"Mama!"
Malayo palang umaalingawngaw na ang boses ni Charlie para salubungin ang nanay nyang pababa ng tricycle. Buong pagyayabang nyang ipinakita sa nanay nya ang malabong tatak ng 'very good' sa kamay nya, sabay punas sa leeg nyang pawis na pawis dahil wala pang 5 minutes mula nang makarating sa bahay e nagpalit lang ng damit at direcho na sa labas para maglaro.
"ay anghel kong amoy kalsada nanaman" hindi na inalintana ni Yas ang madungis na anak maipadama lang nya ang simpleng paglalambing dito.
"kulot... bigay ni ninong archie" inabot ni Yas sa anak nya ang donut na binili para sa kanya ni Archie.
Kulot ang tawag nya kay Charlie, dahil nga naman sa kulot nitong buhok na namana nya sa tunay nyang ama. Maputi ang kutis na nakuha naman kay Yas. Kung pagmamasdan si Charlie nang maigi, kawangis ng batang ito ang mga anghel na nakikita sa mga calendar, pati ang mga pigurin sa simbahan. Mala anghel si Charlie, minus the wings. Sabi ng mga kapitbahay nila, halatang 'gawa' sa pagmamahal si Charlie, labis na pagmamahal, na sa pagkalabis ay wala nang naitira para panatilihing maayos ang relasyon ni Yas sa ama ni nito.
Pagpasok nilang mag-ina sa bahay, napansin ni Yas ang isang malaking paper bag sa sala. Binasa niya ang maikling mensahe sa card.
Ate Yas and Charlie cutiepie,
Merry Christmas sa inyo, sana magustuhan ni cutiepie ang pamasko ko.
Shaina
Ang laman ng paperbag ay isang pares ng damit na panglalaki at mukang mamahalin. Bigtime na talaga si Shaina, naisip ni Yas na marami na palang pinagbago sa grupo nya mula nung umalis sya. Kapwa member ng 'cover group' si Yas at Shaina, isa sa mga sikat na CGs noon ang grupo nya. Korean Pop group ang ginagaya nila noon, mula sa konsepto ng song covers, sila naman ay nagkocover ng mga Kpop idols. Kabikabilaan ang panalo nila noon sa mga contest at may fanbase rin sila, marami silang narating sa pagsayaw ng kpop, kaya ganun nalang ang dismaya ni Yas sa sarili noong malaman nyang sya's nagdadalang tao dahil alam nyang hindi na nya maaaring gampanan pa ang pagiging miyembro dito.
Sa pagsayaw rin nya nakilala ang ama ng anak nya, maging si Archie ay ganoong industriya na nya nakilala. Halos lahat ng kaibigan ni Yas, ay nasa kpop community. Kaya naging mahirap din sa kanya ang pagalis, mahal nya ang pagsayaw, minahal nya rin ang community. Pangarap nya ang pagsayaw, naimagine na nya noon ang sarili nya na nabubuhay para sumayaw, yumaman dahil sa pagsayaw. Doon na halos umikot ang mundo nya. Andun lang ang focus nya hanggang sa mainlove sya kay Kerwin, nakalaunan ay iiwan rin pala sya. Gayunpaman, ayaw nang isipin ni Yas ang nakaraan, mas nanaisin pa nya na palakihin ng mag-isa ang anak kesa tiisin ang walang kwentang relasyon nya kay Kerwin at hinihiling nya na sana wag na itong bumalik pa sa buhay nila.
Ilang saglit pa ay naririnig na ni Yas ang yabag ng mga paa ni Charlie tumatakbo papunta sa kanya para ipakita ang scores nya sa activities nung araw na yun. Lahat ng papel ay may nakasulat na 'perfect score' o kaya naman ay 'very good'.
"aba! Anggaling galling na anak ko ha! Kaso bungi! Hahaha" pabirong sabi ni Yas sa anak nya nabunutan ng isang ipin sa harap nung nakaraang lingo lang.
"mama, ano po yung nasa paper bag?"
Hindi pa man matalas sa alphabet at numbers si Charlie ay napakalinaw na nyang magsalita. Biruan nga nila sa bahay e 'gurang' na si Charlie at natrap lang sa katawan ng bata. Alam rin ng bata ang sitwasyon nilang mag-ina, hindi alam ni Yas kung pano ipapaliwanag noon kay Charlie na ang pamilya nila hindi katulad ng sa ibang bata, na nandyan ang ama at ina, na may sariling tahanan, o may mga kapatid. Pero isang araw sa school ni Charlie na naimbitahan sa PTA meeting si Yas, nakilala nya ang isang ina na tulad nya rin ay tinataguyod nang mag-isa ang anak. Mas maswerte pa nga si Yas, dahil kumpara sa kanya, natanggap pa rin si Yas ng pamilya nya. Pero yung nakilala nyang kapwa single mom, itinaboy ng pamilya dahil kahihiyan raw sa angkan. Naging matalik na kaibigan ni Charlie ang anak nito. Marahil naramdaman ni Charlie na hindi rin naman sya gaano naiiba, at sa isip ni nya, normal din naman sya dahil hindi nga naman sya nag-iisa sa mundo na walang ama.
"damit po, bigay ni ninang Shaina, 'lika sukat natin!"
Habang inaayos ni Yas ang kuwelyo ng polo shirt na bigay ni Shaina biglang naalala ni Charlie ang pangako ng kanyang ina na dapat ay mamasyal sila
"mama, anong oras tayo aalis?"
"ay kulot, sorry, sabado nalang. Sasama si Ninong Archie, ayos ba yun?"
"sabado? Kailan yun?"
"dalawang tulog pa"
"dalawa? Antagal po"
"mabilis lang ang araw anak, malay natin isang araw, hindi na ako ang date mo sa pasko"
"ayoko mama, hindi pa ako marunong sa jeep, mataas yung akyatan tsaka hindi pa ako makapara kasi hindi ako makita ng driver"
Tawang-tawa si Yas sa mga sinabi ng anak, oo nga naman, mahihirapan pa syang umakyat ng jeep at sa liit nya ay di pa sya makikita ng driver.
[to be continued...]
BINABASA MO ANG
Even If
RandomIt's been awhile! I'm back to writing again! This is just random, not following any trends or what. Please enjoy reading. Good vibes only **PS: Iba talaga nagagawa pagisang linggong walang internet :)