CHAPTER 2

2.2K 69 10
                                    


"DALAGA na nga ang anak ko!" bulalas ng mama ni Maxene habang napapangiting napapailing naman ang papa niya.

"Ma, paano naman tayo nakakasigurong sa lalaki nga nagkakagusto itong bunso natin? Paano kung sa kabaro niya pala?" sagot naman ng Kuya Miguel niya.

"Kuya naman!"

"Sa tingin ko ay hindi naman, Pare. Hindi naman niya kailangang mag-lipstick kung babae ang crush niya, 'di ba," sabad naman ni Daniel na yumuyugyog na ang balikat kapipigil ng tawa.

"Stop teasing, you two!" asar na asar niyang sabi. "May crush na ako at lalaki siya okay! Lalaki siya, promise!" Gigil na gigil siya na halos madurog na ang mga ngipin niya sa sobrang paggigigil.

Bigla ay natahimik ang lahat. Tumikhim si Daniel at saka nagsalita.

"Kaklase mo ba?"

Sinulyapan niya ito at nakita niyang salubong ang mga kilay ng lalaki. Gayon din ang reaction ng kuya niya while her father was cool.

"Nope."

"Schoolmate?" anang kuya niya.

"Hindi rin."

"Aba'y sino? Don't tell me you just met someone from Facebook, Maxene! I'll definitely wring your neck."

Bigla ay nagka-ideya siya. "Kuya Migs, what's wrong with that? Facebook is Facebook! Social networking site. Imposible bang doon ako makakilala ng lalaking magugustuhan ko?"

"So sa FB nga?!" halos magkasabay na tanong ng dalawa.

"Guys, cool down. Tinatakot ninyo ang dalaga ko."

She looked at her mom with relief. Ang papa naman niya ay diretso lang sa pagkain, nakangiting pailing-iling.

"Okay, fine. Hindi ko siya sa FB nakita. Magkakilala talaga kami in person. He's cute, funny and nice."

"So he must be a rabbit," anang kanyang kapatid. Ngayon ay nagsisimula na itong tumawa habang si Daniel ay tila biglang nagseryoso.

Ilang asaran pa ang namagitan sa kanilang magkapatid bago umawat si Daniel.

"Enough, Pare. Sa tingin ko ay advantage naman ito sa part mo." He smiled and her heart sunk. Tila masaya pa ito sa ibinalita niya. "Kung in love na itong baby natin, that only means she won't guard you anymore. Malaya ka na, pare. Apir!" Tuwang-tuwa ito habang siya naman ay nagmamarakulyo sa inis.

On the other hand, parang mas mabuti na nga din ang nangyari. Dahil doon ay hindi na siya mangangambang pag-isipan ng Kuya Miguel niya tungkol kay Daniel. Hindi na ito maghihinala sa kanya sa tuwing ginagabi siya ng paghihintay sa lalaki sa garden swing ng mama niya tuwing late na rin itong umuuwi. Ang problema, saan naman siya kukuha ngayon ng kanyang 'imaginary crush?'


KINABUKASAN ay bigo si Maxene na makita si Daniel. Maaga pa naman siyang gumising para abangan ang paglabas nito ng gate pero hindi niya ito nakita. Kanina pa siya pasimpleng sumusulyap-sulyap sa katapat na bahay pero walang palatandaang naroon ang lalaki.

Naupo siya sa harap ng kanilang gate habang nakatanaw sa katapat na bahay. It was not usual. Palagi nang nag-mo-morning exercise sa clubhouse si Daniel. Kung hindi bola ay aso nito ang dala ng lalaki para ipasyal sa kabuuan ng subdivision. Maya-maya ay lumabas si Trina, ang kasambahay ng mga Fulgencio para maglabas ng basura. Tinawag niya ito at kinawayan. Saglit pa ay nasa harap na siya nito.

The Mouse and the Kitten (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon