... sandali, magkakape lang ako lels]
'o
BINABASA MO ANG
Even If
RandomIt's been awhile! I'm back to writing again! This is just random, not following any trends or what. Please enjoy reading. Good vibes only **PS: Iba talaga nagagawa pagisang linggong walang internet :)