Dental Floss

69 4 0
                                    

Ang storyang ito ay likha lamang ng makulit este malikot na imahinasyon ng manunulat. Coincidence lamang kapag may katulad-mapatauhan man o pangyayari sa ibang storya ang kwentong ito. Salamat po!

o~o~o~o

"Kailan ko kaya makikita ang bestfriend ko?" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin kapaligiran. Ilang taon na rin s'yang wala, bata pa kame. 11 years na ang lumipas pero wala parin s'ya. Sobrang namimiss ko na s'ya. Kung tatanungin n'yo ako kung ilang taon na ako ngayon, 18 na ako.

 "Hindi mo na mahahanap yun, bakla. Mamumuti na ang buhok mo at mangungulubot na ang maganda kong face eh wala pa yun. Kung ibinabaling mo na lang ang atensyon mo sa iba eh hindi ka tatandang dalaga. Katulad na lamang ni Carl, Single pa rin hanggang ngayon." sabi ng katabi ko. Si Rafael Marciano De los Santos. Define him? He's a gay. Pakialamanan ba naman ang hindi umaaribang lovelife ko.

Tumingin ako sa tinuro ni Rafael pero kaagad ko rin ito iniwas. Nakatingin kasi si Carl sakin. Kinuha ko ang pamaypay ko sa bag at itinakip sa mukha ko. Pasimpleng tinignan ko si Carl sa maliit na butas ng pamaypay. Hindi ko maipagkakaila, gwapo talaga s'ya. Ang perfect ng kilay n'ya parang inahit, yung ilong n'ya ang tangos. Hindi ko maiwasang tumingin sa labi n'ya. Mukhang malambot, ang sarap kagatin. Ano ba 'tong sinasabi ko!?

Umiling iling ako. Hindi ako pwedeng magkagusto kay Carl. JC pa rin ako! JC! JC! JC! Bakit ba kasi ang tagal n'ya bumalik? Akala ko ba tutuparin n'ya yung pangako nya. Bigla 'kong naalala yung araw na huli ko s'yang nakita. 11 years ago.

"Basta, Iintayin kita JC." umiiyak na sabi ko kay JC. Nagpaalam kasi s'ya sakin na pupunta na s'ya sa Italy. Doon na daw s'ya titira kasama ang pamilya n'ya. Gustong gusto ko syang pigilan na umalis pero may part na nagsasabi sakin na h'wag maging selfish kung yun ang makakapagpaligaya sa kanya.

Tumango tango s'ya. "Basta, I'll marry you when I come back okay?" tanong n'ya. Pasimple n'yang pinunasan ang luha n'yang nagbabadyang pumatak.

 

Itinaas ko na man ang kamay ko at inilapit sa kanya, "Nasaan yung singsing?"

"Pikit ka." utos ni JC. Hindi na ako nagdalawang isip at ipinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko na may tinatali s'yang parang lubid sa kamay ko. Binuksan ko ang mga mata ko at tinignan yung kamay ko.

 

"Bakit dental floss?" dissapointed na tanong ko. Alam 'kong palagi s'yang may dalang dental floss sa bulsa n'ya kase isa s'yang batang mahilig kumain ng chocolates pero hindi ko ineexpect na ito ang gagamitin n'yang singsing.

 

"I'll buy you a real one when the time comes." Ngumiti na lang ako at niyakap ko s'ya. Kinabukasan, nabalitaan ko na lang na umalis na s'ya. That was the last time I saw him.

Tumayo na ako sa inuupuan ko at tinakbo ang haba ng corridor. Nakalimutan ko kase kunin ang bag ko sa laboratory dahil nagklase kami tungkol sa mga flasks kanina d'un. Pagdating ko sa Laboratory, nakita 'kong bukas ang pinto. Hindi naman ito bukas ng iniwan ko ito kanina.

Pumunta ako sa pwesto ko kanina at kaagad ko namang nakita ang bag ko. Mabuti at walang naglakas loob magnakaw ng bag ko. Pagbalik ko sa pinto ng laboratory, nagulat ako dahil nakasarado ito. Pinilit ko itong buksan. "Hoy! Tulungan n'yo ako! Nakalock yun pinto!" sigaw ko.

"Enjoy your night." rinig kong salita ng isang pamilyar na boses.

"Rafael Marciano De los Santos! Buksan mo ang pintong ito kung ayaw mong makita ang hinahanap mo!"

"Imbyerna ka! Kasama mo naman si Carl e." biglang nag-init ang ulo ko. Nakakaasar talaga minsan ang baklang 'yun, palagi na lang akong pinagti-tripan. "Wala naman dito si Carl e! H'wag mo akong niloloko!" pagwawala ko.

"Teka Jazz, Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa papalapit na si Carl. Teka, Paano s'ya nakapasok dito?

"Ikaw, Saan ka pumasok?" panduduro ko sa kanya.

"D'yan sa pintong 'yan. Kanina pa ako natutulog dito. Narinig ko lang na may tumawag ng pangalan ko kaya nagmadali akong pumunta dito. Ano bang ginagawa mo dito?"

"Kinuha ko ang bag ko tapos nalock tayo dito, Okay?" pagpapanic ko at pinilit na buksan ulit ang pinto. "Argh!"

He chuckled. "Masasaktan ka lang sa ginagawa mo. Bukas na lang tayo humingi ng tulong."

"Teka, May phone ka ba?" nagbabakasakaling tanong ko. "Meron." sagot n'ya naman. Lumiwanag naman ang mukha ko. "Nasaan!?"

"Nasa bahay." natatawang sagot n'ya. Sumimangot naman ako. "Kainis 'to." mahinang sabi ko. Ngumiti lang naman s'ya.

"Maghahanap na lang ako ng komportableng matutulugan." lumakad ako papuntang Main Laboratory. May sleeping bags at unan dun. Ito ata ang mga ginamit ng mga nagcamping dito kahapon.

Nakita ko namang lumapit sa akin si Carl at kinuha ang isang sleeping bag. Inilatag n'ya ito at nakaindian sit na umupo. Tumabi ako sa kanya, "Anong oras ba binubuksan ito?"

"7am pa ng umaga."

"Ang tagal."

Ilang minuto rin ang nakalipas ng magsalita s'ya bigla, "Magkwento ka."

"Tungkol saan?"

"Random." tipid na sagot n'ya. Bigla ko namang naisip na ikwento ang tungkol kay JC. First time kong ikwekwento yun sa taong hindi ko naman gaanong kakilala. Bukod sa pangalan at course n'ya yun lang ang alam ko tungkol kay Carl.

Umayos ako ng upo, "7 years old ako ng may makilala akong batang lalaking kasing edad ko noon. Naging bestfriend ko s'ya. Pero nagmigrate s'ya sa Italy at wala na akong balita tungkol sa kanya." tumingala ako, pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko.

"Baka busy s'ya." lumapit s'ya sakin. Nagulat naman ako ng bigla n'yang hinawakan ang kamay ko at hinalikan. May kinuha s'ya sa pocket n'ya. Dental floss.

"Remember this?"

Niyakap ko s'ya bigla, "Ikaw si JC?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Oo." may kinuha syang box na maliit sa tabi n'ya. Binuksan nya ito at ipinakita sa akin. "Sorry kung natagalan ako sa pagbalik ha? Nag-ipon kase ako para sa dream wedding mo. Jazz Villafuerte, Will you be mine forever?"

"Yes."

 o~o~o~o

Don’t underestimate a thing if it small because it might be a big help when you really need it. Like this little thing called Dental Floss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dental Floss ( One Shot Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon