CHAPTER 1

5.1K 99 24
                                    


"HI, Max! Gising na ba ang kuya mo?" masayang tanong ni Cindy, ang current girlfriend ng Kuya Miguel niya. Nakatayo ito sa labas ng gate nila, wearing a pair of shorts and a cotton hanging blouse. She was a Nursing student and her brother had met her just a few days ago. Kailan lang nagkakilala ang mga ito pero girlfriend na agad ito ng kapatid niya. Well, she couldn't blame her, guwapo ang kuya niya. Idagdag pang maboladas ito, ayon na rin sa mama niya.

"Hoy, Kitty, tinatanong ka noong tao. Nariyan daw ba ang kuya mo?"

Mabilis siyang napalingon kay Daniel, ang kaibigan ng kuya niya na nakatira sa kabilang bahay. Nagdi-dribble ito ng bola habang nakangisi sa kanya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata bago ibinalik ang tingin kay Cindy.

"Wala siya rito eh. May...kailangan ka?" Atubili man ay napilitan siyang lumapit sa gate, para na rin niyang naririnig ang sermon ng mga magulang nila tungkol sa 'good manners and right conduct.'

"Wala ba? Nag-text kasi siya sa akin kanina at ang sabi ay...oh well, sige, hindi bale na lang. Just please tell him na dumaan ako. If he asks about me, sa clubhouse ako pupunta."

Tumango lang siya at ngumiti nang pilit rito, some sort of a dismissal look. Kumaway na ito at nagsimulang mag-jog habang papalayo. Noon niya narinig ang papalapit na tunog ng bolang kanina pa hindi matahimik kay Daniel. Hinarap niya ito at inagaw ang bola nitong hawak.

"Nakakainis ka talagang daga ka! Muntik mo na akong ipinahamak kanina!"

"Ako? Bakit?" takang-taka ito na nakaturo pa ang mga kamay sa sarili. "Wala naman akong sinabi, hindi ba?"

"Bakit kasi hindi ka na lang sumagot na wala rito si Kuya! Kung ako si Cindy, makakahalata akong nandito nga si Kuya!" Bahagya niyang idinabog ang mga paa at saka padarag na ibinalik ang bola kay Daniel. Sa dibdib nito iyon tumama at bahagya itong napaigik.

"Bakit kasi nagsinungaling ka pa? Nasa loob naman talaga ang kuya mo, hindi ba? Paano kung makausap niya si Cindy at malaman ang ginawa mo?" nakangiti nitong sabi.

Umingos siya bago nagsalita. "Hindi iyon magagalit sa akin. He knows very well I don't like his current girlfriend. Masyadong flirt. Dapat pa nga niya akong pasalamatan sa ginagawa ko para sa kanya."

Napailing si Daniel. Naramdaman na lang niya ang pag-akbay nito.

"Hindi mo iyon dapat ginagawa, Kitty. You're becoming too possessive. Miguel is older than you but look, hindi siya ganyan ka-weird sa pagbabantay sa'yo. Don't overdo it, okay."

Napasimangot na naman siya.

"You know what? I think you just need to fall in love. Siguro, maiintindihan mo na ang kuya mo kapag nangyari iyon. Hindi mo na siya babakuran at higit sa lahat, magdadalaga ka na."

Natahimik siyang bigla. Hindi alam ni Daniel ang pinagsasasabi nito. Anong magdadalaga? Anong ma-i-in love? Kung alam lang nito ang nasasaloob niya, tiyak na katakot-takot na kantiyaw ang aabutin niya rito. Mabilis niyang inalis ang braso nitong nakasampay sa balikat niya at saka niya ito hinarap.

"Hindi ko kailangang ma-in love para lang maintindihan ang kuya ko, okay. You know why? Dahil hindi naman siya in love! Isa lang ang Cindy na iyon sa mga babaeng pinaglilibangan ni Kuya dahil hanggang ngayon, alam kong si Nadine pa rin ang mahal niya."

Si Daniel naman ang napailing. She knew the story between the two. They fell in love with each other five years ago. It was just sad that Nadine had to leave for California. Naroon kasi ang mga magulang nito pero nangako itong babalik at marahil ay iyon ang hinihintay ng kuya niya. Siyang dahilan marahil kung bakit ngayon ay hindi ito nakukuntento sa iisang babae.

The Mouse and the Kitten (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon