Sa Mahal mo o sa Mahal ka?

842 24 4
                                    

Sa mahal mo o sa mahal ka?

SINO ang pipiliin mo, ang taong mahal mo o ang taong mahal ka? Kung mo pa natanong 'to sa sarili mo, okay lang 'yan. Pero sa ibang naitanong na ito sa sarili nila, kalma lang.

Isa na ito sa cliché questions tungkol sa pag-ibig. Kung natanong mo na ito sa sarili mo, ang haba ng hair mo. Naniniwala na akong hindi ka isa sa mga taong magiging single. Hindi ko rin nga lang alam kung anong sagot mo sa tanong na iyan.

Kung iisipin, isa itong tanong ng utak at puso. Ano bang uunahin mo, practicality o emotion? Siguro kasi, 'yung assurance, nasa taong mahal ka at probability lang ang makukuha mo sa taong mahal mo. Minsan kasi, kung sino pang mahal natin, sila pa ang lumalayo. Sila pa 'yung nagpapaasa. Sila pa 'yung mananakit sa'yo. Sila pa 'yung bibigyan ka ng dahilan para 'wag na lang mabuhay. Unlimited entries na ata ang nasa listahan ng side effects ng pagmamahal lalo pa sa taong hindi ka naman gusto.

'Yung tao bang mahal ka pero hindi mo naman mahal ay willing gawin lahat ng bagay para sa'yo? Nasabi niya na ba ang pamatay na linya na hindi ka raw niya iiwan. Handa ba siyang itulak ang Mount Everest para sa iyo? Pinapakita at ginagawa niya ba ang lahat ng kaya niya mapatunayan lang niyang mahal ka niya? Nararamdaman mo ba ang sincerity niya? Ang swete mo kung may taong handang itaya ang puso para sa'yo. 'Yun nga lang, malas niya kasi hindi mo naman siya gusto. Pero alam mo ba, ang daming mag-asawa ngayon ang hindi naman gusto ang isa't isa, pero dahil kontento na sila sa piling ng bawat isa, tsaka na lang nila aasikasuhin ang love at romance.

Iba naman ang sitwasyon mo sa kanila. Siguro, medyo bata ka pa at may panahon ka pa para mag-consider ng bagay. May choices ka naman e. Tough choices nga lang.

Piliin mo 'yung taong mahal mo kung may chance na maging kayo. Piliin mo naman 'yung taong mahal ka, kung alam mo sa sarili mong darating rin ang panahon para mahalin mo siya.

Ang hirap pa rin pumili, tama ba? Paano kung hindi mo masabi kung may chance kayo ng taong mahal mo?

'Wag kang matakot sumubok. Ganiyan magmahal e. Kailangan mong magbigay ng effort. Kailangan mong magbigay ng sipag at tiyaga. Sabi nga nila, kapag nagmahal ka, darating ka sa punto na gagawin mo lahat para sa taong minamahal mo. Kung meron kang chance, take the risk. Taking risks is better than being regretful. It is better to be rejected than being dumped with lots of what-ifs. 'Yung tipong magsisisi ka kasi sana ginawa mo 'to. Sana ginawa mo 'yon. Kaya 'wag kang matakot sumubok. Sa huli, kung mabibigo ka, at least alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat.

Kung pipiliin mo 'yung taong mahal ka, pero hindi mo mahal, bakit mo pa siya pinili? Kung para maging kaibigan, pwede, pero kung magiging taga-salo mo lang siya sa panahong wala nang kakausap sa'yo, parang unfair naman ata para sa kanya 'yon. Kaya lang, minsan, gusto rin naman nilang tulungan ka. Kung ganoon ang mangyayari, be grateful dahil may mga ganoong tao para sa iyo. Magpasalamat ka dahil may taong handang tumulong para sa iyo.

Kung ano o sino man ang pipiliin mo, ipagdasal mo muna. Sa Proverbs 3:6 mo malalaman kung bakit mo kailangang magdasal muna para sa kanya.

Sa panahong hirap kang magdesisyon, huminto ka muna sandali. 'Wag kang magdedesisyon nang galit o masaya ka. Magdesisyon ka kapag nasa tamang huwisyo ka na. Ipagdasal mo ang desisyon mo. 'Wag kang mag-alala dahil ibibigay ni Lord ang desires ng ating puso. Susuportahan ka niya sa kahit anuman ang mangyari sa desisyon mo.

---



Tanong ko lang, sa mahal mo o sa mahal ka?


Paano Mag-Move On?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon