Chapter 3-B

2.4K 82 26
                                    

A/N

Hellooooooooo WORLD!!! Dahil nai-inspire ako sa inyo na mga sumusuporta sa story na ito, susubukan ko po mag-update kapag hindi po ako busy. I'm sorry po sobrang tagal po akong hindi nag-update sobrang busy po sa school nung mga nakaraang buwan. Pero ngayon I'll try mag-update ng mas maaga lalo't bakasyon na

SALAMAT PO ULI SA INYO! LOVE YOU ALL LOTS! *kiss *kiss mwa mwa!  

 Wag din po kayo mahiya mag-comment upang mapaganda pa itong story na ito.

I NAME IT CHAPTER 3-B BECAUSE IT IS JUST A CONTINUATION.

 ~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~~○~○~○~~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~ 

 "OO NA! PLEASE LANG BITAWAN MO NA KAMAY KO PUMAYAG NA AKO!"

"Sureeee. Thanks guysss, sige una na ako see you later!" Umalis na rin yung babaeng yun, tinignan ko sya hangang makalabas grabe sexy nya pala. Fudge! ginagawa nya akong perv!

FAST FORWARD

After ng third class namin ni Margo at ni anaconda naglakad na kami papuntang cafeteria, si Margo lang at si ahas ang nagkukwentuhan. Isang malaking OO kablock pala namin tong bwisit na babaeng to, hindi na talaga maibabalik ang dati kong tahimik na buhay. Haaayyysss. Sinigurado nya pa talaga kanina na hindi ako makakatakas sa lunch namin, pagtapos na pagtapos ng class agad syang pumunta sa upuan namin ni Margo at hinawakan yung kamay ko. Nagtry and try and try ko uli tanggalin yung kamay nya pero wala e ni hindi ko nga naayos ng mabuti yung gamit ko, kainis! Sabay mo pa yung mga tinginan mapang-asar ni Margo, sira na talaga ang araw ko. Pero inferness ang lambot at ang kinis sarap hawak-hawakan ng kamay nya, just telling the truth wala namang masama dun right?  

"Ano ba Higad!, wag ka nga feeling close kung makahawak ka parang walang bukas a. Tanggalin mo na!" asar na sabi ko sa kanya pagka-upo namin sa table, pano ba naman pag-dating namin sa cafeteria pinagtitinginan kami. Nakakahiya kaya baka kung ano isipin nila. 

"Nope, don't like! and anong higad sa ganda kong to!" aba'y mahangin din pala yung isang to, pero sabagay may point sya sa kagandahan na part. Maganda naman kasi talaga tong isang to mala-model look nga, pointy nose, kissable lips and gorgeous eyes nya na parang may blue na color. Nakakapangliit naman tong babaeng to tangkad din 5'7 sya then 5'4 lang ako, nasa kenye ne eng lehet.

"Oo nga Bessie, inggit lang sila sa kagandahan natin." ay sumawsaw pa talaga tong isang to sarap batukan e kala mo talaga maganda, bat hindi nalang ako tulungan dito. Sinamaan ko lang sya ng tingin, nagpacute peace sign lang sya sakin. Lagot sakin to si Margo mamaya.

"Ano order nyo? My treat!" sabi ni Higad. Tumayo na sya at binitiwan ang kamay ko. 

Buti binitiwan nya na rin sa wakas, pero para bang may something na mabigat sa puso ko nung binitiwan nya. Di ko nalang pinansin yun at sumagot.

"Wala akong gana kumain, kayo nalang."

"Bessie! Grasya na nga lumalapit sayo ayaw mo pa?"

  "You need to eat Len baka mawalan ka ng energy mamaya." biglang nagpintig ang tenga ko. Isang tao lang tumatawag sakin ng 'Len' at yun ay si Lance. Fudge! Higad wag mo nga ipaalala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko na inagaw mo.

"Who are you to call me Len? Wag mo nga ako matawag-tawag nyan isang tao lang pwede tumawag sakin nyan at yun ay yung lalaking inagaw mo!" Tumayo na ako at nag-walk out sa cafeteria bago pa tumulo ang luha ko. Muntikan ko na makalimutan na sya nga pala ang umagaw kay Lance sakin.

"BESSIE!" hindi ko na pinansin yung pagtawag sakin ni Margo, tuloy tuloy lang ako sa pag-lalakad.

Paglabas ko ng cafeteria dumiretso ako sa secret place ko dito sa Univ. Dito ako nagpapalipas ng sama ng loob simula ng matuklasan ko to nung unang araw ko dito sa Univ.

Flashback

Unang araw ko dito sa Univ., pero di ako makapag-saya pano ba naman nag-away nanaman kami ni Lance. Nakakainis talaga yun sya na nga tong ayaw ako puntahan sya pa galit, namimiss ko lang naman sya e. Lately, parang lagi nalang masama ang loob nya. May problema kaya kami?

Naglakad-lakad ako sa may garden ng school para magisip-isp, hanggang may napansin ako sa isang bush na parang lumiliwanag. Na-curious ako kaya pinuntahan ko at may nakita akong river. GRABE! May river pala sa school na to! May malaking puno rin sa may riverside. Napakagandang place para mag-unwind.

End of Flashback

Kaya ayun simula ng matuklasan ko to dito na ako lagi pumupunta. Pumunta ako sa may puno kasi doon ay may lilim at nag-isip.

Hays, bakit ba ganito nararamdaman ko sa kanya. Dapat magalit ako sa kanya kasi inagaw nya nga sakin si Lance, pero sa tuwing makikita ko sya parang may gustong kumalawa sakin. Hindi rin pwede tong nararamdaman ko kasi babae sya and I never been attracted to women. Ang sakit nya sa ulo! Mabuti pang iwasan ko nalang sya para matapos na tong kagagahan ko!

Humiga ako at unti-unti kong pinikit ang mata ko.

Maya-maya naalimpungatan ako ng may humaplos sa mukha ko. Ang lambot naman ng hinihigaan ko! Hinaplos ko rin ang smooth naman! Unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakakita ako ng angel! Napakaganda ng mga mata nya kaya ko syang titigan buong araw.

"Coalen" Malumanay nyang tawag sakin, ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag galing sa kanya.

"Nagsasalita na pala ang mga angel ngayon." Sagot ko sa kanya. Biglang tumawa yung angel ko, pamilyar sakin yung boses na yun a! Natauhan ako bigla kaya napabalikwas ako sa kanya.

"Hey! What are you doing here?!" Sabi ko habang tumatayo ng mabilis para makalayo sa kanya. At sa hindi inaasahang katangahan ko bigla akong nadulas or nadapa? Di ko na napansin basta bigla akong nahulog, at napahawak kung saan man sa kasamaang palad yung babaeng gusto kinaiinisan ko pa. Inaasahan ko na yung impact nang pagbagsak ko kaya napapikit ako ngunit, datapwat, subalit hindi ako naramdam ng kahit anong sakit. Inalalayan pala ako ni Zailer. Pag-dilat ko yung mga nakakaakit na mata nya nanaman ang aking unang nakita. Ito rin unang pag-kakataon na nasilayan ko ang almost perfect nyang mukha. Nararamdaman ko nanaman tong kakaibang feeling na to, hindi ko to naramdaman kay Lance so different parang magical na something. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. HINDI TO PWEDE!

"Ano ba! Bitiwan mo na nga ako!" Marahas na sabi ko sa kanya sabay alis sa pagkakahawak nya sakin.

"Sorry Coalen, I'm so sorry"

"Para saan yang sorry mo? Para sa pag-agaw mo sa boyfriend ko? Para pang-gugulo mo sakin? PARA SAN?!" Binuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa kanya.

Bigla nya akong niyakap at umiyak na nagsalita "Patawarin mo ko sa ginawa ko, I don't want to hurt you." Pagkatapos nya ito sabihin ay mabilis syang umalis.

Tinignan ko sya hanggang mawala sya sa paningin ko. Huli na nasaktan mo na ako.


























   

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stealing My Ex-boyfriend GIRLFRIEND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon